Saka mabilis na sinundan ni maddie si bea.







Natuloy ang pagkain namen dun pero di naman ako nakakain ng husto. Nawalan ako ng gana, pinilit kong maging normal, yung parang walang nangyareng ganon sa pagitan nameng apat kanina ngunit di ko magawa. Di ko maitatanggi na naapektuhan ako sa nangyare kanina.







Wala namang talagang malakeng nangyare pero yung pressence ni bea kanina kahit di man lang sumulyap sa kin. Yung naabutan kong masaya at tumatawang bea sa harapan ni maddie ay napalitan ng pananahimik nya at di na kelanman tumingin ng diretso.







"Are you okay?" si nico.







Nasa loob na kame ulit ng kotse nya at papauwi na ng eliaso. Tinitingnan tingnan pala nya ako habang nagddrive. Sinulyapan ko si nico at kita ko sa mata neto ang pag aalala.







"Yeah im okay." sabe ko na lang.







"Sorry ah. Di ganon ka special yung pagcelebrate naten ng 4th monthsary naten." si nico. "Alanganing araw tas medyo busy ka ngayon. Dont worry, sa mga susunod na month pag hahandaan ko na talaga."







"Okay nga lang di ba." malumanay kong sabe sa kanya na di sya tinitingnan. "Hindi naman kelangan ng magarbo eh."







"Kahit na..." pilit ni nico. "Basta next time magugustuhan mo na ang pagcelebrate ng monthsary naten." then nagsmile sya sa kin.







Di na ko nakipag talo pa. Hahaba lang ang usapan. Parang gusto kong matulog kaya pinikit ko muna ang mata ko sa buong byahe.































"HUWAW!" si ponggay ng syang nagbukas sa kin ng pinto. "Let me help you." sabe pa neto tas tinulungan nya akong bitbitin papasok mga dalahin ko.







"Jho is hereee." sigaw ni ponggay.







At tulad ng dati parang kidlat kung magsipagpuntahan sila sa kin. Hinayaan ko na lang silang halungkatin ang mga dala ko. Basta ako naupo sa sofa.







"Salamat sa pasalubong ate jhooo...." duet nina sydney and dani.







Mga rookies this season. Medyo marameng bago ngayon sa team, yung iba sophomore na pero first time pa lang sila nakapasok talaga sa team.







"Happy monthsary momski." biglang tabe ni deanna sa kin. "Sinabe sa kin ni pareng nico eh." sabay ngisi. "San kayo nagpunta ha?"







"Ano ba yang mga tanungan mo wong?" sita ni ponggay sa kabatchmate. Sabay pitik sa tenga neto.







Umangil naman agad si deanna at sumimangot habang hawak ang tengang pinitik ni ponggay.







"Monthsary nyo?" si kim naman na tumabe sa kin. Nagka ACL sya nung off season namen at naoperahan na. Hindi sya makakapaglaro ngayong season na supposedly at last playing year na nya dapat. Kahit di na muna sya makakapaglaro ay dito pa rin sa dorm sya naglalage. Nasa bacolod ang family nya buti na lang pasok na sa team ang nakakabatang kapatid nya---si cassey. Kahit papano may kapamilya syang naka alalay sa kanya bukod sa ming mga ka teammates nya.







Tumango lang ako bilang sagot sabay inihilig ko ulo sa balikat nya. Nkatingin ako sa mga teammates namen na nilalantakan na ang mga pizza na dala ko.







Best thing i (N)EVER hadWhere stories live. Discover now