twenty-two

837 45 0
                                    


[ NARRATION ]


"Sana all top student..." Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Wooseok saka padabog na naupo sa upuan.

"Talaga bang ikaw ang dapat na nagrereklamo?" Nakapamaywang na sita ni Anne habang hawak pa ang walis tambo.

Sila ang nautusang maglinis ng buong classroom dahil sa minor offense na ginawa ni Wooseok at nadamay naman si Anne dahil sa pagtawa niya. Wala eh, ginalit si Mr. Wang.

Hinahanap niyo si Midam?

Dahil top student siya at hindi maganda sa record ang may offense, kinailangan niya lang mag fill out ng notice to explain.

"Hehe, sorry na." Napakamot si Wooseok sa ulo niya habang umirap naman si Anne saka naupo narin.

Katahimikan.

Kung may tunog lang ang hangin baka hangin lang ang maririnig sa loob ng silid.

Pero alam ng dalawa sa sarili nila na malakas ang tunog ng bawat tibok ng puso nila.

"Seok--"

"Bat ganun? Naging babae naman ako ng ilang oras pero hindi ko parin maintindihan ang mga babae."Biglang litanya ni Wooseok.

"Anong sinasabi mo?" Tanong ni Anne. Parehas silang nakaupo pero sa magkabilang row at line. Akala mo talaga magkagalit sila na ayaw maglapit.

O baka naman natatakot lang lumapit?

"Sabi mo hindi ko maiintindihan ang mga babae unless maging babae ako. Pero bakit--"

"Teka lang. H'wag mong sabihing nagpakababae ka kanina dahil..."

"Dahil gusto kitang maintindihan..."

Sa hindi mabilang na pagkakataon ay nangibabaw ang katahimikan sa pagitan ng dalawa.

"Pero baka nga tama si Dodong..." Naunang magsalita si Wooseok.

"Dodong?"

"Son Dongpyo, hehe."

"Saan siya tama?"

"Siguro nga galit ka dahil wala akong pagkukusa. Maybe an hour is not enough to understand girls. It takes a lifetime, I guess."

Huminga ng malalim si Anne.

"Hindi mo ba talaga alam kung bakit ako galit?"

"Alam ko--"

"You can always ignore me as you please pero sana... sana sinabi mo 'yung dahilan."

"Anne--"

"Anne?"

Sabay na lumingon ang dalawa sa may pintuan. Nakatayo doon si Midam bitbit pa ang bag niya.

"Anne, tumawag sakin ang Mama mo. Samahan mo daw siya mag-grocery ngayon." Saglit na napaisip si Anne nanag maalala na may lakad nga pala sila ng Mama niya ngayon.

Tumayo na si Anne at kinuha ang gamit niya sa inuupuan ni Wooseok.

"I-ingat--" naputol ang sasabihin ni Wooseok nang magsalita si Anne.

"Ingat sa pag-uwi." Saka kumurba ang tipid na ngiti sa labi ni Anne.

Nagpasalamat din si Anne kay Midam bago tuluyang umalis. May pahabol pang handshake iyon kagaya ng lagi nilang ginagawa. Nilang tatlo, kasama si Wooseok.

"Seok, kung malalaman man ni Anne ang dahilan... Gusto ko sana ako ang magsabi sakaniya."

fake news | wooseokWhere stories live. Discover now