Chapter 39

18K 369 20
                                    

Ate Candice's POV

What to do? What to do? Pano ba kasi nila nalamang totoong babae at hindi gay ang lumalaban ngayon. And undress?! They are insane! Aakyat na sana ako sa stage para hilahin sila pabalik ng backstage at hindi na makipagtalo. Talo na rin naman kami. Isang hubad lang nila kay Xandra ay bistado kagad kami.

"What if you're wrong?" Tanong ni Cliff. Naman Cliff! Wag mo ng pahabain ang usapan umalis na kayo! Wala na rin kayong magagawa! Gusto ko sanang isigaw kay Cliff yan.

"Then advance congratulations. You're the winner! But what if we're right? What will you do?"

"You can disqualify us or kick us out in this University. But I highly doubt that. Boys, undress her!" Utos ni Cliff. Shit! Nababaliw ka na ba Cliff. Alam mo naman babae talaga si Xandra bukod kela Jet na wala pang ka-alam-alam. Gusto ko sanang lumapit sa stage kaya lang hindi ko magawa sobrang sikip na. Masyadong nag-compressed yung mga tao at hindi ako makadaan.

Sakto naman na napatingin sakin si Cliff. Agad ko syang sinenyasan na wag ituloy ang binabalak niya. At ang gago. Kinindatan lang ako! Walangya! Isa-isa ng naglapitan sila Jet at ang iba para hubaran si Xandra. Inuna nilang tanggalin yung red bow tie nya. sunod naman ang leather top nya. Dahan-dahan nilang tinanggal ito. Bwisit! Sorry Xandra! Alam ko hindi na nya ako mapapatawad.

Natanggal na nila yung top ni Xandra at lahat ay nagulat sa nakita nila. Puta! Maski ako nagulat. Paanong?...

"Happy?" Mayabang na sabi ni Cliff sa judge. Hindi makasagot yung judge dahil na rin siguro sa pagkabigla.

"Or do you want me to proceed on taking his shorts off?" Cliff smugly said.

"Ahem. N-no. I'm sorry if I suspected you guys. Since, you proved us that his not a girl. Then, CONGRATULATIONS! You're section is the winner." Pagkasabi nung judge ay isang nakakabinging hiyawan ang narinig ko sa mga tao. Kahit ako ay nakikisigaw na rin. Pagka-alis nila sa stage ay pumunta kagad ako don. Nakita ko silang isa-isang nagtatawanan.

"Mga baliw kayo! Pinag-alala nyo ako." Sa sobrang inis ko ay hindi ko napigilang sakalin si Cliff.

"Ack! A-ate C-candice!" Angal ni Cliff.

"Tama na yan Ate Candice baka mamatay si Cliff. Hindi man lang nya natikman yung premyo." Natatawang sabi ni Xander. Opo. Si Xander. Yung lalaking Xander. Yung totoong Xander. Hindi ko alam kung pano nila napagpalit si Xandra at Xander habang nagpeperform. Pero sobrang galing nila. Hindi ko alam may mga utak din pala ang mga to.

My Perverted Gay Roommate!!Where stories live. Discover now