Chapter 31: Gone

14.8K 421 47
                                    


I felt really bad na maging mga kaibigan namin e hindi tanggap ang relasyon namin ni Kentot. Hindi ko inexpect na magiging overreacting 'yung dalawa specially Loane na talaga namang nasuntok pa ang Kentot ko because of that. I know it's hard to accept pero hindi niya dapat sinaktan ng ganun ganun na lang ang matalik niyang kaibigan. Since elementary days palang e matalik nang magkaibigan ang dalawa at 'till now e para silang kambal na hindi mo mapaghiwalay dahil sobrang bonded sila. I know mas madalas na sa 'kin ang Kentot ko but they always had a quality time together  na minsa'y ikinakaselos ko na. Kung tutuusi'y mas kilala ni Loane si Ken more than me dahil sa tagal ng pinagsamahan nila since mga bata pa lang sila. 'Yung family nila'y magkakakilala rin kaya their friendship is beyond what I can think of.


"What's happening?" Ate entered the room without knocking. She saw us habang nililinis ko ang namuong dugo sa labi ni Ken ng yelong may tubig. Umupo siya sa right side ni Ken at inexamine din ang pagputok ng labi nito. "Anong nangyari sayo Ken? Sinong kaaway mo?"


"A-ate," pautal at malungkot kong sabi. "Inamin na niya kina Loane at Arsi 'yung relasyon namin. Kaya ayan.... nasuntok siya ng di oras..."


"What?" pagulat na reaksyon niya. "Ba't naman gagawin nung dalawa 'yun? Teka nasaan na sila?"


"Umuwi na sila pa-Maynila Chiqui. Wala na sila dito," malungkot na sagot ng Kentot ko.


"I don't understand?! Bakit nila ginawa 'to sayo? And so kung umamin ka? This is uncalled for," pagalit na litanya ni Ate. Ramdam ko 'yung galit sa tono niya na akala mo'y kapatid lang din ni Ken kung umasta. "Humanda sa 'kin 'yung dalawa 'pag dating natin ng Maynila!"


"'Wag na Chiqui. Ayos lang 'yun. Naiintindihan ko naman sila kaya nagkaganito."


"No Ken. Kailangan nilang maparusahan dahil sa ginawa nila sayo. They are not your true friends if they can't accept you for who you are and who you want to be in life."


"So my parents are not my true parents dahil ayaw nila sa naging desisyon ko?" may puntong sagot ni Ken. Medyo natameme naman si Ate sa isinagot sa kanya ni Kentot. "Hayaan mo na muna sila. Kung ayaw nila kaming tanggapin, okay lang. Kung matatanggap, mas okay."


"Oo nga Ate. Ako nga nabubwisit ako kay Loane pero.... mabuti nang hayaan na natin sila. Basta, paninindigan namin ni Ken ang pinasok namin. Bahala na..." I said.


"Huh?! 'Pag napang-abot kami nung dalawa lagot sila sa 'kin. Ayos pa sa 'kin ang di pag sang-ayon ng Mama mo Ken kesa sa ginawa sayo nung dalawang 'yun. This should not happen kaya malilintikan sila sa 'kin 'pag nagkita kita kami."


Etong si Ate talaga. Umandar na naman ang pagiging Stage Ate e pareho lang naman kami ng edad. Ganyan talaga ang ugali niya. Since mga bata pa lang kami e siya 'yung guardian angel ko sa mga batang nambubully sa 'kin. Takot sila sa Ate ko 'pag sinumbong ko sila sa kanya. Wala siyang inaatrasan kahit pa mga lalaki ang makabangga niya. Ang rason niya e, tuksuhin lang niya na bakla ang lalaking kaalitan niya e titiklop na kaagad ito kahit wala naman talaga siyang lakas na makipagbasag-ulo.


"Mabuti na ngang umalis 'yung dalawa dahil kung hinde, baka maipapulis ko pa sila at malaking eskandalo ang maganap dito sa Boracay," galit na sabi ni Ate.

Condo Boys (A Journey to Remember) [Boyxboy-Completed]Where stories live. Discover now