IHeartThisGuy's Short Story

Start from the beginning
                                    

Yung araw—naging linggo, — naging buwan hanggang sa mag-taon.

2013, third year na tayo. Sinabi mo sa akin lahat ng pangarap mo sa buhay. Sabi mo pa nga, gusto mo na tumira ako sa dreamhouse nating dalawa, yung simple lang para sa isang pamilya. Sabi mo pa nga sa akin, pag-graduate natin ay pakakasalan niya na raw ako. Natawa naman ako.

Maraming bumilib sa relasyon natin, paano ba naman kasi—Hindi naman tayo nag-aaway. Wala nga akong natatandaang nag-aaway kami, eh. Wala naman kasi akong nakikitang motibo para lokohin niya ako at ganoon din siya. Basta lagi kaming magkasundo sa mga bagay-bagay.

2014, graduating na tayo. Sinama mo ako sa vacation niyo ng family mo. Tayong dalawa lang sa kwarto ng hotel at noong pagkakataong iyon, naisip ko na baka tanungin mo na naman ako kung gusto ko na bang gawin nating dalawa 'yung bagay na hindi pa natin nagagawa. Ga-graduate na tayo at alam kong matagal mo ring hinihiling sa akin ang bagay na iyon.

Pumayag ako, pero sa kaakibat ng pagpayag ko ay mayroon akong kabang nararamdaman. Sabi ko sa sarili ko, kung kakayanin ko ba? Kung handa na ba ako?

Naramdaman mo 'yon kaya tinanong mo ako, sabi mo sa akin, "Okay lang sa akin kung hindi ka pa ready, pwede naman akong manuod na lang ng porn." Natawa ka pa nga nung sinabi mo iyon, pero may mas hindi ako makakalimutan na linya mo, "Sa banyo ako manunuod ng porn tas magsasarili na rin, para sa akin. Kung mahal mo ang isang tao dapat nirerespeto mo. At nirerespeto kita. Ipapangako ko sa sarili ko na kapag handa ka na, doon lang natin gagawin 'yon. I love you. Mahal ko."

Napa-iyak ako ng time na iyon, at sabi ko sa sarili ko. Napaka-swerte ko talaga sa 'yo.

Ilang buwan yung nakalipas, pansin ko na parang may nagbago. Medyo naging cold ka na kasi sa akin. Minsan pa nga, kapag tinatanong kita parang lumilipad pa yung isip mo. Pinapa-ulit mo yung tanong ko. May mga araw na hindi mo na ako napupuntahan sa bahay, may mga times din na hindi ka na nagte-text sa akin.

Hanggang sa tumapat yung graduation day. Ako 'yung unang ga-graduate sa ating dalawa, magkahiwalay kasi yung date ng graduation nating dalawa.

April 2015, graduation ko.

Graduation ko, inaasahan ko na makakasama kita, na papanuorin mo akong mag-speech sa PICC dahil sa karangalang natanggap ko, pero natapos na yung speech ko na hindi kita nakikita. Naisip ko naman na, "Ahh baka may surprise siya sa akin. Malay ko naman."

Pag-uwi ko sa bahay, kasama sila Mama. Hindi naman kita nadatnan sa labas na naghihintay kaya nagpasya ako na mag-text sayo. Kinamusta kita, at nong nagreply ka. Sabi mo, "I'm sorry, mahal. Kakagising ko lang. Sorry talaga. Papunta na ako." Naka-ilang text ka pa na puro "Sorry"

Hindi ko alam pero napa-iyak ako ng oras na iyon. Akala ko kasi hindi mo kakalimutan yung pinaka-espesyal na araw ko.

Graduation mo, sinama mo ako kasama ng pamilya mo pero hindi mo na ako pinapansin. Kapag tinatanong nila Tita kung kamusta na tayong dalawa, saka mo lang ako lalapitan. Ramdam kong malaki na talaga yung nagbago. Masaya na ako sa naabot mo dahil isa ka nang Engineer. Alam kong unti-unti mo nang natutupad yung pangarap mo.

Kinabukasan pagkatapos ng graduation mo. Paggising ko ang dami mong missed calls, kaya tinawagan agad kita. Sabi ko pa nga sa'yo "anong problema?" Nagtataka kasi ako dahil kapag marami siyang missed calls sa akin siguradong may problema siya.

Sorry ka lang ng sorry 'non. Wala kang ibang sinasabi kung hindi sorry kaya nagtaka na ako. "Ano ba talagang problema? May kasalanan ka ba?"

Sabi mo, "Gusto ko lang mag-sorry. Nagpapapansin." Natatawa ka pa sa kabilang linya pero alam kong umiiyak ka.

The Wattpad Filipino Block Party 2019Where stories live. Discover now