Kunyare nagpaka busy ako sa phone ko at hinayaan ko lang silang magkausap kahit sa totoo eh nakikinig ako sa usapan nila.







"Kayo?.....K-kayo, bat andito kayo? I mean....Kayo yata ang may date eh." si maddie.







Narinig kong natawa si nico pero hinayaan ko lang. "Oo eh. Actually, monthsary namen."







Ay sarap na talagang batukan si nico sa sinabe nyang yun pero pinigilan ko. Sa utak ko na lang sya ilang beses binatukan. Nakakainiisss!!! Binulong pa tas tumawa pa. Argh!!!







"Ano ba?" di ko na napigilan pa saka inirapan ko sya. Nakakainis talaga! 😠







"Ahhh..." si maddie.







"What?" si nico at nilingon ako. "Parang sinabe lang eh."







Napabuntong hininga na lang ako. Kahit naman panlakihan ko ng mata si nico di nya ako magegets. Sabay kameng napatingin sa table nila maddie ng marinig kong may umubo. Si bea pala and nag aayos na ito ng sarili at ngayon nga ay tumayo na to.







"Tapos na kayo?" si nico. Pasimple kong hinawakan ang braso neto at pinisil. Tulad kanina di nya gets kaya nagpatuloy lang to.







"Oo eh. Kanina pa naman kame andito. Patapos na talaga kame nung lumapit kayo." si maddie and nagsmile ulit sa min. "Siguro next time na lang...?"







"Sure." si nico.







Minsan nakakatinginan kame ni maddie pero agad din nameng binabawi yun. Hindi ko alam kung nag iiwasan kame ni maddie sa mga sulyap pero parang ganon na nga ang nangyayare sa min. Sa buong pag uusap nila ni nico ay di ako nag interupt sa kanila. Hinayaan ko lang silang magsalita, nanatili akong tahimik at nakikinig lang, tulad ni beatriz na busy sa pagkain. Hindi rin ito nag taas ng tingin para sa min ni nico.







Kilala ko si beatriz, pag naiinis at galit ito sayo di sya mag aaksayang
tingnan ka o tapunan ka man lang kahit sulyap. Ayun nga ang ginawa nya. Nakayuko lang ito kahit halatang nakikinig lang sya sa palitan ng usapan nila maddie at nico. Hindi nya kayang makipag plastikan sa min kahit pakitang tao man lang, hindi talaga ito kumibo and parang hangin lang kame sa harapan nya at di nya ito nakikita.







Sa pagtayo di inaasahan na nabitawan nya ang wallet nyang naglalaman ng mga credit cards nya. Nagkalat ito sa lapag na agad nyang pinulot isa isa.







"Anyare?" nasambit ko ng di oras. Napahinto sa pag uusap amg dalawa.







Gusto ko sana man lang tulungan syang mag pulot ng mga nagkalat nyang cards sa lapag. Akmang lalapit ako ng maramdaman kong may pumigil sa kamay ko, napatingin ako sa kamay kong hawak hawak na pala ni nico na di ko man lang namalayan. Lumipat ang tingin ko sa lalakeng katabe ko ngunit straight itong nakatingin kay maddie na ngayon ay tinutulungan na si bea sa pagpulot ng mga gamit nya sa lapag. Wala na kong nagawa kundi magbuntong hininga na lang habang pinapanood ang dalawa.







Maya maya pa ay tumayo na silang dalawa. Inayos nilang pareho ang kanilang damit, nakatingin ako ng diretso kay beatriz. Inaabangan ko ang pagsulyap man lang nya sa kin ngunit nabigo ako.







"Lets go mads." tas tumalikod na. Walang lingon lingon ay lumabas ito ng foodchain.







"Sige. Una na kame sanyo." natutulirong baling ni maddie sa min. "Happy monthsary pala, jho....Nico."







Best thing i (N)EVER hadTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang