eight

1.2K 41 27
                                    

[ NARRRATION ]

April 2018

"Kinakabahan ako, kinakabahan ako!" Hindi mapakali si Anne sa upuan niya. Nakapikit siya habang hawak ang kamay ni Midam at Wooseok.

Abala naman ang isang kamay ni Midam sa pagtipa sa keyboard. Ang kabilang kamay naman ni Wooseok ay nakatakip sa mata ni Anne.

"Bubuksan ko na." Anunsyo ni Midam at lalong napahigpit ang kapit ni Anne sa kamay ng dalawang kaibigan.

Ito na ang araw na hinihintay nilang tatlo. Pangarap nilang makapasok sa XNET University para doon magkolehiyo. Naging madali para sa dalawang binata ang makapasok doon perp hindi para kay Anne. Nasa waiting list siya ng mga nakapasa sa exam at ngayon na ang resulta noon.

"Anne..." mahinahong sabi ni Wooseok

"A-ano?" Lalong kinabahan si Anne dahil sa tono ng boses ng kaibigan.

"Anne buksan mo na ang mata mo." Si Midam naman ang nagsalita pero ayaw paawat ni Anne. Ayaw niya rin bitawan ang kamay ng dalawa.

"Anne medyo mahigpit na ang kapit mo namumula na ang kamay ko!" Sigaw ni Wooseok na tonanggal na ang pagkakatakip ng kamay niya sa mata ng dalaga.

Isang mata.

Iminulat ni Anne ang isang mata niya para silipin ang resulta sa screen ng computer.

"Hindi ko makita..."

"Anne, sige na. Tingnan mo nang mabuti." Nagsenyasan si Midam at Wooseok bago nila bitawan ang kamay ni Anne.

Dalawang mata.

Naging mas malinaw ang tingin ni Anne sa resulta.

"Nakapasa ako..." mahinang sabi nito

"Naka...NAKAPASA AKO!!!" Unang nasakal sa yakap si Midam bago si Wooseok. Sabay-sabay silang nagtatalon sa tuwa para kay Anne.

"Ito na ang best graduation gift na natanggap ko! Magkakasama parin tayo sa college!" Masayang sigaw ni Anne at umapir sa dalawa.

Graduation Day

"Pagbilang ko ng tatlo ha. Isa, dalawa, tatlo. Smile!"

Sobrang saya ni Anne

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Sobrang saya ni Anne. Wala na yatang mas sasaya sakaniya, isip-isip niya. Masaya na siya sa katotohanang hindi sila magkakalayo ng matatalik niyang kaibigan.

Pero ang hindi niya alam, iyon na ang huling litrato nila bago magkolehiyo.

June 2018

"Midam!" Sabik na kumaway si Anne sa kaibigan. Bumalik na ang kulay ng buhok nito sa itim at nagbago rin ng hairstyle.

"Mas gwapo kang tingnan pag ganyan, hahaha!" Tumingin sa paligid si Anne.

"Teka, nasan si Seok?" Tanong niya

"Ang sabi niya mauuna na daw siya pumasok."

"Ano? Diba dapat sabay-sabay tayo papasok? Ang daya naman!" Inilabas ni Anne ang cellphone niya at tinawagan ang number ni Wooseok pero hindi ito sumagot.

"Humanda talaga sakin ang bugok na yon!" Medyo nawala sa mood si Anne dahil kay Seok pero inisip nalang niya na baka may importanteng dahilan.

"Tara na?" Pag-aya ni Midam na may ngiti at ngumiti naman pabalik si Anne.

"Tara!"

Habang naglalakad papasok sa paaralan ay nakasalubong nila si Wooseok na papasok palang din.

"Seok!" Tawag ni Anne.

"Akala ko ba mauuna ka na? Mang-iiwan ka ha!" Hinampas siya ni Anne ng malakas pero hindi gaya ng dati na gumaganti ito at nanatili siyang walang kibo.

Napalitan ng tingin si Wooseok at Midam.

Inaasahan ni Anne na magsasalita si Wooseok at magso-sorry at sabay-sabay na silang papasok pero akala niya lang iyon.

"Seok-" tumalikod na si Wooseok at naglakad na papalayo. Walang kahit na anong iniwang salita.

Sa unang pagkakataon nakaramdam ng sobrang sakit si Anne. Saka niya lang napagtanto at nakumpirma na matagal na pala talaga siyang may gusto kay Seok.

Pero ang sakit na nararamdaman niya ay hindi lang sakit ng taong may pagtingin. Kungdi sakit na mararamdaman ng isang kaibigan.

 Kungdi sakit na mararamdaman ng isang kaibigan

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
fake news | wooseokOn viuen les histories. Descobreix ara