Half of my attention is on Fire. Hindi ako nagsasawang mamangha sa galing niyang maglaro. His biceps flex from time to time and his eyes are sharp eyeing the ball. Sa tuwing nakaka-shoot siya ay tumitili ang mga babae sa kabilang banda ng court. Umirap ako. Ingay naman.

"Go, Fire!!"

"Shoot!"

Kung magkakampi lang sina Zian ay malamang makiki-join din ako sa pagsigaw nila pero hindi, eh. Sa galing ni Fire maglaro ay tambak sina Zian ng twelve points sa first half.

"Oh," abot ko sa kakambal ko ng tuwalya niya. Pawis na pawis na agad siya.

"Ang galing ni Kuya Fire."

"Syempre," ngiti ko.

Mapang-asar na ngumisi si Zian,"Proud, ah."

"Zia, i-cheer mo naman kami!", sabi ni Lance bago umupo sa tabi ko. Si Fire nga hindi ko nachi-cheer kayo pa kaya.

"Oo nga, Ziana. Para naman ganahan kami," sabi ni Kuya Noel na kakampi nila.

"Mag-isa lang ako."

"Sige. Cheer namin sarili namin habang naglalaro." singit ni Zian. Hinampas ko ang braso niya.

"Pag nanalo kami, ililibre kita mamaya. Pustahan ito, eh" Kuya Noel said.

"Saan naman kayo kakain?" tanong ko.

"Sa Unlimited Korean Bbq. Ano? Cheer mo na kami," sabi niya na parang may ibang binabalak. Napangisi naman doon si Lance at umiling naman at kapatid ko.

"S-Sige. Libre, ah! Sabi mo yan. Walang bawian. "

"Yon!" malakas na pumalakpak sina Kuya Noel at Lance. They resumed the game again. Tulad kanina ay hirap silang bantayan si Fire.

"Zia! Cheer!" nagawa pang sumigaw ni Lance habang tumatakbo papunta sa kabilang side ng court. Kinabahan tuloy ako. Hindi naman ito ang first time kong magcheer sa isang laro.

"Go, Kuya Noel!" sigaw ko dahil siya ngayon ang nakabantay kay Fire na may hawak ng bola. He smirked and in a blink of an eye, nakuha niya ang bola, pinasa kay Zian at ang kakambal ko ang nagshoot mula sa three-point line.

I clapped. Ang galing, ah! Ngayon lang siya naka-three points. Mas okay pala kung magchi-cheer ako, I feel more involved sa laro.

"Go, Zian!", napatalon pa ako nang makapuntos na naman siya. Hindi ko na yata napapansin si Fire, kung titignan ko siya ay tuwing hawak niya lang ang bola.

Lance is now guarding Fire. Mabilis ang kilos ni Fire at sinasabayan siya ni Lance.

"Go, Lance!", I cheered.

I don't know kung paano nabitawan ni Fire ang bola sa pagdi-dribble at nakuha yon ni Lance. Wala na siyang nagawa nang mabilis itong nagdribble at maglay-up. I clapped my hands. Lamang na sila ng pitong puntos!

Nilapitan ni Lance ang nakasimangot na si Fire at sinubukang makipag-high five pero tinabig niya lang ang kamay ng kaibigan. Lance and Kuya Noel laughed.

"Go, Fire! Go, Baby!"

Nahinto ako sa pagpalakpak para tignan ang babaeng nagsabi non. Namumula siya at parang kitikiti kung kiligin. Fire missed the shot, yan tuloy!

"Okay lang yan! Bawi!" the girl said.

Uminom ako ng konti mula sa tumbler ng kapatid ko. Nauubusan na ako ng boses sa pagchi-cheer. Napaka-importante pa naman ng boses para sa akin. I have to take care of it.

"Go, Lance!" medyo mahina na ang pagsigaw ko.

Natapos ang laro at panalo sina Zian. Lamang sila ng siyam na puntos kina Fire. I clapped my hands. Buti at hindi nasayang ang pagchi-cheer ko. Nakipag-high five sila sa isa't-isa, nang lumapit si Lance kay Fire ay binaba nito ang kamay niya.

Pink SkiesTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang