Hindi pa naman ako nakapag almusal kanina dahil maaga nya ako pinapasok dahil may kailangan syang iutos saakin..
Akala ko pa naman napaka-importante..
Yun pala ay lilinisin ko buong opisina nya..



Tinanong ko kung nasaan ang mga naglilinis doon ang sabi nya naka day off lahat so dahil ako daw yung secretary nya ako raw gagawa nun..



"Ahmm Jayson..
Lunch time na..
Hindi kapa ba mag lulunch?
Baka hinihintay na nila ako..
Gusto mo dalhan nalang kita dito pagkatapos namin kumain?"
Tanong ko sa kanya at tumayo..
Tinignan nya ako ng masama..
Problema neto ba?



"No need..
Umupo ka dyan..
Secretary kita kaya sundin mo ako!"
Sabi nito saka tinignan yung phone nya..

"Bakit kasi ang tagal dumating.."
Sabi pa nito habang nakatitig sa phone nya..


Tsss..
Napairap ako sa kawalan..
Oo secretary nya ako at boss ko sya..
So kung gusto nya magpagutom,
So ganon rin ako??
Kaya wala ako nagawa kundi umupo ulit sa sofa at napacross'arm..
Wala eh!! Sya ang boss!!



Maya maya may kumatok at pumasok sa opisina ni Jayson isang deliveryman..
Naka sout itong uniform ng shakey's..
Napa 'WOW' ako dahil naamoy ko yung bango ng PIZZA    0//_//0
Gustong gusto ko ito habang mainit-init pa..



"Sir, Delivery po.."
Sabi nito saka lumapit sa mesa ni Jayson kaya tumayo si Jayson..


Hindi ko napigilan ang aking sarili kaya napatayo ako at lumapit kay Jayson..
Tsaka hurap sa deliveryman..

"Jayson sayo ba yan?
Pahingi ako ha? Akin na po.."
Sabi ko kay Jayson saka inagaw sa deliveryman ang isang malaking box ng Pizza at dali dali akong pumunta sa sofa at nilapag ito..
Nakita ko napailing si Jayson habang binabayaran yung deliveryman..
Bakit?
Eh sa gutom na ako eh..



Maya-maya lumapit saakin si Jayson at umupo sa harap ko..


"Oh buksan mo na..
Hindi kapa ba kakain?.."
Sabi nito saakin kaya napairap ako nalang ako sa sinabi nya..
Syempre hinihintay ko sya..
Tsss..
Kaya binuksan ko na ito..


Kumuha ako ng tissue at nilagay doon ang Pizza saka inabot ito sa kanya..
Syempre bilang secretary kailangan sya mauna dahil pera nya yan..
Medyo nagulat ito sa ginawa ko pero tinanggap nya naman ito..
Kumuha na rin ako ng akin saka kumain..
Sarap talaga nito..



Nang maubos ko yung kinakain ko bigla ako napatingin sa kanya kasi nakaramdam ako na may tumitingin saakin,, nakatitig pala ito saakin..
So nakatitig sya kanina habang kumakain ako?
Nakakahiya ang bilis ko pa naman naubos ang isang slice!!  >_____<



"B-bakit?"
Nahihiyang tanong ko saka nagpupunas sa ibaba ng bibig ko baka may kalat ako..


"Bilis mo kumain,,
Hindi ka naman siguro kumain ng Breakfast..
Sige kumain kapa.."
Sagot lang nito saakin..
Saka sya kumain..
Nakakahiya man pero gutom pa ako kaya wala ako nagawa kundi kumuha ulit at kumain..


Habang kumakain kame,,
Bigla ko naalala may ipapagawa pa pala sya sa akin..
So tumingin ako sa kanya na kumakain..



"Diba may ipapagawa kapa saakin?
Ano yun? Para magawa ko agad pagtapos ko kumain.."
Tanong ko sa kanya at kumagat ulit ng pizza..



"Ito na.."
Maikling sagot nya..
Ano raw?
Anong ito na?



"Ano? Hindi kita maintindihan..
So ano nga?"
Tanong ko ulit saka kumagat sa pizza na hawak ko..



"Ito na nga.."
Medyo inis na sagot nya..
Na parang sinasabi nyang ang slow ko at hindi sya naiintindihan..


So sya pa naiinis dahil hindi ko naiintindihan sinasabi nya?
Eh sa hindi ko nga naiintindihan!!
Hindi ako sumagot basta nakatingin lang din ako sa kanya na parang sinasabi ko rin sa kanya na hindi ko sya naiintindihan!!



"Tsss..
Ito na nga yun..
Ito na ipapagawa ko..
Ang sabayan ako kumain.."
Sabi nya saka sya tumayo at padabog na pumunta ng kwarto nya dito sa opisina nya..



So ito pala..
Gusto nya lang pala sabayan ko sya---


A-ano?
Gusto nya sabayan ko sya kumain?
B-bakit?
Napangiti nalang ako bigla dahil sa sinabi nya..
Kung sinabi nya saakin edi inayos ko pakikitungo sa kanya kanina..
Haysss..


Siguro iisipin ng iba parang baliw ako habang kumakain na nakangiti..
Eh bakit ba?
Eh sa masaya ako sa narinig ko..
Gusto nya sabayan ko sya kumain eh..
Ano kaya nakain nun at bumago ang pakitungo nya sakin?
Eh pizza lang naman nakain namin..
Hindi kaya nauntog yun?
Sana wag na magbago ang ihip ng hangin sa ulo nya..
Ayoko mag linis ulit..
Secretary ako..
Hindi Janitor  >_____<

.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
To be Continue..

(A/N:
Ayan update ako ngayon..
Please VOTE and FOLLOW me..
Para ganahan ako mag UPDATE..

THANK YOU SO MUCH 🙏💕

thanks po sa lahat na nagpapatuloy sa pagbabasa nito .. love lots po ❤😘

love, @NoeeLuvEnding )

My Ex. Boyfriend Is My Boss [BOOK TWO UNDER EDITING!!]Where stories live. Discover now