Chapter 54- Lies & Secrets

30.8K 546 49
                                    

(A/N: Read very very carefully this chapter dahil dito niyo na malalaman ang lahat.. Tungkol kay Rebecca,William at Josephine.. J)

James POV

Anong ginagawa ni Bianca? Akala ko nawala na siya na parang bula?

"James.." inalalayan ako ni Amanda.. "dadalhin kita kay Raven.."

Hinawakan ko ang kamay niya "w-wag na.." I said.

"H-Ha?"

"Kaya ko na ito.."

"P-Pero-"

"Bumalik ka na sa building..May gagawin lang ako." I said at tumungo na sa lugar kung saan ko nakita si Bianca.

Hindi ko akalain na buhay pa ang babaeng 'yon! Akala ko hindi na siya gugulo! Nilingon ko si Amanda at nakita ko na naglalakad na siya pabalik sa building. Huminto ako saglit at tinanggal ang dalawang pana na naka saksak sa likod ko ngayon. Pinilit kong tanggalin ang mga pana at pinigilan ang sakit. S-Shit.. Nang matanggal ko na ang dalawang pana sa likod ko tumakbo na ako ng mabilis. Kailangan mapatay ko na ang babaeng 'yon! Hindi ako papayag na manggugulo siya ulit! At mas lalong hindi ako papayag na may masaktan o madamay pa ulit!

Nilibot ko ang paningin ko. NASAAN KA NA BA BIANCA?! Hindi na ako magtataka pa kung paano siya nakarating dito sa Forbidden Forest. Isa siyang bampira kaya pwede niyang lampasan ang shield na pumoprotekta sa buong gubat laban sa mga kalaban naming lobo at hindi bampira.

"Hinahanap mo ba?" napalingon ako "Did you miss me huh James?" she said while smirking.

"bat ka pa bumalik Bianca?" diretsahang tanong ko sakanya.

"Hindi pa ako tapos James.." ngumiti siya ng kakaiba "hindi muna ako bumalik dito para makapaghanda ako sa susunod kong plano.."

"hindi ka pa ba nagsasawa!?"

"Hindi.." Lumapit siya sa akin habang naka cross ang mga balikat nito. Diretso siyang nakatingin sa akin "balita ko si Amanda ang pinaka unang Pureblood Princess.." inilapit niya sa tenga ko ang bibig niya at sinabing "kung ganun papatayin ko siya tulad ng ginawa ni Kurt Kenley sa kapatid mong si Julia.." kinuwelyuhan ko siya "Oops.. Baka mapatay mo rin ako tulad sa ginawa mo kay Amanda eh. Relax ka lang James.."

"Hindi ako nagsisisi na nagawa ko yon sakanya! Dahil ngayon na buhay na siya ulit siya mismo ang papatay at tatalo saiyo dahil siya ang tunay na Pureblood Princess at hindi ikaw!" tinulak ko siya "kung akala mong panalo ka na,pwes nagkakamali ka Bianca.." napahawak ako sa likod ko dahil biglang kumirot at sumakit ito ng todo..

"Wag kang kampante James..Baka hindi mo namamalayan na may isa sa lahi natin ang nagtatraydor sa inyo." Ngumisi siya ulit at hinawakan ang isang pana at hinipan ang dulo nito "baka ang traydor na 'yon mismo ang susunod na papana sa likod mo.." Tumawa siya at bigla nalang naglaho na parang bula. So she can teleport also.. Mas lumakas nga talaga si Bianca ngayon.

Napaupo ako at napasandal sa isang puno.. Ang sakit ng likod ko. Bakit ngayon pa ako nasasaktan ng ganito kung kailan nawala na ang healing power ko,si Amanda. Sinubukan kong sugatan ang sarili ko at nilagyan ng sariling dugo ang likod ko.. Pero wala,hindi talaga gumagaling.. Napabuntong hininga nalang ako at naglakad na pabalik sa dormitory building.

The Vampire Royalties (Published under PSICOM Publishing Inc.) (REVISING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon