Nang makalabas na kame ng company nya,
Pinipilit nya pang ihahatid nya ako, kaso sinabi ko may dala akong kotse at umuwi na rin sya at magpahinga..

Habang nasa byahe ako bigla ko naisip,
Ano na pala kame?
Ok naba kame?
Kame naba?
Mabubuo naba pamilya namin?
Pero wala naman sya sinabi sakin..

Napailing nalang ako sa mga iniisip ko..
Yun paba talaga ang iniisip ko?
Basta ang mahalaga ok na kame at napaliwanag ko na sa kanya ang lahat..

>end of flashback<




Sabi nya Mahal nya rin ako diba?
Bakit hindi nya magawang magparamdam man lang?
Pwede naman sya dumalaw dito eh..
Haysss..

"Mom? What's the problem? why'd you always sigh? "
Tanong ng aking anak..
Nasa tabi ko kasi ito at naglalaro sa tablet nya..

"Nothing anak..
Iniisip ko lang si Daddy Jayson mo.."
Sabi ko sa kanya saka sya ningitian..

"Oh..
Yes..Daddy Jayson, Mom..
Kailan nya po ako bibisitahin?".
Tanong nya sakin,
Mukhang masaya sya naririnig nya ang pangalan ng Dad nya..

" I don't know anak,
Siguro busy pa sya ngayon sa work nya.."
Sagot ko nalang saka sinabihan ko syang maglaro nalang muna..



_______


A many day's passed..

Yes..
Maraming araw na..
Wala akong Jayson na nakikita o nararamdaman?

Kinapalan ko nga isang araw ang mukha ko at hiningi ko kay Nicole ang cellphone# nya..
Pero habang nag-riring ito bigla namamatay at sasabihin 'the number you dialled is busy so please call later'

Hindi naman masabi sa akin ni Nicole kung nasaan ang Kaibigan nya dahil kahit sya raw hindi nya alam..
O ayaw nya lang sabihin sa akin?

Pag tumatawag ako sa company nila at hahanapin yung boss nila sasabihin busy,,
Minsan sasabihin wala at worse pa nasa out of town may business trip..

Hindi ko mahalagilap si Jayson..
Hindi ko matyempohan kung nasaan sya!!
Galit paba sya saakin?
Akala ko ba ok na kame?
Pero ano itong ginagawa nya?
Iniiwasan nya ako O kame ng anak nya ng ilang araw na!!

At ilang araw nalang kaarawan ko na..
Gusto ko kasama namin sya ng anak namin..
Pero nasaan sya ngayon??

____


A day passed again..
Yes..
Isang araw na naman ulit wala pa ring Jayson..
Nakakainis na sya!!
Napaliwanag ko naman sa kanya lahat at humingi ako sa kanya ng kapatawaran diba?
Bakit ganito parin?

So, ito ba yung nararamdaman kong kakaiba bago kame matapos mag-usap?
Na mawawala nalang sya bigla?
Na akala ko ok na kame pero hindi pa pala..

Masakit pala maiwan ng hindi mo alam..
Ganito rin ba yung naramdaman nya saakin kaya binabalik nya saakin?
Humingi naman ako ng tawad at pinagsisihan ko na yun..

Napatingin ako bigla sa phone ko dahil may tumatawag..
Akala ko si Jayson..
Si Nicole lang pala ayaw ko sana sagutin pero naalala ko baka may alam na sya kung nasaan ang magaling nyang kaibigan..


"Hello.."
Mahinang sagot ko..

"Oh? Bakit parang namatayan ka naman dyan?"
Tsss.. Kita mo ito malakas parin mang'trip kahit kailan..

"Bakit sasabihin mo nabang nasaan sya?"
Medyo mataray na tanong ko..
Kung hindi mo kasi tatarayan hindi matino kausap eh..

"H-ha.. Hehehe hindi ko nga kasi talaga alam.. (Sabihin mo na kasi my loves) tumahimik ka nga dyan Michael.."
Tsss..
Kahit sa phone nagtatalo pa sila ni Kuya..

"Pasensya kana Jane ha? Ayaw kasi nya talaga ipagsabi eh, lalo na raw sayo.. (Sabihin mo na kasi na pumunta ng States, umuwi sa magulang nya.) Tseee!!  Paano ko pa sasabihin eh sinabi mo na??  Lakas-lakas ng boses mo!! Hehehe Jane.. Sorry sinunod ko lang kasi sinabi nya.. Ewan ko ba doon.."
Paliwanag nya kaya binaba ko agad ang tawag..


So umalis sya?
Nag ibang bansa sya?
Bakit?
Napaiyak nalang ako sa posibleng dahilan..

"Lalayo ba sya sa akin? Sa amin?"
Yan nalang lumabas sa bigbig ko at napaiyak na ako ng todo..








*Nicole POV*




Bigla akong binabaan ng Phone ni Jane..
Alam naman nyang may sasabihin pa ako eh..
Kaya tinignan ko ng masama si Michael..
Pambara kahit kailan ito..


"Oh ayan!!
Kakasabat mo mukhang nagalit sya..
At nya akong binabaan ng phone..
Dapat hinayaan mo nalang ako makausap sya eh..
Masisira ang plano sayo.."
Inis na sabi ko saka tinapon yung phone sa likod ng kotse.. 


"Sorry..
Alam mo naman nag-aalala na yung kapatid ko..
Tinatanong nya rin ako pag umuuwi ako ng bahay kung alam ko ba asan si Jayson. Kung alam mo lang kung gaano sya nag-aalala.."
Sabi nito saka nagmaneho na..
Hindi nalang ako sumagot kasi totoo naman eh..


Nasa kotse kame ngayon may pupuntahan..
May inuutos kasi saamin ang napakagaling kong kaibigan!!
Sino paba edi si Jayson!!


Inutusan nya kaming mag book ng resort for the birthday party for Jane..
At kame raw bahala sa mga aayusin or sa pagkain,,
syempre pera nya no!!
Sya nakaisip neto ano sya siniswerte?


May gagawin kasi raw syang surprise plan para kay Jane sa birthday neto..
Ewan ko kung ano basta ginagawa lang namin yung sinasabi nya..
At totoo nasa ibang bansa sya ngayon..


May kakausapin raw sya dun pero babalik naman sya agad..
Sasabihin ko sana kay Jane yun kanina na babalik naman si Jayson kaso binabaan ba naman agad ako ng phone neto..
Bastos din eh..
Katulad ng Kuya nya..
Pero wag kayo Mahal ko yan..

.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
To be Continue..

(A/N:
Update.. And Then Last CHAPTER na..

please..VOTE & COMMENT..

Please FOLLOW me.. Thank You ❤❤

love, @NoeeLuvEnding )

My Ex. Boyfriend Is My Boss [BOOK TWO UNDER EDITING!!]Where stories live. Discover now