"Hayysss..
Sorry.. Kinakabahan lang talaga ako..
Baka ayaw nya ako makita or makausap.. Baka ipagtabuyan nya ako at talikuran.."
Sabi ko sa kanya at napayuko..

"So alam mo pala ang feeling ng ipagtabuyan at talikuran? So alam mo na yung mga pinagdaanan nya sayo..
So tiisin mo..
Ikaw naman gumawa eh.. Kung alam mo ano feeling nun, natural yun ang naramdaman nya ng ginawa mo yun sa kanya.."
Seryoso nyang sabi sakin kaya napatingin ako sa kanya..
Nakakatakot pala mag seryoso si Nicole..
Subrang lamig ng boses nakakakilabot..


"Kaya umayos ka .. Be Professional Jane.. Secretary kapa naman.. Dapat ang magagandang secretary na tulad natin ay Professional.. Hahaha Tara.."
Tsss..
Bumalik na naman sya sa dati..
Baliw ba ito?
Bilis mag bago ang mood eh..



Kaya umayos ako ng tayo at taas nood lumakad..
Pero habang palapit ng palapit sa opisina nya nagiging kuba ako alam nyo yun?
Basta ganon yun..


"Dyan ka muna sa mesa mo dati..
Papasok lang ako kakausapin ko muna sya.."
Sabi nito saka pumasok..
Kaya umupo ako doon sa table ko dati nung secretary nya ako..


Pero iba na yung mga naka lagay dito may mga picture pa siguro ito yung secretary nya ngayon medyo may edad na..
Buti nalang at hindi sya kumuha ng bata..

Umupo lang ako dito habang hinihintay si Nicole na lumabas..


_____

*Jayson POV*





Maaga ako pumasok ng Company dahil marami-rami pa akong tatapusin at kailangan ko matapos agad..



At dahil wala akong secretary ngayon  mas dinuble ko pa yung oras sa pagtatrabaho ko..
Hindi naman kasi talaga si Nicole pinalit ko sa secretary ko..
Actually pinagtitripan ko lang sya kahapon..

Ilang sandali may pumasok,,
At alam kong si Nicole lang yan dahil sya lang naman may ugaling Hindi kumakatok habang pumapasok dito sa opisina ko..


Hindi ko sya tinignan dahil tutok parin ako sa trabaho ko..


"Jayson..
May kailangan kaba? May itutulong ba ako?"
Malambing na tanong nya..
Kaya napatingin ako sa kanya parang nandiri kasi ako sa boses nya..

"Tssss..
Ikaw na nga tinatanong kung may ipapagawa ka! Ikaw pa may ganang sumimangot?"
Sabi nito saka umupo sa sofa..
Kaya napailing nalang ako..


"Wala naman..
May tinatapos lang ako..
Dahil wala akong secretary na katulong dito so double time ako sa work ko.."
Sagot ko sa kanya saka tinuon ulit tingin ko sa ginagawa ko..


"Akala ko ba ako secretary mo? Diba yung sinabi mo kahapon? Pinatimpla  mo pa ako ng kape mo.."
Sabi nito na mukhang nagtatampo..
Bakit?
Dahil sya secretary ko O pinatimpla ko sya ng kape?


"So gusto mo ba ikaw secretary ko? Ok lang.. Joke lang naman yun kahapon.. Pero kung gusto mo sige.."
Sabi ko sa kanya ng hindi ka man lang sya tinapunan ng tingin..


"Hahaha ito naman..
Ok lang kahit Hindi ako secretary mo no! Ano kaba Jayson.. Alam ko naman joke lang yun kahapon so nag joke lang din ako ngayon.. Hahaha"
Natatawang sabi nya saka tumayo at kinuha ang bag nya..
Kita mo to..


"Oh saan ka pupunta? "
Mukhang aalis na?
Kakarating palang nya ah?
Sus..
Ayaw nya lang may ipagawa ako sa kanya eh..

"Maghahanap ng secretary mo..
Hindi naman pwede iwanan kita jan..
Kailangan may katulong ka sa trabaho mo..
Hindi kasi ako pwede ngayon eh..
Baka sabihin ni tita hindi kita tinulungan.. Hoy pinagtimpla kita ng kape ah!!"
Sabi nito..
Saka lumabas ng opisina ko..
Napailing nalang ako sa mga ginagawa nya at sinasabi..



Maghahanap ng secretary?
Saan sya hahanap? Ng agad agad?
Loko-loko talaga yun kahit kailan..

Kaya tinuon ko nalang ang sarili ko sa aking trabaho..



Ilang sandali may kumatok..
At pumasok ito..


"Sir may secretary po kayo sabi ni Ma'am Nicole..
Nasa labas na po..
Sa secretary table na po sya..
Papadalhan ko nalang po kayo ng coffee sa kanya.."
Sabi nito saka lumabas..
Kaya napatingin ako sa gilid ko dahil salamin ito nakikita ko yung secretary ko mula dito kaso blurr lang yung salamin..
Kaya hindi ko parin kita yung mukha..


"So tinotoo nya ang paghahanap talaga ng secretary? Ano gagawin ko dyan? May secretary na ako at nakaleave lang ito.. Loko-loko ka talaga Nicole.."
Sabi ko nalang sakin sarili habang napatawa dahil sa ginawa nya..


Habang nag tatrabaho ako may biglang pumasok..
Hindi ko tinignan dahil alam ko ito yung bagong secretary ko raw..
At alam ko na yung secretary yan kasi naamoy ko na agad yung kape..

"S-sir kape nyo po.."
Sabi nito saka binaba yung kape sa gilid ng table ko..

T-teka,,,
Parang familiar yung boses??
Kaya agad ako nag taas ng ulo upang makita kung sya nga ba??
Pero pagkaangat ko sya nga!!

"J-jane.. "
Anong ginagawa nya dito??
Ito ba secretary na sinasabi nila??
Ito ba yung kinuha ni Nicole?!
Nako..

"NICOLE!!!!!!!!"

napasigaw nalang ako at sumandal sa upuan ko habang hinihilot ang sintido ng ulo ko..

.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
To be Continue..

(A/N.
Malapit na ito matapos.. Yeeheey..

thanks po sa lahat na nagpapatuloy sa pagbabasa nito .. love lots po ❤😘

please..VOTE & COMMENT..

Please FOLLOW me.. Thank You ❤❤

love, @NoeeLuvEnding )

My Ex. Boyfriend Is My Boss [BOOK TWO UNDER EDITING!!]Where stories live. Discover now