Chapter 4: First Kiss

29.4K 536 29
                                    


Pahapyaw na tumingin ang lalaking pilit binubuksan ang pinto ng cubicle kung saan naroon kami ni Ken.

"Ay sorry!" sabi niyang tila nahihiya. Nakita kami ng estranghero na halos magkapatong ni Ken. Nang lumingon ako sa kanya'y nakita ko ang reaksyon niyang may bahid ng pagdududa sa nakita. Sino ba namang hindi magdududa sa sitwasyon naming 'yun na halos magkapatong sa loob ng iisang cubicle?

Mabilis naman akong umiwas kay Ken na aktong pinupunasan ang lips ko dahil nadampian ng labi niya. Napatitig siya sa akin nang pa-sarkastiko at biglang ngumiti.

"Pare, first kiss ko sa lalaki yun ah?!" he also wiped his lips.

"Ako rin!"

"Pare ang lakas maka-Homo," he giggled.

Napatawa nalang ako bilang tugon. Mabilis ang pangyayari ngunit naramdaman ko ang labi niya sa mga labi ko. First time kong makahalik ng kapwa ko lalaki ngunit sa aktong mabilisan lamang. Wala akong naramdaman sa halik na 'yun, and it didn't mean anything to me at all.

Mga bandang alas nuwebe kami umalis ng Mall pabalik ng Condo. Si Andrea ang nagmamaneho na nuo'y nakakabigla ang pagkatahimik dahil na rin sa nangyari kanina. Alam kong sa part niya bilang babae ay kahiya-hiya para sa kanya ang makita ng ibang tao na makita siya sa ganoong awkward situation. Wala siyang kibo habang nagda-drive. Kung alam lang niya sanang hindi ako ang may pakana ng pang gugood-time na 'yun.

Nang makarating ng Condo ay agad na ring nagpaalam ang magandang nobya ni Ken. Dali-dali na rin kaming tumungo sa aming kwarto upang magpahinga. Sa sobrang pagod ay minabuti ko munang humiga at magmuni-muni. Si Ken ay mabilis na hinubad ang damit, maong at maging brief. Walang hiya-hiya kami pag nasa loob ng kwarto. Pareho naman kaming lalaki kaya wala kaming pakialam kung makita namin ang isa't isang nakahubad.

Hindi napapansin ni Ken ngunit pinagmamasdan ko ang hubo't hubad niyang katawan. Ang pagmamasid kong iyu'y hindi bunga ng atraksyon, kundi admirasyon dahil napakaganda ng hubog nito. Palagi siyang nagji-gym kaya sobrang ganda ng katawan niya na 'lean'. Parang nanliit tuloy ako sa sarili ko dahil medyo may belly ako ngunit hindi naman ako mataba, maayos naman ang body ko pero wala nga lang hubog 'di gaya ng kay Ken.

"Pare saan ka nagji-gym?" tanong ko sa kanya habang ako'y nakatihaya sa aking kama.

"Diyan lang sa Robinson's. Gusto mo rin bang i-try?"

"Parang..." di ko siguradong sagot. Gusto ko pero wala lang talaga akong sapat na motivation para magpaganda ng katawan.

 "Kung ako sayo Pre umpisahan ko na ring magbuhat buhat," he said habang inilalagay sa hamper ang kanyang puting underwear. Pansin ko rin na gifted pala ang pagkalalaki niya kahit tulog pa ito. Umupo siya sa kanyang kama nang hubo't hubad at humarap sa akin upang makipag kwentuhan. Sa point na iyu'y medyo nailang ako dahil nakabukaka pa ang mga legs niya na tipong ibinabalandra sa 'kin ang private niya. Pero since lalaki naman kami'y wala namang malisya.

Umupo ako sa pagkakahiga. "Nahihiya na kase ako sa tiyan ko e. Para akong butete kaso lang medyo tamad ako magbuhat," dahilan ko habang tinatanggal ang polo shirt ko.

"Nakakatamad talaga pag iniisip mo Pare pero pag nakasanayan mo na nakakaadik din," he smiled na parang nang-eengganyo.

"Magji-gym ka ba bukas?" tanong ko.

"Oo! Mabuti na lang naitanong mo 'yan. Sama ka?"

"Subukan ko"

"Wag mong subukan, gawin mo Pare!"

Parang takot akong hindian itong si Ken. By the way he convinced me, it's hard to say NO kaya napapayag na rin ako. "Sige bukas sasama ako sayo"

"Good!" he smiled again. He got up para kumuha ng boxer shorts sa kanyang Cabinet habang ako nama'y tinanggal lang ang pantalon dahil I wore my boxers inside. 

Condo Boys (A Journey to Remember) [Boyxboy-Completed]Where stories live. Discover now