"Wala lang," tamad na sabi niya habang nakatingin na sakin ng diretso.

Lalong napakunot ang noo ko, "Ano?"

He rolled his eyes, " Hindi ba pwedeng pumunta sa Tagaytay ng wala lang? I just want to relax,"

Napataas ang kilay ko sa kaartehan ni Kipp.

"Ngayon ko nga lang nakita na gumagawa ka ng related sa course mo e," and the rest, ang sundan ako at inisin.

Napaismid naman siya at napasandal sa upuan.

"Ano, g?" pambabalewala niya sa sinabi ko.

"Ayoko, tsaka hindi ako papayagan nila Mama sumama sa'yo no," wala rin naman ako extra'ng pera no, at wala talaga kong balak sumama sa kanya.

Parang ilang linggo palang naman kami nagkakausap tapos sasama ako agad sa kanya?

Nag lean siya ng konti sa table.

"Did you introduced me to your parents?" Nakangising sabi niya.

"Hindi no, asa ka naman." Irap kong sabi.

Tumango-tango naman siya at hindi nakaligtas sa akin ang ngisi niya.

Ugh! Ano nanaman kaya naiisip nito?

"What time will you go home?"

"At bakit?"

"What time?" tanong niya pabalik at niligpit na niya ang mga gamit niya. Tapos na yata siya.

Bumuntong hininga lang ako at tumingin sa relo ko. Free cut lang namin ngayon pero hindi ko alam kung imi-meet kami mamaya sa last subject.

"4:30," maikli kong sagot.

Ngumiti siya at tumayo na bitbit lahat ng gamit niya. Nilagay lang niya sa drawing tube niyang kulay itim ang plates na ginawa niya.

Nagtatakang pinapanood ko lang ang bawat galaw niya.

"See you later, kiddo." kinindatan lang niya ako at nakuha niya pang guluhin ang buhok ko kahit na marami siyang dala.

"Kabog rin si Ma'am no? Siya lang nagklase ngayong araw." Sarkastikong sabi ni Kate ng makalabas kami ng room.

Oo nga, ang buong akala namin wala na kaming klase niyan kase straight schedule namin ngayong araw wala ni isa ang pinasukan namin dahil nga pinagbigyan muna ng faculty ang mga estudyante na makapag 'relax'.

"Tapos may binigay pang assignment! Asar naman!"

Natawa ko sa pagrereklamo niya, tinapik ko lang siya sa balikat.

"Bukas yung deadline natin sa practical research no?" Tanong ko.

"Oo nga pala buti pinaalala mo, El! Geez, wala pa kong related lit!" Tarantang sabi niya.

"Meron akong nakitang study, send ko sa--"

"Hi."

Naputol ang sinasabi ko kay Kate ng biglang sumulpot sa harapan namin si Kipp na may malaki ang ngiti sa mukha.

"Ikaw nanaman?" Gulat na sabi ko sa kanya.

"Ah, h-hello Kipp," utal na bati ni Kate sa kanya. Kita ko sa mukha niya ang gulat and at the same time, na-stunned siya habang kaharap si Kipp.

Kinindatan naman siya ni Kipp at ibinaling na ang tingin sa akin. Ang harot ha!

"Are you going home?" Aniya at parang excited pa siya na uuwi na ko.

Inirapan ko lang siya at nilingon si Kate. Mukha yatang isa si Kate sa mga humahanga sa loko na 'to. Hindi nila alam kung gaano ka-childish ang isang Kipp Esvega.

It's You [COMPLETED]Where stories live. Discover now