Unless... "This isn't about the reset of points, is it?"

Hindi siya sumagot. At mas lalo ko lang nakumpirma ang hinala ko. Finally, he meets my gaze. Parang may humila sa puso ko nang makita ko ang mga mata niya.

"Zairus, are you... are you jealous?" My breathing is now uneven. Hindi ko maipaliwanag ang bigat sa dibdib na nararamdaman ko. Hindi ko siya kaya makita na nasasaktan ng dahil sa akin. I can't bear to watch him break because of me.

"If I tell you I am, will you reconsider my feelings, Celestine?" taimtim niyang tanong. His eyes reflect hurt... and hope. "Because I am. I am jealous."

This is why I'm offended when he asked me if I thought this through. Because I did. It was hard but I've finally decided. These decisions weren't easy to make.

Especially when he's included.

"You don't need to be jealous," I tell him, trying to communicate with my eyes. "Ikaw ang pinili ko."

When I walked past him and grabbed Daimon's hand before, that's when I made my decision.

Daimon Clyde—I have made up my mind—is just a tool.


•—⊶◈⊷—•


Under normal circumstances, we would stay at the Academy until tomorrow Saturday. Pero napagpasyahan ni Teacher Sparks na umuwi nalang muna kami sa kanya-kanya naming pamilya buong weekend considering what happened to Luna and its aftermath.

"Salamat talaga, Zairus, Celestine," sabi ng mama ni Luna. "Malaki ang pasasalamat ko sa inyo at hindi niyo pinababayaan itong si Luna."

Malugod akong ngumiti. "Natural lang naman po 'yon, Tita. Alam niyo namang malakas sa akin 'yang anak niyo."

Nginitian rin ako ni Tita at kapansin-pansin ang ganda niya. Kagaya ni Mama ay pareho silang payat at kung hindi titignan ng mabuti ay mukha pang mga dalaga. Pero mas mukhang bata si Tita kumpara sa Mama ko. Walang duda na sa kanya namana ni Luna ang ganda ng best friend ko.

"Mauna na rin po kami, Tita," sabi ni Zairus.

"Naku, oo nga at gabi na. Mag-ingat kayo sa daan."

"Opo. Halika na, Celestine."

Nauna na maglakad si Zairus pero saglit akong nanatili sa kinatatayuan ko. "Kumain muna ng gabihan, Luna, ha," sermon ko sa best friend ko na mapungay pa ang mga mata at natawa lang siya. "Tulog ka ng tulog hindi ka na nagsawa."

"Oo na. Umuwi na rin kayo agad ni Zairus. Mamaya kung saan pa kayo magliwaliw diyan. Mahiya naman sa kapitbahay."

Agad na nagsalubong ang kilay ko at ramdam ko ang pag-init ng mukha ko. Nagmadaling pumasok sa loob ng bahay si Luna, natatawa sa ginawang pagtakas sa akin.

Napa-iling nalang ako sa kalokohan niya. "Sige po, Tita. Una na po ako."

Nagsimula na akong maglakad pero napatigil ako nang biglang magsalita si Tita. "Celestine," tawag niya. Paglingon ko ay hindi maikakaila ang pag-iba ng ekspresyon niya. "Sana ay hindi magbago ang pakikitungo mo sa anak ko."

Hindi ko maintindihan kung bakit parang balisa si Tita kaya nagkunwari nalang ako na hindi 'yon napapansin. "Makakaasa po kayo sa akin."

Mabilis lang rin kami nakauwi ni Zairus dahil hindi naman ganoon kalayo ang bahay nila Luna sa amin. We stop briefly in front of our gate and I suddenly remember the night of his confession—when he told me he loves me and that he's not my brother. It was here. Right here at this exact location.

Immortal CityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon