thirty-nine

630 34 3
                                    

FLASHBACK
this flashback is also being
narrated to Anne

"

Psst," bahagyang napabalikwas si Midam nang may biglang kumulbit sa balikat niya.

Nilingon niya ang babae kasabay ng pagtanggal niya sa earphones na suot niya.

"Pwede magpatulong?" The new girl in her class asked while wearing her beautiful smile.

Lumingon si Midam sa loob ng classroom saka tinuro ang sarili.

"Ako ba ang kausap mo?" Tanong niya sa babae.

"Alangan namang multo kausap ko diba. Syempre ikaw." Sagot ng babae pero nagtanong parin si Midam.

"Bakit mo ako kinakausap?" Tanong ulit ni Midam.

"Magpapatulong nga diba? Bingi yata ito." Midam looked at the book the girl was holding.

"Whether you like it or not, tutulungan mo ako." Bahagya niyang tinulak si Midam sa kabilang upuan para makaupo siya sa tabi nito.

For the first time, someone dared to talk to him. Hindi naman sa galit sakaniya ang ibang estudyante kaya hindi siya kinakausao ng mga ito. It's just that he rarely smiles and always look cold. But he's a kind person.

Nagsimula na si Midam na mag-explain sa babae tungkol sa lesson na tinatanong nito. But the girl is not even listening to him. Instead, nakangiti lang siyang nakatingin dito.

"Nakikinig ka ba?" Mahinahong tanong ni Midam at umiling naman ang babae.

"Bakit ka pa nagpapatulong kung hindi ka naman pala makiki-"

"Ops." Sinarduhan ng babae ang libro at muling tumingin kay Midam.

"Alam ko na iyong lesson. Gusto lang kitang kausapin, hehe." Midam looked at her with confusion.

"Lagi ka nalang kasing mag-isa. Mukha namang mabait ka. Hmm, alam ko na. Sabay tayong kumain mamaya."

"Sabay tayong... Kumain?" Sa unang pagkakataon din ay may nagyaya sakaniyang kumain.

"Konti nalang talaga iisipin ko nang bingi ka." Tumayo na ang babae at kinuha ang libro niya.

Inilahad ng dalaga ang kamay niya.

"Rosey Anne Sy. Anne nalang. Simula ngayon magkaibigan na tayo ha?" And she brightly smiled.

Since that day, Midam and Anne got closer with each other. Eventually naging matalik na magkaibigan sila. Both as someone they can run into. Someone who listens to each other's problems. A shoulder to cry on.

Needless to ask how and why, Midam developed feelings for Anne.

Midam was Anne's first bestfriend.

But Anne was not his first.

"Si Wooseok nga pala, bestfriend ko." Imbis na matuwa si Anne sa pagpapakilala ni Midam sa binata ay nangibabaw ang pagka-childish nito.

"Akala ko lang." She said, rejecting Wooseok's offering hand.

"Edi wag." Mataray na sagot ni Wooseok ang ibinulsa ang kamay. Midam slightly laughed.

"Mag-aaway ba talaga kayo?" Tanong ni Midam sa dalawa.

"Hmp!"

Ang mga normal na araw kasama si Anne ay naging abnormal nang dumating si Wooseok sa buhay nilang dalawa. Madalas na magtalo si Anne at Wooseok pero sa kabila ng pagtatalong iyon ay ang hindi matatawarang pagkakaibigan nilang tatlo.

Pero nagsimulang lumabo ang friendship na iyon sa pagitan ng dalawang binata.

"Midam!" Kagaya ng nakasanayan, bigla nalang nangungulbit itong si Anne.

"Masaya ka yata ngayon ah?" Puna ni Midam.

"Lagi naman akong masaya, hahaha." Midam smiled at her and tapped her head.

"May sasabihin ako sa'yo. Pero sikreto lang natin ha?" Sabi ni Anne at tiningnan naman siya ni Midam ng nakakaloko.

"Ano naman iyon? Hiwag mong sabihing crush mo ako ha?" Pabirong sabi ni Midam. Pero deep inside hinihiling niyang sana totoo nga iyon.

"Asa ka! Kapatid na ang turing ko sa'yo ano!"

Hurt, Midam forced a smile.

"Ano pala ang sasabihin mo sakin?"

Anne giggled.

"Crush ko si Seok. Ssh! Huwag kang maingay ha!"

The world seemed to turn its back on Midam. All this time akala niya may pag-asa silang dalawa ni Anne by how close they are. Pero akala niya lang pala iyon.

"Wooseok," Midam tossed a bottled water to Wooseok.

"Salamat sa libre. Sana coke nalang binigay mo," sarkastikong sabi ni Wooseok pero ininom din naman niya ito.

"Bakit mo ako tinawag dito? Tayo lanh dalawa? Midam ha," Wooseok jokingly said.

Lumapit si Midam sa tabi niya at sumandal sa bars. Nasa rooftop silang dalawa.

"We're really grown ups now." Sabi ni Midam.

"17 na tayo, natural lang na grown ups na tayo." Wooseok said and lean on the bars while looking at the students on the ground.

"Wooseok, I like An-"

"Hehe!" Napalingon si Midam kay Wooseok na biglang tumawa. Ibinato niya ang boteng hawak sa school ground at agad na umupo para magtago.

"Anong ginawa mo?"

"Ssh! Binato ko si Anne ng bote. Hindi ko alam kung tumama pero mukhang tumama nga. Hahaha!"

Sumilip siya sa baba at nang makitang wala na ang dalaga ay muli siyang tumawa pero napatigil nang tumingin siya kay Midam.

"Bakit ang seryoso mo-"

"Do you like Anne?"

Wooseok was caught off guard. Saglit siyang natahimik saka ngumiti.

"More than anyone else. Oo, gusto ko si Anne." He confessed.

"Huwag mong sasabihin sakaniya ha. I'll think of a right time and right place to confess. Tulungan mo ako ha!" Wooseok offered a fist bump pero hindi ito ginantihan ni Midam.

"I like Anne."

Just then, the atmosphere weighed heavier than usual.

"No, I love her."

Sabay na napaiwas ng tingin ang dalawa. They never thought yhis day would come in their lives. Oo nga at madalas silang magkapareho sa mga gamit.

But they never liked the same person until Anne came.

"I like our similarities noong mga bata pa tayo. I like the fact that we like the same things as kids. But this time... It's different."

Wooseok wanted to fight for Anne. Pero mas matimbang sakaniya ang pagkakaibigan nila ni Midam ng mga pagkakataong iyon. Bestfriends since birth, he could not betray Midam.

Wooseok heaved a sigh.

"Hintayin nalang natin ang graduation. When that day comes, let's be happy."

Nagsimula nang maglakad si Wooseok paalis pero muli siyang lumingon kay Midam.

"Please, never tell Anne I like her."

Midam kept that promise.

Pero hindi na ngayon.

fake news | wooseokWhere stories live. Discover now