"Ang kapal-"

"Number three!" He raised his ring finger next. "Aminin mo na... masarap ang halik ko. Two times na iyon. Lubos kang pinagpala na mahalikan ng pogi."

"Hindi-"

"At number four!" sabay taas ng pinky finger nito. "Gusto mong sabay tayong matulog kagabi dahil hindi ka makakatulog nang hindi tayo nakakapagkuwentuhan."

She crossed her arms. Napailing-iling pa siya. "How much air you got inside your head, Johann? Really?"

"Alam mo, Misis, hindi masamang mag-deny. Ikaw 'yan, eh. Pero kung lagi mong itatanggi sa sarili mo ang mga bagay na totoo mong nararamdaman at totoo mong iniisip, aba! Mas kokomplikado ang buhay mo."

Nameywang siya. "Mister, my life is really complicated since the time that I grew up without a dad. My life is complicated since the time that I have a mom, but I can't feel it. It's a complicated life to see your mom with different boys that makes her happy but would make her cry after. My life is complicated. There's nothing simple being a neglected love child," seryosong sabi niya.

Hindi ito nagsalita. Nawala ang ngisi sa mga labi nito at nakita niya sa mga mata nito ang pinaka-ayaw niyang makita oras na buksan niya kung ano ba talaga ang nararamdaman niya at kung sino ba talaga siya.

Tinalikuran niya na ulit ito. "Pumasok ka na sa trabaho. Hinihintay ka na ng mga estudyante mo." Mabilis siyang nakarating sa kuwarto nila. She locked herself again.

Nakita niya ang awa sa mga mata ni Johann kanina.

Ayaw niyang kinakaawaan siya. So, she's used to hide the things that would expose her vulnerability.

Kapag inamin niyang, oo, nagseselos siya kagabi nang makita niyang gusto ng Mommy niya si Johann; na, oo, gusto niya ang pakiramdam na niyayakap at inaakbayan nito; na, oo, masarap itong humalik; na, oo, hindi siya makakatulog ng hindi niya katabi si Johann-it will only result to one thing.

That she's starting to like her husband. That she's starting to get used to his presence. At wala pa silang dalawang linggong kasal, ganito na siya! Paano pa ang mga susunod na mga linggo at mga buwan?

Ayaw niyang masyadong ma-attach dito. Ayaw niyang ma-in love rito. Ayaw niyang masaktan.

Masyado na siyang nasaktan mula pagkabata niya. Ayaw niya na iyong dagdagan pa.

***

NAG-INAT si Sapphire nang matapos niya na ang dalawang latest articles na ipo-post niya sa kanyang blog. Buong umaga at hapon siyang nagkulong sa kuwarto para lang matapos ang sinusulat. Lumalabas lang siya kapag kakain at gagamit ng banyo.

Nagsimula na rin siyang mag-search sa internet ng mga bakanteng commercial lot na puwede niyang bilhin upang pagtayuan ng plano niyang bookstore. So far, nakakita na siya ng tatlong lot. Bukas na bukas ay aasikasuhin niya ang pagpunta mismo sa mga prospect lot niya.

May goal siya. Dapat bago sumapit ang ika-twenty-eight birthday niya two weeks from now ay nakakuha na siya ng puwesto at business permit sa pagpapatayo ng bookstore niya. That would be her gift for herself.

Pinatay niya ang laptop pagkatapos ma-edit ang articles. Mamayang gabi na lang niya ipo-post iyon dahil mataas ang views ng blog niya tuwing gabi.

Meanwhile, she's going to take a nap. Tinodo niya ang lamig ng aircon at saka humiga ng kama at binalot ang sarili ng comforter.

Hindi niya alam kung gaano na siya katagal na nakatulog nang maalimpungatan siya dahil sa tunog nang pagbukas ng gate at ang tunog ng kotse ni Johann. Bumangon siya at saka pinatay ang aircon.

The Friendly Wedding (Season 1 & 2) - PublishedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon