Chapter 64- Back

25.6K 570 121
                                    

  Amanda's POV

"Goodmorning." pagdilat ko palang ng mga mata ko si Raven na agad ang nakita ko. Nakangiti siya sa akin at tulad ng dati, kitang-kita ko nanaman ang malalalim niyang dimples.

"Goodmorning din Raven." sabi ko at inunat ang katawan ko. Reminder ulit ha, nakakatulog kaming mga bampira. Nagkakaroon din kami ng panaginip pero hindi kami nakakaramdam ng antok.

"Pupunta kami nila Kristoff sa city mamaya. Hahanapin namin si Jade. Gusto mo bang sumama?" tanong nya sa akin.

"Hmm. Susunod nalang siguro ako sa inyo. Wala pa kasi akong gana ngayon eh." sambit ko. Nabigla naman ako ng guluhin ni Raven ang buhok ko.

"Sige. Naiintindihan ko." Matapos niyang guluhin ang buhok ko ay ngumiti siya saka lumabas.

Pambihirang lalaki talaga si Raven. Haay. Walang pinagbago. Kung ano ang pagka'kilala ko sakanya noon, ganoon din siya hanggang ngayon.

Napahiga ulit ako at bumuntong hininga.

Nasaan na kaya si Jade? Hindi ko pa rin nakakalimutan ang mga nangyari sa amin noon. Ang pag bulgar ng kahit anong kasinungalingan nila mama at ang tuluyang pag-alis ng kapatid kong si Jade. Alam ko naman na maha niya ako,pero simula ng malaman ko na kapatid ko pala siya,iba yung naramdaman ko. Matagal ko na rin kasi gustong magkaroon kapatid kaya ayun. Hay buhay nga naman. Ang masaklap lang ay si Jade pa ang naging first kiss ko na kapatid ko. Sheet!

Dahil sa mga naalala ko bigla kong sinambunutan ang sarili ko sa sobrang inis.

"Bakit pa kasi ganto ang mga nangyari!" sabi ko sa sarili ko.

Muli akong napahinga ng maluwag at biglaang tumulo ang mga luha ko. Naalala ko nanaman si James.

"Ano ba naman kasi yan.. B-Bakit ba ganito?" bulong ko sa sarili ko. Para akong bata na kinakausap ang sarili ko habang umiiyak.

Hanggang ngayon nasasaktan pa rin ako. Nasasaktan ako ng dahil kay James. Bakit ganon? Diba mahal niya ako? Ang sabi niya poprotektahan niya ako pero anong nangyari? Iniwan niya lang ako sa ere. Hinayaan niya lang na masaktan ako ng ganito. Hindi niya tinupad ang mga pangako niya sa akin. Hanggang salita lang pala siya. Nakakainis.

Agad kong pinunasan ang mga luha sa pisngi ko at lumabas na ako ng kwarto. Paglabas ko bumaba na ako agad at naabutan kong naglalaro sila Kristoff sa labas.

"Oh Amanda! Come on join us!" alok sa akin ni Kristina.

"Hehe. Kayo nalang muna."

"hmm. Okay." then nagpatuloy na sila sa paglalaro. Nakaupo lang ako sa isang tabi at tahimik na tinitignan sila. Mabuti pa sila masaya.

"Hi Amanda." Si Julia. Umupo siya sa tabi ko "Kamusta? Matagal na rin tayong hindi nakakapag-usap ng tayong dalawa lang." nakangiting sabi nito.

Ngumiti rin ako "Oo nga. Ang dami kasing nangyayari ngayon."

"Lalo na sa kuyas ko." kitang-kita ko ang lungkot sa mga mata niya "Oo tahimik lang ako sa mga nangyayari ngayon. Pero tulad mo, nasasaktan rin ako." napayuko siya "Kahit na hindi ko tunay na kuya si Kuya Jade, he's still my real brother for me. Pero nalulungkot dahil bigla nalang siya nawala. Ganun din si Kuya James." biglang tumulo ang mga luha niya. Shet, pati tuloy ako naiiyak "Nung nawala ako ng matagal at napunta sa kabilang dimension ginawa ko ang lahat para maka gawa ng paraan makabalik lang dito. Makasama lang sila kuya. At pagbalik ko, hindi ko inaasahan na walang pinagbago. Ganun pa rin sila.kuya. At alam mo yung masakit? It hurts me to see the both of them in pain. You know how much I love my kuyas Amanda." bigla niyang hinawakan ang kamay ko "Amanda..please, hanapin mo si Kuya James pati na rin si Kuya Jade."

The Vampire Royalties (Published under PSICOM Publishing Inc.) (REVISING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon