Chapter 1 : Hey yow neighbor's!

74 2 0
                                    

CHAPTER 1
HEY YOW NEIGHBOR'S!

Flabbie's Pov

"Madam ayos lang po kayo dito?"

Inilibot ko muna ang tingin ko sa paligid bago ko ito tinuon kay manang.

"Manang ayos na po ako dito...malinis naman ang bahay yun nga lang sira yung tapakan sa labas,meroon po bang mag-aayos nun?"

Inaalala ko kasi na baka mamaya pag may nagkamaling tumapak dun sa hagdan sa labas nitong bahay ay baka maaksidente pa...

Ang tanda tanda na kasi nitong bahay nila lola tapos gawa pa sa kahoy...kaya ito parang inaamag na.

Plano ko ngang ipaayos ang kusina hangang sa terrace para naman kung may bisita ako maging komportable sila.

"Ah sige itatanong ko kay pareng nio kung may kakilala siyang karpintero na pwedeng umayos ng hagdan"

Nginitian ko si manang bago ako tumayo

"Tara na po manang hatid ko na po kayo"

Tumango lamang ito saakin bago naunang maglakad.

"Tagal mo ng hindi umuuwi dito iha,buti naman at nakadalaw ka ngayon.hindi naman kasi kita masisisi masarap ang buhay sa siyudad lalo na sa ibang bansa tapos may trabaho ka pa at ang ganda pa ng trabaho mo"

Si manang talaga hindi nila alam kung gaano ko kagusto na magbakasyon dito sa bahay kubo nila lola.

Kumpara kasi sa siyudad masarap at payapa ang manirahan sa probinsya,maganda yung sa umaga imbes na busina ng sasakyan ang gigising sayo matinis na tilaok ng manok ang magpapabangon sayo tapos iinom ka ng mainit na kape at eenjoyin ang ganda ng paligid...

Hayysss excited na akong gawin lahat ng yun.

Ngayon lang talaga ako nagkaroon ng oras na bumisita dito dahil ngayon lang ako nakapag file ng vacation leave.

5 months na bakasyon...masyado nga daw mahaba pero pambawi narin siguro dahil nung nakaraang fiesta dito sa baranggay ni hindi man lang ako nakapag bakasyon dahil sa kailangan ng mas maraming staff  sa hospital.

Yep sa hospital ako nagtratrabaho bilang isang nurse.

Palipat lipat minsan sa ibang bansa at minsan naman ay dito sa pilipinas,alam kong mas kailangan ng bayan natin ng mga nurses pero syempre kailangan kong kumita ng malaking pera para sa mga magulang kong nasa maynila.

"Naku manang mas gusto ko na dito tumira kesa sa siyudad"

Tumawa lamang si manang sa sinabi ko bago ito tuluyang umalis kaya naman ay Naiwan akong mag-isa sa terrace naming gawa din sa kahoy at iilang simento.

Saan kaya pwedeng mamasyal dito?

Meroon pa kayang lawang malinis dito na pwedeng pagliguan?

Sana naman meroon,miss ko ng maligo sa mga lawa o kaya talon.

Inilibot ko ang tingin ko sa paligid at napahinto ang tingin ko sa katabi kong bahay...nasa terrace din ang isang lalaki na nakaupo sa kahoy na upuan nito.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 06, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Wiseass ObsessionWhere stories live. Discover now