"I'm not crazy, Tita Brenda!" Napasigaw ulit si Xhai. Napatayo si Angel pero pinigilan siya ni Mrs. Flores. Ngumiti ito kay Xhai at lumapit. Sinuklay nito ang buhok ni Xhaiden habang marahang pinapat ang ulo.

"Who said you're crazy? I'll kill him..." pagbibiro ni Tita Brenda. Hindi man lang ngumiti si Xhai. Kinakabahan naman si Angel dahil alam niyang may maling nangyayari sa kaibigan.

"Gel, I need to go home now. Hinihintay ako ni Grant..." baling nito sa kanya na parang nakikiusap kaya umiwas agad siya ng tingin. Humihikbi na kasi ito.

Akala niya magagalit si Xhai sa kanya, pero si Grant pa rin pala ang iniisip nito. Napabuga siya ng hangin, out of frustration.

"Angel, hintayin mo kami sa labas. I'll talk to Xhaiden first," utos naman ni Tita Brenda kaya agad siyang tumalima.

"Gel, don't—" protesta ni Xhai pero lumabas na siya't daling isinarado ang pinto. Umupo siya sa mahabang bench na nakalagay sa gilid ng pinto. Hindi niya marinig ang usapan ng mga 'to sa loob dahil sound proof ang silid.

Matapos ang mahigit isang oras, bumukas ang pinto. Tumambad sa paningin niya si Tita Brenda. Sumilip siya sa loob.

"She's sleeping," anito nang mapansin na kumunot ang noo niya sa muling pagsarado nito ng pinto.

Lumunok si Angel. Ipinunas ang mga palad sa skirt niya bago pinakawalan ang tumatakbong katanungan sa isip niya. "May 'DID' po ba siya katulad ni Xyrene?" prangkang tanong niya dahil ayaw niya nang magpaligoy-ligoy pa. May sakit kasing Dissociative Identity Disorder si Xyrene o mas kilala sa tawag na... split personality. "O may sakit na talagang 'kamartiran' at isa si Xhai sa biktima, tita?" pagbibiro niya para mabawasan ang tensiyong nararamdaman niya.

Ngumiti si Tita Brenda sa kanya at tinap ang balikat niya. "Wala siyang 'DID', honey, you don't have to worry." Nagpakawala siya ng malalim na buntong-hininga. Sigh of relief. "But..." Awtomatikong nabura ang nagbabadyang ngiti sa labi niya.

"B-but?" Biglang nanginig ang boses ni Angel. Ayaw na ayaw niya ng "buts" kasunod ng "what ifs".

"She has OLD," dagdag nito.

­­_..._..._

IPINARK NI Angel ang big bike sa tapat ng malaki't magarbong kulay maroon na main gate ng mansion ng mga Roa. Tinanggal niya ang helmet bago ikinabit sa manibela.

Hindi na siya nag-abalang magdoorbell. May guard naman na nagbabantay sa gate. Agad siya pinagbuksan dahil madalas siyang nandito. And family friend.

"Good morning, Ma'am," bati ng guard.

Tumango lang si Angel. Nagpatuloy siya sa paglalakad. Huminto sa tapat ng isang fountain na nakalagay sa gitna ng well-preserved garden.

Muli siyang nagpakawala nang malalim na hininga nang maalala kung paanong nalaglag ang kanyang panga nang banggitin ni Tita Brenda kung ano ang OLD.

_..._..._

"SHE HAS OLD?" ulit ni Angel sa sinabi ni Tita Brenda. Hindi niya alam kung ano'ng ibig nitong sabihin. Baka naman nabingi lang siya pansamantala't mali ang pagkakaintindi niya.

"Yes." Tumango-tango pa ito.

"What's OLD, Tita?" she asked to clarify things. Kinakabahan siya. Malakas ang kutob niya na hindi niya magugustuhan ang sasabihin nito.

"Obsessive-Love Disorder..." Nagtatanong ang mga mata niya kaya bago pa siya magtanong muli'y sinagot na nito ang bumabagabag sa kanya. "Xhaiden has an Obsessive Love Disorder which sometimes called Obsessive Love Addiction. This condition can be classified as an obsessive-compulsive disorder (OCD). But the thing is... Xhaiden isn't obsessed with things. She's obsessed with Grant. And in her current state... she's willing to do or give up everything, even her life, just for him."

In a REALationSHIT (Trese Series #1) - PUBLISHED (PSICOM)Where stories live. Discover now