Chapter 41- Haunting Past

32K 598 78
                                    

A/N: Balik eksena na si Fafa James! Hahaha. Agad-agad? Kailangan eh! XD

James POV

Mag-isa akong naglalakad dito sa gubat kung saan ko unang nakilala si Amanda at aksidenteng napatay. Sa tuwing naaalala ko ang araw na 'yon I always blaming myself dahil sa katangahan na nagawa ko, dahil sa hindi ko pagligtas at pag protekta sakanya. Yeah, lagi akong mag-isa at walang kinakausap ni isa man lang sa Royalties. Bihira lang ako lumabas ng kwarto pero ngayon..unti-unti ko ng natatanggap ang nangyari.

Hindi ko alam kung saan ako tutungo at kung saan ako dadalhin ng mga paa ko. Lakad lang ako ng lakad hanggang sa may marinig akong mga kaluskos. Lumingon ako sa likod pero wala naman akong nakita. Siguro mga hayop lang yun na nandidito sa gubat. Hindi ko na pinansin ang mga ingay na yun at dire-diretso lang ako sa paglalakad. It's been 3 or 4 week at hindi pa gumigising si Amanda. Ano kayang mangyayari kapag nagising na siya? Could it be more painful kesa sa nararamdaman ko ngayon? Ano kayang mararamdaman ko kapag si Jade na ang mahal nito? Bahala na kung anong mangyayari basta't mabubuhay pa si Amanda.

Now I know why other people says love is very powerful. Ngayon naiintindihan ko na, dahil ang pag-ibig kahit anong estado mo sa buhay,mataas o mababa,mahina man o malakas ka man talong talo pa rin tayo pagdating sa pag-ibig. Kahit ano nagagawa ng love. Love makes people stupid,insane and weak like what happened to me.

Tumigil ako sa pag-iisip ng maapakan ko ang isang patay na lobo at ngayon ko lang rin napagtanto na hindi lang isa ang patay na lobo,kundi marami na nakapaligid sa akin ngayon.

Sinong may kagagawan nito?

"talaga ngang minahal mo ang babeng yon at hindi mo siya nilayuan tulad ng sinabi ko saiyo noon." isang pamilyar na boses ang narinig ko "James Waldorf.." Mula sa madilim na sulok ng gubat dahan dahang lumapit sa akin ang isang tao,mali--isang bampira,habang nakangisi ito"ang tigas pa rin talaga ng ulo mo hanggang ngayon." Mas lumapit pa siya sa akin at ngayon kitang-kita ko na ang itsura nito. Ang buhok niya na humaba at ang itim na ugat na lumalabas sa may leeg niya. Anong nangyari sakanya?

"P-Papa?" Ilang beses akong kumurap para masiguradong siya nga ang kausap ko ngayon at hindi nga ako nagkamali.. Siya nga..Si William Waldorf--ang papa namin.

"anong feeling ng magmahal.James?" ngumisi siya "masarap ba? o masakit?"

"P-papa? B-Bakit? A-akala ko eclipse pa kayo magigising?"

"alam ko na alam mo ang sagot sa tanong na yan James." Ngumisi siya.

"D-Don't tell me that you're one of the H-High Vampires?" para bang ayaw ma process ng utak ko ang mga nangyayari ngayon. Si Papa na mahabang taon na natulog ay muling bumalik kahit na hindi pa ito ang itinakdang panahon.. At ang nangyari naging isa siyang high vampire. Bakit?

"tama ka." tumawa siya pero kakaibang tawa na. Mala'demonyong tawa "matanong kita ulit,ano ba ang pakiramdam kapag nagmahal? sagutin mo ako James."

"hindi mo ba naramdaman yan kay mama?" matigas kong tanong. "ah. oo nga pala. Kaya pala ni minsan hindi ko kayong nakita ni mama na nagtatawanan. Kaya pala ni isang beses hindi mo pa siya nahahalikan. At ni minsan hindi mo pinaramdam sa amin ang pagmamahal ng isang ama." Nagulat ako sa biglaang pag'pula ng mga mata niya kaya napaatras ako ng ilang beses. Wala na sa kontrol si papa. He's not my father anymore.

"pag-ibig? haha! Love doesn't exist James. Tanga ang naniniwala sa pag-ibig na yan." Mas lumapit pa siya saakin "at ikaw pinagsabihan na kita noon na layuan mo na ang babaeng 'yon." Kitang kita ko ang paglabas ng mga itim na ugat sa leeg niya. Kitang-kita ko rin ang pagtulis ng mga kuko niya. Isa na nga talaga siyang high vampire.

The Vampire Royalties (Published under PSICOM Publishing Inc.) (REVISING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon