thirty-one

658 32 12
                                    


[ NARRATION ]

"Okay na lahat.. Okay na. Kalma self." Tinapik ni Wooseok ang balikat ni Anne at gulat naman itong humarap.

"Magpo-propose ka ba at sobrang kinakabahan ka?" Biro ni Wooseok at inirapan naman siya ng kasama.

"Feeling ko kasi may masamang mangyayari." Sabi ni Anne at pinaypayan ang sarili gamit ang kamay.

"Walang masamang mangyayari. Magsu-surprise lang naman tayo. Sa tingin mo ba matutuwa si Midam kapag nakitang ganyan ka?" Saglit na napaisip si Anne.

"Smile na, okay?" Hinawakan ni Wooseok ang magkabilang pisngin ni Anne at pinangiti ito, bahagya namang napatawa si Anne.

"Malapit na si Midam, mag-aayos muna ako ng sarili ko. Huwag ka munang magpapakita, surprise nga diba." Paalala ni Anne.

"Opo, opo." Ngumiti si Wooseok at sumaludo kay Anne.

Lumabas muna saglit si Wooseok para narin magtago muna habang si Anne naman ay nasa loob.

Kung kinakabahan si Anne, mas kinakabahan si Wooseok. Ngayon niya na ipapaliwanag kay Anne lahat. Lahat-lahat.

"Kim Wooseok."

Nilingon ni Wooseok ang may-ari ng boses at nakita si Sihun na nakatayo habang nasa bulsa ang dalawang kamay.

He really showed up in the surprise party.

Wooseok smirked.

"Nasurpresa ka ba at nandito ako?" Tanong ni Sihun.

"Not surprised at all. Inasahan na namin na pupunta ka kahit hindi ka invited. You should greet Midam on his birthday. After what you've been asking him to do." Nag-isip saglit si Sihun saka napatawa.

"Hindi ko alam kung anong sinasabi mo but whatever that is, you're totally decieved."

"Anong sinasabi mo?" Napakunot ang noo ni Wooseok.

"Kim Wooseok, gaano katagal na ba kayong magkaibigan ni Midam?"

"Hindi mo na kailangang malaman iyon."

"Pwes ito ang dapat mong malaman." Nilapitan ni Sihun si Wooseok. Kaunting distansya lang ang iniwan niya sa pagitan nila saka siya nagsalita.

"In this story, Lee Midam is the antagonist. Surprise party ba kamo? Baka kayo ni Anne ang masurprise?" Agad na kinwelyuhan ni Wooseok si Sihun at malakas na isinandal ito sa pader.

"H'wag mong idamay si Anne dito." Mariin na sabi ni Woosek.

"Kay Midam mo sabihin yan, huwag sakin."

"Ano bang alam mo, Kim Sihun?"

"Gusto mong malaman?" Kinapa ni Sihun ang phone niya sa saeiling bulsa at may hinanap sa gallery nito.

Hindi parin siya pinapakawalan ni Wooseok pero hindi rin nagtagal ang pagsakal na iyon nang ipakita ni Sihun ang isang litrato.

"Bakit nasayo ang litrato na 'yan? Sumagot ka!"

"Instead of asking me that, hindi ba dapat inaalam mo kung sino ang nagpost nito?"

"Kim Sihun, ano bang kasalanan namin sa'yo? Why are you targetting us?"

"Ops, wait lang. Baka iniisip mo ako ang nagpost nito? Nagkakamali ka."

"Wala akong pakielam kung sinong magpost nyan. Sinasayang mo lang ang oras ko."

Tumalikod na si Wooseok at paalis na sana nang muling nagsalita si Sihun.

"Kahit si Midam ang nagpost nito?"

Napatigil si Wooseok sa paglalakad at nilingon si Sihun.

"Anong sinabi mo?"

Sihun smirked.

"Surprise."

fake news | wooseokWhere stories live. Discover now