Twelve: Confessions

Začít od začátku
                                    

            Oo nga naman. Kailan ba siya nagtanong ng tungkol dito? Ng tungkol sa buhay nito? “Kaya nga nagtatanong na 'ko ngayon.”

            “Ano bang gusto mong malaman?”

            Lahat.

            “Pero bago 'yan, bilhan mo muna 'ko ng Gatorade.”

            “Gatorade na naman?”

            “Edi tubig! Panulak. Kahit ano.”

            “Masyado kang demanding.” Reklamo niya pero tumayo na siya at pinagpagan ang kanyang pang-upo. “Bibili-bili ka ng cookies tapos hindi ka pa pala bumili ng panulak.”

            “May sinasabi ka?”

            Nagsimula na siyang maglakad. “Wala!” sikmat niya habang naglalakad palayo. “Wala ho akong sinasabi, Kamahalan.”

            Nagtuloy-tuloy siya sa paglalakad hanggang sa makarating siya sa cart ng Zagu. Bumili siya ng dalawang medium-sized, Black Forest flavor. Bumili rin siya ng isang boteng tubig.

            Napailing-iling siya. “Ang gastos ko talaga kapag kasama ko ang babaeng 'yon.”

            “Kung ang babaeng iyon ba ay worth it, maliit lang ang perang 'yan.”

            Napapiksi siya sa gulat nang biglang sumulpot sa tabi niya ang isang dwende. Ah, este, si Diana. May hawak din itong baso ng Zagu at kasalukuyan itong ngumunguya—ng sago, preferably—at nakangisi.

            Malakas siyang napabuga ng hangin. “Ginulat mo 'ko, grabe.”

            Tinawanan siya nito. “'Yong babaeng kasama mo 'yan 'no? Si Jigger?”

            Tinitigan niya ito. “Mind your own business, missy.” Saka niya ito binirahan ng alis. Ngunit hindi pa siya nakakalayo ay natigilan na siya dahil sa sunod nitong sinabi. Nanlaki ang mga mata niya kasabay ng paghigit niya sa kanyang hininga at halos mabali yata ang likod niya sa sobrang tuwid ng pagkakatayo niya.

            “Kell… Endaryo says…” mabagal nitong usal. Mahina lang iyon ngunit sapat ang hina niyon upang marinig niya. “Nakita kong… Almost… Naked. Ang. Kaibigan kong babae.” Bigla ay nasa harap na niya si Diana. Mapanganib ang ngiti nito, katulad iyon ng ngiti nito kanina nang mahuli nito si Stefan Reid. She snapped her fingers in front of him. “Wala kang ibang kaibigang babae. Wala kang girlfriend. Hindi ka nakaporma kay Ariella. So si Jigger.”

            “T-teka, close ba tayo? Paano mo nalaman iyong kay Ariella?”

            “Secret. Bakit ko sasabihin?” She slurped noisily.

            “I-ikaw si Gray Inked Pen?”

            Ngumiti lang ito saka siya tinalikuran. “Safe naman sa akin ang sikreto niyo ni Jigger. Pero para fair, magpakita ka rin sa kanya nang almost naked.” Binuntunan pa nito ng bungisngis ang sinabi.

            At naiwan siya doong nakatanga.

            Nang makabawi siya ay bigla siyang nagpapadyak. “Argh!” Hindi ba siya kakasuhan kung patayin niya ang babaeng iyon? Grr.

“BAKIT NGAYON ka lang?”

            “May nakasalubong lang ako.”

Jigger HortalezaKde žijí příběhy. Začni objevovat