Chapter 3

26.3K 742 83
                                    

CHAPTER 3 – LIGAW
FAYE POV.

“Ano bang klaseng tanong yan.” Inis nitong sabi at napaiwas ng tingin. Kita ko sa mukha niya ang pagkairita. Mas nahiya pa tuloy ako.

“Gusto ko lang kasi malaman. Baka may katangian ako ng ideal girl mo.” Sabi ko at ngumuso.

Umirap siya. “Wala akong gusto. Wala akong ideal girl.” Masungit nitong sabi.

Napasimangot ako sa sagot niya, pwede ba ‘yun? Lahat naman ng tao may ideal sa magiging partner nila.

Anong klaseng lalaki siya?! Wala man lang siyang ideal girl. Matutuwa naba ako sa sagot niya o maiinis?

“Ewan ko sayo! Mag simula na nga lang tayo.” Inis kong sabi.

Nagsimula na kaming mag usap para sa nalalapit naming report. Pagkatapos naming mag usap ay umalis na siya agad.

Hindi ko naman maiwasang malungkot.

Ang sungit sungit talaga ng James na’to! Hindi ko nga maintindihan kung bakit ako patay na patay sa mokong na’to. Pero sa tuwing pinipilit kong i-entertain ang mga nanliligaw sa akin. Pakiramdam ko naman ay napakasama kong tao dahil pinagtataksilan ko siya, ang sarili ko, at pati na rin ang mga pinapaasa ko. Sa totoo lang hindi lang paghanga ang nararamdaman ko kay James.  Talagang mahal ko siya!

“Good evening, dad.” Matamlay kong bati kay daddy ng makauwi ako ng bahay.

Napatigil siya sa panonood ng tv at napansin ako.

“Faye, anak! Nandito ka na pala. Bakit parang ang lungkot mo ngayon?” pag-aalala na tanong nito.

Umupo ako sa tabi ng daddy at nakasimangot na parang bata.

“Nahihirapan po kasi ako sa crush ko.” Mahina kong sabi.

“Si James na naman ba ‘yan?” pagtawa ni daddy sa akin.

“Daddy naman eh, wag mo kong tawanan. Heartbroken na nga ako eh.” Nakanguso kong wika.

“Gusto mo tulungan kita, anak?” aniya.

“’Wag na dad no! Baka ikasal nyo kami bigla!” Napailing ako at tinanggihan ang gusto ni Daddy. Baka ano pang gawin niya, lagi pa namang bukambibig niya na e arranged marriage kami ni James. Ayoko namang gawin nila ‘yun. Gusto kong mahalin ako ni James.

Supportive si Dad sa akin sa lahat ng bagay. Alam ni dad lahat ng mga ginagawa ko pati lovelife ko. Nasasabi ko kasi lahat kay Daddy Jun ang mga problema ko at mga gawain ko sa buhay.

Si Daddy nalang ang bumubuhay sa akin kasi wala na si Mommy. Namatay si mommy noong 11 years old ako sa sakit kaya si daddy na ang tumayong nanay at tatay sa akin at masasabi ko talagang close kami ni dad.

“Why not? Pwede kitang ipagkasundo kay James. Alam mo namang nagusap kami ng mga magulang ni James ‘diba?  Gusto nga nilang mag blind date ka’yo eh. Ikaw lang ang hindi pumapayag.”

“Dad, inis na inis na nga sa akin si James eh. Baka kapag ginawa n’yo ‘yan magmukha na akong sobrang desperada at mas lalo pa siyang mainis sa akin. At isa pa gusto kong mahalin ako ng totoo ni James hindi ‘yung pinikot ko lang siya. Ako na po ang bahala dad so don’t worry.” Sabi ko at ngumiti.

Bumuntong hininga siya at tumango.

“Okay fine anak. Pero kapag kailangan mo ng tulong nandito lang ako, okay?” aniya sabay kindat sa akin.

Tumango ako at ngumiti.

I’m so lucky to have a father like my dad. Kahit wala na si Mommy, hindi parin siya nagkulang sa pag-aalaga at pagmamahal sa akin.

“Wow! Ano ‘yang dala dala mo, girl?” Gulat na tanong ni Andrea ng makita ang dala dala ko.

May dala akong malaking box at sa taas nito ay isang letter.

Ibibigay ko ito kay James at may sasabihin akong importante sa kanya.

“Gift ko kay James.” Nakangiti kong sabi.

Umiling-iling na lamang ito sa akin.

“Grabe. Wala akong ibang masabi. Ikaw na talaga bes! Martir!”

Irap nalang ang sinukli ko kay Andrea at naglakad na papunta sa room.

Nang makapasok ako kay nakita ko si James sa upuan niya na nagbabasa. Napatingin din sa akin ang iba kong mga kaklase na nagtataka.

“Ano yang dala dala ni Faye?”

“Para kanino kaya yan?”

Naglakad ako papunta sa upuan ni James.

Huminto ako sa harapan niya. Napatigil naman siya sa kanyang pagbasa at napatingin sa akin.

Narinig ko ang pag singhap ng mga kaklase ko.

“What’s that?” Masungit na sabi ni James.

Ngumiti naman ako.

“My gift for you! Kung ayaw mong manligaw, ako ang manliligaw! From now on, liligawan na kita.”

Nanlaki ang mga mata ni James at nahulog sa upuan niya.

“What the f*ck?!”

TO BE CONTINUED...

The Gay CEOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon