Chapter 26

74 4 2
                                    

Chapter 26

Napatingin ako sa bungad ng library ng may pumasok. Napabuntong hininga ako ng hindi si Kipp iyon.

Dumiretso ako dito pagkatapos kong ipasa lahat ng requirements ko. Mabilis lumipas ang mga araw at next week, graduation ko na.

Sa loob ng dalawang buwan, walang nagbago sa amin ni Kipp. Mas lalo nga lang kaming madalas magkasama kaya tampulan kami ng tingin at asar mula kay Kate at sa mga kasama niya sa basketball.

Simula ng umamin ako sa kanya, halos araw-araw, hindi pumapayag si Kipp na hindi kami magkita kahit sobrang busy namin, lalo na siya.

"Hey, sorry, kanina ka pa?"

Napaangat ako ng tingin ng biglang umupo si Kipp sa tapat ko. Kita kong nagmadali siya dito kase may maliliit na butil ng pawis sa noo niya. Sinabihan ko na siya na kahit huwag na siyang magmadali kapag may usapan kami e.

Inabutan ko muna siya ng facial tissue ko at agad din naman niyang pinunas iyon.

Ngumiti ako at umiling, "Hindi naman. Kumusta exam?"

Finals nila ngayon at alam kong mahirap yon dahil bukod sa college student siya, engineering ang kurso niya.

"It's fine. Maraming alam si Sir, ayaw yata kaming maging engineer." sabi niya habang inaayos rin ang polo niya.

Bagay na bagay kay Kipp iyong uniform nila. White polo lang ito at may logo ng SAA sa bulsa. Black slocks at yung id nila na may nakalagay na 'Mechanical Engineering.'

"Ikaw, napass mo na lahat ng requirements mo? Tulungan kita,"

"Tapos na, waiting nalang sa graduation." nakangiting sagot ko pero mas malawak ang ngiti niya sakin.

"I'm proud of you, Elya."

Namula ako ng bahagya at napansin niya iyon kaya tinawanan niya ko.

"Kilig ka nanaman sakin," mahanging sabi niya kaya binato ko lang sa kanya iyong tissue ko.

Natatawang sinapo niya iyon.

"Let's go? Meryenda tayo." Aniya at kinuha niya sakin ang bag ko.

Nasanay ako na ganito na ang set up namin ni Kipp. Palagi kaming magkasabay pumasok at umuwi. Hindi rin pumapayag na hindi kami kakain kapag magkasama. Pakiramdam ko nga ay malapit nang madagdagan ang timbang ko!

Napatingin ako sa kamay namin ni Kipp habang naglalakad kami dito sa field. Wala ng masyadong estudyante ngayon.

Hindi ko maexplain kung gaano ako naging masaya sa loob ng ilang buwan naming magkasama ni Kipp. Wala akong ideya na aabot kami sa ganito. Although, hindi pa namin napapag usapan kung ano na ang estado naming dalawa ngayon.

"Anong oras graduation mo?" tanong ni Kipp sa kalagitnaan ng byahe namin.

"10am ang start ng ceremony namin, makakapunta ka ba?"

"Of course," agad niyang sabi at tinignan niya ko saglit bago ibalik ang tingin niya sa daan. "Graduation yata ng Elya ko yun no."

Automatic na bumilis ang tibok ng puso ko. Elya ko. Ilang beses na niyang sinasabi sakin yan pero parang first time ko laging naririnig iyon kapag binabanggit niya.

Hindi nakakasawa.

Kinalma ko muna ang sarili ko bago sumagot. " Sa school nalang tayo magkita nun para hindi ka mainip."

Tumango siya at siya pa yata 'tong excited sakin sa graduation ko.

"Saan ka mag-aapply ng college niyan?"

It's You [COMPLETED]Where stories live. Discover now