Prologue

116 1 1
                                    

PROLOGUE

"VOLTAIRE!"

Sigaw ni gan ng matauhan siya sa sinabi ng kaibigan,katatapos lang nilang sundin ang inuutos ng kaibigan nilang si tristan kaya naman ito sila at nakatambay sa mini bar nito na nasa basement lang naman ng mansion.

Ito ang premyo nila sa pagdukot sa dating kasintahan nito na si carolina hindi naman sila nahirapan sa ginawa pero humingi parin sila ng premyo sa kaibigan para mautakan ito.

Pero ito at mukang ang kumag na kaibigan niyang nag ngangalang Voltaire ang inuutakan siya.

Bigla nalang kasi nitong kinuha ang pitaka niya matapos sabihin ang mga katagang.

"Muka kang bakla dahil sa kulay ng buhok mo"

Dapat ay masanay na siya dahil ganoon naman talaga mag salita ang kaibigan---isa itong wiseass ika nga nila.

Magaling magbiro sa pamamagitan ng pag gamit sa ibang tao sa pagpapatawa.

Masakit minsan pero sanayan lang lalo na at nauunawaan nila ang lagay ng kaibigan.

"Gan kumuha ako ng isang libo ah pambili lang ng candy"

Mas lalong nalukot ang muka ni gan dahil sa narinig,isang libo para pambili ng candy?

Talagang nasisiraan na nang ulo ang kaibigan niya,bagsak ang balikat na nilapitan ni gan ang wallet na inilapag ni Voltaire sa lamesa at napamura nalang siya ng makitang hindi lang pala isang libo ang kinuha sakanya ng kaibigan---halos masimot ang wallet niya!

"F*ck you i will kill you volt when I see you!"

Nang gagalaiti niyang sigaw bago niya itinapon sa sahig ang pitaka na kokonti nalang ang laman dahil sa napakagaling niyang kaibigan.

Pag talaga hindi siya nakapagpigil kukuha na siya ng kwarto sa mental niya at ico-confine niya doon ang kaibigan para makabawi siya sa mga kabwisitan na ginagawa nito sa buhay niya.

MALAKI ang ngisi ni volt ng marinig ang pag sigaw ni gan,nautakan nanaman niya ito at nakuhanan ng mahigit 5000 sa pitaka.

Meroon nanaman siyang libreng panghapunan saktong sakto dahil ang mahal mahal ng mga bilihin dito sa amerika!

Namumulubi na siya sa sobrang mahal idagdag pa na nawalan siya ng trabaho dahil sa kaibigan niyang si gan!

Totoo naman kasing nagtratrabaho siya sa subdivision na iyon kaya lang dahil sa kaibigan niyang bigla nalang papasol at manunutok ng baril hindi siya nakapagpigil at ginusto niyang sumama nalang dito.

Pinalabas niya sa mga nandoon sa van na kasama talaga siya sa plano kahit na sabit lang naman talaga siya.

"Hmmm saan kaya pwedeng makakain ng masarap?"

Tanong ni volt sa sarili habang naglalakad lakad,patingin tingin sa paligid at pinagmamasdan ang mga taong may kaniya kaniyang buhay.

Malamig sa america ngayon ngunit parang wala lang iyon dahil hindi man lang siya naka supt ng jacket o kahit na anong panlamig.

Ayos na siya sa simpleng t-shirt at ragged jeans.

Kasalukuyang naglalakad siya ng walang nang may ngiti sa  labi ng madaanan niya ang kumpol ng mga babae na halos wala ng suot na tela dahil sa sobrang nipis at ikli ng damit.

The Wiseass ObsessionWhere stories live. Discover now