Chapter 5

120 13 4
                                    

Chapter 5

"It's seems that you like him, huh?"

Sa dalawang araw na lumipas, ang buong akala ko ay hindi na niya ko kakausapin pa. Pero, tama nga siguro yung isang kanta na, maraming namamatay sa maling akala.

Hindi kaagad ako nakapagsalita dahil sa gulat na rin na nandito pala siya at nakikinig sa usapan namin ni Xyler.  May pagka tsismoso rin pala ang isang 'to.

"It's nice to see you again, Miss One Placer," malawak ang ngiti sa mga labi niya at humakbang papalapit sa akin.

Habang ako, napaatras sa pwesto ko.

"Ikaw nanaman?" Takang tanong ko kay Kipp.

"Yeah, and don't you missed me?"

"Bakit naman kita mamimiss? At kung ang pinunta mo dito ay tungkol sa bagay na yon, ayoko pa rin!"

Akmang aalis na ko nang bigla siyang tumawa ng malakas. As in, halos lahat ng estudyante dito sa labas ay napatingin sa kanya.

Tinignan ko siya at kitang-kita ko ang pamumula ng mukha niya sa katatawa. Ano namang nakakatawa sa sinabi ko?!

Napakunot ang noo ko and at the same time, nahihiya na ko sa nakukuha niyang atensyon! Naririnig ko pa ang iba na nagtatanong kung bakit daw kami laging magkasama. E nung isang araw lang naman kami nag-usap! Grabe na talaga ang evolution ng mga tsimoso't tsimosa ngayon.

Kating-kati na yung paa ko na umalis dito pero pinanuod ko pa rin ang pagtawa ng isang 'to sa hindi ko malamang dahilan. Nang tumigil siya ay nakuha pa niyang punasan ang gilid ng mata niya. Tawang-tawa talaga siya.

"Y-You are really funny," Aniya at huminga ng malalim. Lumapit siya ng bahagya at mas lalo kong nakita ang pamumula nya. Tsk.

"Ano bang nakakatawa?" Inis kong sabi.

"You,"

"Ha?"

"Talagang sineryoso mo yung sinabi ko sa'yo?" Malawak ang ngisi niya habang ako, gulong-gulo na!

"You think, I'm going to ask some help from a senior high school student so that I can handle my studies and at the same time, being a basketball player?"

Literal na napanga-nga na lang ako sa sinabi niya. Para niyang pinalabas na 'Ano nga bang maitutulong ko sa kanya na college student na,' at ang tanga ko para maniwala doon sa sinabi niya!

"That's absurd. I'm just kidding that time and I have no idea that you've taken it seriously." Naiiling na sabi niya.

Napahawak ako ng mahigpit sa mineral bottle na hawak ko at hindi ko ma-compose sa utak ko yung mga salitang gusto kong sabihin.

Napakunot na lang ako ng noo at hindi ko matanggap na dalawang beses niya kong naloko nang mga araw na yon. Grabe, ang uto-uto ko naman pala!

"Wala akong panahon para makipaglokohan sa'yo, Mr. Esvega." Sabi ko at saktong nagring na yung bell nang school, hudyat na start na nang klase.

Sumeryoso siya at iyon nanaman ang tingin niya. Hindi ko mabasa kung anong iniisip niya ngayon.

"Kung ang lahat ng bagay para sa iyo ay biro lang, humanap ka nang ibang taong tatangkilik niyan. Wala akong panahon para makinig sa'yo kung ang bawat lumalabas diyan sa bibig mo ay puro kalokohan lang din."

Saglit ko lang siyang tinignan sa mata at tumalikod na. Nagsimula na kong humakbang papaalis doon ng tinawag niya ko.

"Sorry for all the shits I said last time. I just wanted you to feel comfortable with me." Aniya.

Napaharap ako sa kanya. Para kong malulunod sa paraang pagtingin niya sa akin.

"B-Bakit? Hindi mo naman ako kilala."

"Elya Kristen D. Llanos. STEM - Grade 12 student. Walang kahit anong club. Laman ng library. First placer in Science Quiz Bee last week." Dire-diretso niyang sabi.

Paano niya nalaman na wala akong ni isang club na sinalihan dito? At paano niyang nasabi na lagi akong nasa library? Stalker ba to?

" P-Pero, "

" I want to know you more. You are the only one who got my attention."

"Kung isa nanaman 'to sa mga biro mo--"

"I am dead serious this time." Matigas niyang sabi.

"Once I became interested on someone, no one can stop me from getting it."

Ilang oras na ang nakalipas at hanggang ngayon ay ang sinabi pa rin ni Kipp ang tumatakbo sa isip ko.

Kung apat na subjects ang mayroon ako ngayon, ni isa sa mga iyon ay wala akong naintindihan.

Hanggang ngayon kasi ay hindi mag sink-in sa utak ko ang sinabi niya. Paano siya naging interesado sa akin gayong ngayon pa lang niya yata ako nakita? At ngayon niya lang din naman ako pinansin. Buong high school life ko ay dito tumakbo at sa mga panahon na yon, ay hindi ko matandaan na nagkrus ang landas naming dalawa. Oo, nakikita ko na siya at kilala ko siya, pero siya ba? Baka nga nung nanalo lang ako sa Quiz Bee nung nakaraan ay doon lang niya ako nakita. Dahil last week lang naman niya ko kinausap.

"Kanina ka pa tulala,"

Napalingon ako sa nagsalita at nakita ko si Karla. Irregular student at kaklase ko sa General Chemistry.

"May iniisip lang." Nakangiting sabi ko. Napatango naman siya at kinuha ang notebook ko na nasa armchair lang.

"Alam mo, minsan kailangan mong mag-relax."

"Ha?" Litong sabi ko. Patuloy siya sa pagbubuklat ng bawat page ng notebook ko.

"I mean, palagi ka na lang tutok sa pag-aaral. Minsan, kailangan mo din mag-relax at magpahinga. Estudyante ka, hindi ka robot."

"Pero gusto ko ang ginagawa ko." Sabi ko.

"Kahit na!" Muntik na kong atakihin sa puso ng bigla niyang ibinagsak sa desk ko yung notebook ko. Pati ang mga kaklase namin ay nagulat dahil doon.

"Hindi ka ba nabo-bore kapag nasa library ka at nagbabasa lang ng mga susunod na lessons natin?" Nakataas ang kilay niya.

Umiling lang ako at napairap na lang siya.

"Walang duda. Kaya pala hindi mo napapansin." Naiiling niyang sabi at pinatunog pa niya ang dila niya na parang nanghihinayang siya.

"Napapansin ang alin?" Takang tanong ko.

Umiling lang siya, "Wala. Sige na, magbasa ka na lang ulit."

Sinundan ko lang siya ng tingin ng umalis na siya sa harapan ko at nakipagkwentuhan na sa iba.

Ano bang mayroon ngayong araw at iba ang kinikilos ng mga tao ngayon?

Napatingin ako sa bagong dating sa room at nagsimula nanamang mag-alburoto ng puso ko nang makita ko si Xyler.

Hindi na siya naka-uniform at sa isang kamay niya ay ang gitara niya. Mukhang tapos na ang practice nila. Pero ano namang ginagawa niya dito sa room? Hindi ba't excuse siya?

Nagulat ako ng magtama ang paningin namin at unti-unti siyang naglakad papalapit sa akin.

"We don't have practice on Sunday. I can help you doing our project."

It's You [COMPLETED]Where stories live. Discover now