Chills and Thrills SEVEN: CASSETTE

72 4 0
                                    

HIGH school life, on my high school life

ev'ry memory, kay ganda

high school days, oh my high school days

are exciting, kay saya.

"Sharon..."

There are times, may problema ka

kung ang homework, left undone

pray ka lang, 'wag tawagin ka

upang 'di pagtawanan

"Sharon!!!"

"Ano? Kita mo naman sinasabayan ko ang kantang ito e!" Inis na wika ko kay Vilma pagkatapos niyang isigaw ang aking pangalan habang pinapakinggan ko ang kanta ng aking idolong si Sharon Cuneta sa isang junkshop. Nagpahinga muna kami ng saglit at nang umere ang isa sa mga kanta ni idol Sharon ay umupo muna ako at masaya ko itong pinakinggan.

"E paano kasi kanina pa kita tinatawag. Kaunti pa lang ang napupulot natin na mga plastic at bote," atungal niya.

Pinagmasdan ko ang hawak kong sako. Mangilan-ilan pa lang ang nakukuha namin plastic at mga bote. Medyo tirik na rin ang sikat ng araw. Marahil mangtatanghali na.

"O siya, lilipat tayo ng puwesto. Tapusin ko muna ang kanta ni Sharon ha?" nakangiting pakiusap ko. Subalit inirapan lang ako ni Vilma.

High school life, on my high school lifeev'ry memory, kay gandahigh school days, oh my high school daysare exciting, kay sayaHigh school...

"Ayan! Tapos na!" giit agad ni Vilma nang matapos na ang kanta. Eksaktong-eksakto talaga!

"Panira ka talaga! Palibhasa kasi 'yung ipinangalan sa'yo, hindi marunong kumanta," pabiro kong wika sa kanya.

"Pake ko! Mas maganda naman ako sa kanya," pabida niyang wika. Alam niyang si Vilma Santos ang tinutukoy ko.

Siya si Vilma at ako naman si Sharon. Parehong mula sa pangalan ng mga sikat na artista ang pangalan namin. Idolo kasi ng mga magulang namin sina Vilma Santos at Sharon Cuneta. Magkakabata kami ni Vilma. Pareho kasing mangangalakal ang aming mga magulang kaya heto mangangalakal din kami. Mana-mana lang ba. Pero sa totoo lang, medyo mas angat lang ako ng kaunti kay Vilma pagdating sa kaalaman. Huminto si Vilma ng pag-aaral pagkatapos ito sa Elementarya. Samantala ako, isang taon na lang bago magtapos sa sekundarya ay huminto ako kasi nagkasakit ang aking ama kaya tumigil ito sa pangangalakal. Naputol kasi ang dalawa niyang paa dahil diabetic ito. Kaya bilang panganay, tumulong na lang ako sa pangangalakal para matustusan din ang gamot ng aking ama.

"Vilma, daan tayo mamaya sa bayan. May titingnan lang ako doon," wika ko habang namumulot kami ng puwede pang pakinabangan.

"Sige pero ilibre mo ako ng pagkain," segunda niyang wika agad.

"Saka na lang kapag nabili ko na ang gusto ko."

"Ano ba ang bibilhin mo?" usisa niyang tanong.

"Secret!" nakangising wika ko.

"Bagong damit?" hula niya.

"Hindi!"

"Komiks?"

Umiling ako.

"Uhmm.. make-up?"

"Gaga! Hindi! Anong gagawin ko sa make-up? Mangangalakal lang ang trabaho natin," natatawang wika ko.

"Ano nga?!" pilit niyang wika.

============

"GRABE! Ang mahal naman ng gusto mong bilhin!" halos hindi makapaniwala si Vilma nang makita niya ang gusto kong bilhin sa bayan. Maski din ako ay nadismaya dahil wala akong ganoong sapat na halaga para bilhin ang bagay na gusto ko.

CHILLS and THRILLSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon