Chapter 14

253 7 0
                                    

Sorry Kung ngayon lang ulit ako nakapag update busy masyado charrr...


Meiji's POV


Dali-dali akong pumunta sa opisina niya pero dahil nga nagugutom pa ako nag pasya muna ako na bumili ng kape para saakin sigurado naman ako na meron siyang makakain dun

Dali-dali akong pumasok sa opisina niya kaagad naman ako naka pasok pero pagdating sa mukhang malanding secretarya niya eh parang mahihirapan ako


"Ano ang kailangan mo?" Mataray niyang sabi


"Pinapatawag ako ng boss mo." Kung mataray siya mas tatarayan ko siya akala niya burahin ko yung kilay niya


"May appointment ka?" Aba di ko alam Kung b*b* to o hindi


"Malamang kaya nga pinapatawag ako diba?" Taas kilay kong sabi sino ba naman ang di mapipikon sa tanong niya



Kring~

Si Kyle ang tumatawag kailangan kong I loud speaker para malaman nitong impaktang toh na may appointment ako


"Meiji, ang tagal mo naman"

Napatingin ako sa secretary nya who you ka ngayon


"Ito kasing secretary mo ang b*b* sinabi ko na nga na pinapatawag mo ako eh nag tanong pa kung may appointment ako sayo"


Kaagad na bumuntong hininga si Kyle at binaba ang linya sa telepono

Bumukas ang pinto ng opisina niya at kaagad naman akong pumasok at naiwan siya sa labas

"Pag sasabihan ko lang siya" kaagad siyang umalis kaagad


Eh Sino ba naman kasi ang mabwi bwiset.....





#WagTangaMagTanong


Se AgapóTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon