Chills and Thrills SIX: THE GRUDGE OF GRIEF-STRICKEN

84 4 0
                                    

MINSAN DAW, ang dahilan kung bakit nagpaparamdam ang mga kaluluwa sa mga taong nabubuhay ay ang emosyon. Mga emosyon na hangad lang nila ay maiparating ang kanilang saloobin. Depende sa kanilang kakayahan kung paano nila ito iparating. Ang ganitong pananaw ay siyang naging karanasan ko na hindi ko malilimutan.

Nitong nagdaan mga araw ay tila naging parang kakaiba. Mga pangyayaring na may halong misteryong bumabalot na mahirap itong ipaliwanag. Close ako sa aking roommate na si Nadine. Halos lahat yata ng impormasyon sa buhay ko ay naibahagi ko na sa kanya. Siyempre kasama na doon ang buhay pag-ibig ko. Kung baga, mahilig kami talaga sa "bestie talks". Sa ngayon ay single si Nadine. Kakahiwalay niya din daw sa kanyang dating kasintahan dahil natuklasan niya na may iba pa daw siyang babae. Sa kagustuhan na maka-move on ay naibaling niya ang kanyang atensyon sa panonood ng mga horror movies. Weird ano? Pero mas okay na ito kaysa manood siya ng mga romance movies. 

At heto nga, sa tuwing nagkukuwento ako kay Nadine tungkol sa buhay pag-ibig ay parang may mga kakaibang nangyayari na hindi ko maipaliwanag dito sa loob ng aming kuwarto. Minsan nga, may nahuhulog na mga aklat mula sa aming durabox. Wala naman dahilan para mahulog iyon dahil wala naman malakas na hangin na siyang dahilan ng pagkalaglag ng mga aklat. Ang rason naman dito ni Nadine ay baka daw hindi maayos ang pagkakalagay ng mga aklat. Minsan, may naririnig akong kaluskos mula sa loob ng aking cabinet. At ang sabi naman ni Nadine ay baka ipis lang daw iyon. Hindi ko alam kung naprapraning ako dahil sa mga horror movies na pinapanood namin ni Nadine pero alam ko sa aking sarili na may kakaibang nangyayari na hindi ko kayang maipaliwanag.

"Sus bes, praning ka lang! Huwag ka na lang kaya manonood ng horror movies kasama ako. Mas tinatakot mo lang ang sarili mo," natatawang saad ni Nadine nang sinabi kong may parang mainit na hininga na bumulong sa akin habang nanonood kami ng horror movies ng gabing iyon.

"Seryoso ako, Nadine. Feeling ko may kasama tayong multo dito sa room na ito," medyo naiiyak na wika ko. Ewan ko, sabihin na ninyo na paranoid ako pero malakas ang pakiramdam ko na may kakaibang manifestation na nangyayari dito sa loob ng aming kuwarto.

"Chill lang bes, there is no something weird here. Huwag mong sabihin na naapektuhan ka na sa mga horror movies na pinapanood natin, you know naman heto ang way ko para makalimot sa ginawa sa akin ni James. Buti ka nga, happy ang lovelife mo," may pait na ngiting saad ni Nadine. 

Ngumiti na lang ako, ayoko na mag-isip ng mga bagay na nakakatakot. Siguro tama nga si Nadine, naapektuhan na ako sa mga horror movies na pinapanood namin. Panonood sa TV ang tangi naming libangan pagkatapos makauwi sa kanyang-kanya naming trabaho.

Alas-dies ng gabing nakauwi ako sa aming dormitory. Ginabi ako kasi kinakailangan ko mag-overtime dahil hindi pumasok ang aking reliever. Naulan pa noon at mabuti na lang hinatid ako ng aking boyfriend na si Kevin. 

Habang nasa labas kami ng gate ay nahagip ng aking mga mata na may babaeng sumisilip mula sa aming kuwarto. Nakadamit pantulog nito. Pero agad din nawala ito nang nagpaalam na si Kevin. Napailing na lang ako at napaisip na baka si Nadine iyon na gising pa at hinihintay niya ako na dumating.

Tama nga ako, gising pa si Nadine. At hulaan ninyo ang kanyang ginagawa? Nanonood na naman ng horror movies. Medyo nakakagulat din ang sound's effect kahit hindi ko pa ito napapanood. Pero kay Nadine ay parang musika lang ito sa kanyang pandinig. Ni hindi ko nga siya nakitang napaatras na gumalaw kung nagulat man ito or sumigaw man lang sa gulat.

"Bes, gusto mo itimplahan kita ng gatas?" tanong ko sa kanya. Heto kasi ang aming ginagawa bago matulog. Umiinom kami ng gatas para mabilis kami antukin.

Pero wala akong narinig na sagot mula sa kanya. Siyempre tutok na tutok siya kanyang panonood. Hindi man niya akong binati na dumating. Bumaba ako mula sa aming kuwarto. Dalawang palapag kasi ang aming dormitory. At sa ibaba ang aming kusina. Dala ko ang dalawang sachet ng gatas na lagi naming inistock sa aming kuwarto. Mabuti na lang may water dispenser kami kaya hindi ko na kailangan magpainit ng tubig. Habang abala ako sa pagtitimpla ng gatas ay parang may aninong dumaan sa aking likod. Kung hindi ako nagkakamali ay anino ng babae. Mabilis akong lumingon pero wala naman akong nakita. Imposible naman na ibang tenant iyon dahil alam ko halos estudyante ang iba pang nangungupahan dito at malamang halos dito ay tulog na. At imposible si Nadine iyon dahil abala ito sa kanyang panonood sa aming kuwarto. Medyo kinabahan ako dahil parang nagsitayuan ang aking mga balahibo. Mabilis akong pumanoog papunta sa aming kuwarto dala ang natimplang gatas para sa aming dalawa ni Nadine.

CHILLS and THRILLSNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ