Chills and Thrills THREE: CASSANDRA

136 5 0
                                    

"PINATAY siya ni Cassandra! Kitang-kita ko ang ginawang pagpatay niya kay Tito Fabio!"

Heto ang paulit-ulit na sinasabi ni Althea habang kinukuhanan siya ng statement nang matagpuan si Fabio Mercado na naliligo ito sa sarili niyang dugo.  Bagamat may mga sugat si Althea ay nakuha niya itong magsumplong sa pinakamalapit na pulisya.

"Sino si Cassandra?" tanong ng isa sa mga pulis.

"A-Ate ko po siya," umiiyak na pag-amin ni Althea.

Mabibilis ang mga kamay ni Rocco Viernes sa pagtitipa nito sa kanyang laptop habang pinapakinggan niya ang mga statement ni Althea.

Ayon kay Althea ay nakita niya si Cassandra na may hawak na kutsilyo at mabilis na pinasok ang natutulog nilang tito na si Fabio Mercado. Saksi siya sa walang-awang pananaksak ng kanyang ate sa kanilang tiyuhin. Tinangka niya daw ito pigilan pero lalo daw nagalit si Cassandra at papatayin din daw siya kung makikialam siya. Dahil sa takot, ay mabilis siyang nagkulong sa kuwarto at sinigurado niyang hindi makakapasok doon si Cassandra. Napansin niya daw na lagi balisa ang kanyang ate sa mga nagdaang araw.

"Hindi kaya lulong sa droga ang ate mo?"

"Hindi po!" Mabilis na tanggi ni Althea sabay hagulgol nito.

"Nasaan na ang ate mo?" tanong ni PO3 Miko Soriano.

"H-Hindi ko po alam kung saan po siya nagpunta. Binalikan ko po si Tito Fabio at doon ko naabutan na naliligo na ito sa sarili niyang dugo," humahagulgol na wika ni Althea.

Mabilis nag-abot ng bottled water si Rocco para kahit paano ay mahimasmasan ang dalaga mula sa pagkakaiyak. Kung tutuusin ay mapalad si Althea dahil nakaligtas siya sa ganitong krimen. Ang tanging katanungan na bumabagabag sa kanila ay saan nagpunta si Cassandra pagkatapos niya mapatay si Fabio Mercado? At anong dahilan para patayin niya ang tito nila?

"Alas nuebe na pala," mahinang wika ni Rocco sa kanyang sarili sabay tingin ito sa wall clock ng kanilang opisina. Kung tutuusin ay hindi niya talaga ito trabaho dahil isa pa lang siyang intern student. Pero dahil parte sa kanyang on-job-training sa kanyang kurso na criminology  sa mga ganitong eksena ay siya ang pinili ni PO3 Miko Soriano na itala lahat ang mga binibigay na statement mula kay Althea.

"Viernes, bukas maaga kang magreport dito. Kailangan pa natin kuhanan ng statement si Miss Althea Mercado. Dadalhin pa namin siya sa hospital para ipasuri ang mga natamo niyang mga sugat," wika ni PO3 Miko.

"Yes Sir," masayang wika ni Rocco. Lihim siyang nagpapasalamat dahil makakauwi na siya.

Bago siya umuwi ay muli niyang pinagmasdan si Althea. Tila natrauma ito dahil hanggang ngayon ay nanginginig pa rin siya sa takot.

Kinabukasan, naabutan ni Rocco si PO3 Miko na abala ito sa kanyang laptop.

"Good morning Sir. Nasaan po pala si Althea?" pabungad niyang tanong.

"Iniwan namin siya sa hospital. Kailangan muna siya maconfine ng ilang araw dahil nanghihina pa ito. Nawalan kasi ng malay kagabi," aniya pero hindi man niya itong nakuha man tumingin kay Rocco.

"Ganun po ba Sir," wika rin Rocco.

"Rocco, kailangan natin malaman kung nasaan nagpunta at nagtatago itong si Cassandra Mercado. Although may lead na tayo kung sino ang pumatay sa kanilang tiyuhin ay dapat managot pa rin sa batas ang ate ni Althea," wika ni PO3 Miko.

"Puwede naman tayo ulit magtanong kay Althea,Sir. Marahil alam niya kung saan puwede magtago ang kanyang ate. Dahil sigurado po ako na kilala nila ang isa't-isa dahil magkapatid sila," turan ni Rocco.

Napangiti si PO3 Miko Soriano sa tinuran ng intern student.

"Sang-ayon ako sa sinabi mo Viernes. Dahil diyan, ikaw ang kukunin kong side kick sa kasong ito. Sabay natin lulutasin ang murder case ni Fabio Mercado," wika ni PO3 Miko.

CHILLS and THRILLSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon