"Gabi gabi ko ito iniisip..
tuwing gabi naiiyak ako kung
paano at papano ko sasabihin sa kanya?? Hindi ko nga magawang sabihin ang totoo kay Jayson na sya ang tunay na Daddy ni Jm.. Sa kanya pa kaya?? Ang hirap Mike.. Ang hirap.."
Patuloy pa nya na naluluha..
Kaya niyakap ko nalang sya..

Kahit ako hindi ko rin alam..
Nahihirapan narin ako..
Lalo na kung sasabihin mo na ang totoo..
Mawawala kana sakin at si JM..
Mahal na mahal ko kayong dalawa..

Ilang sandali matapos nyang umiyak hinatid ko sya sa kwarto nya..

"Magpahinga kana muna..
Wag kana muna mag isip ng kung ano ano.. Okay??" Sabi ko sa kanya at hinalikan sya sa noo..


Bago ako lumabas ng tuluyan sa kwarto nya sinulyapan ko muli sya..
Nakapikit na sya..
Halatang kulang sa tulog dahil nakatulog ito agad pagkatapos umiyak..


Tumalikod nako at saka sinira yung pinto..
Napasandal ako sa pinto nya nang makalabas ako ng kwarto nya..

'Ibabalik naba kita at ang anak mo kay Jayson??
Bigyan mo ako ng dahilan Jane para sumuko na..
Please..
Kahit ako nahihirapan na rin..'
Tanong ko sa aking sarili..
Saka pumasok narin sa aking kwarto..


>end of flashback<

Kaya ayun pati ako..
Napapaisip narin kung papano namin sasabihin sa Daddy nya..
Dahil sabi ko sa kanya tutulungan ko sya..


Maghapon lang kame kakalaro doon ng mapagod mapapahinga ng kunti..
Nang gusto nya ulit mag laro sinabi ko sa kanya na sya na muna susunod nalang ako..

Habang pinagmamasdan ko sya..
Ang saya nya..
Parang walang problema..

Parang gusto ko tuloy bumalik sa pagkabata..
Yung wala kang poproblemahin..

Ang poproblemahin mo lang sa buhay kung bata ka e'kung may gusto ka pwede mo na agad bilhin ito gaya ng laruan o pagkain..

Pero ngayon na malaki kana pag may gusto ka hindi mo mabibili kahit anong gawin mo hindi mo kaya..
Dahil hindi naman nabibili ng pera ang pagmamahal at yung taong gusto mo..


Ilang sandali bumalik sa pwesto ko si JM na nakasimangot..

"I hate Tito Jayson..
I thought he's my friend.. Why he isn't here Daddy? Gusto ko na po syang makalaro po.."
Malungkot na sabi nya sakin at tumabi sakin umupo..

"As I told you..
Baka busy sya sa work nya bby,, why don't you play with other kids?"
Nakangiting sabi ko sa kanya..


"I don't like to play with other kids.. Daddy I want to play with Tito Jayson.."
Nakapout pang sabi nito sakin..
Hayysss.

"Ako nalang bby,,
Tayo nalang maglalaro?? Ok lang ba??" Nakangiting sabi ko sa kanya..

"But I thought you're tired Dad??
It is okay?"
Nakapuppy eyes pa ito..
Paano naman ako makakatanggi sa ganyang bata..

"Oo naman bby,, Tara.. "
Yaya ko sa kanya at hinawakan sya sa kamay..

______


Nang dumidilim na niyaya ko na umuwi si Jm..
Mabuti naman at pumayag..
Paano hindi? E'kiniliti ko sya..
So ayun napapayag rin..


Habang palabas kami ng park napatiuna sakin si Jm..
So hinayaan ko nalang ito kasi alam ko naman sa kotse naman sya diretso eh..

Kaya kinapa kapa ko yung susi sa bulsa ko..
Nang makuha ko na ito agad akong dumiretso sa kotse pero wala parin doon si Jm..

Kaya lumingon lingon ako..
Nasaan kaya sya??

Paglingon ko nakita ko sya parang tumatakbo??
T-teka..
Lalabas na sya ng kalsada??

Parang huminto yung paligid ko..
At napahugot ako ng malalim na hininga..
Dali dali ako tumakbo para maabotan sya..
Hindi pwede..


Habang tumatakbo ako..
Biglang nag flashbacks lahat ng mga panahon na kasama ko sya..
Nung baby pa sya hanggang sa lumaki at tinawag akong Daddy..
Hindi ko namalayan napaluha nako kakatakbo..

Ang huli ko nalang narinig ay..
Isang malakas na sigaw..


"ANG BATA.. JUSKO.. TULONG..
YUNG BATA.. TUMAWAG KAYO NG AMBULANCE.. DALI.."


Huli na ko..
Hindi ko sya na protektahan..

Agad ako lumapit sa mga taong nagkukumpulan..

Nakita ko naman agad si Jm..
Puno ng dugo yung damit..
Kaya napapikit ako ng mariin..
Hindi ko kaya ang nakikita ko..
Parang nawawasak ang puso ko..
Parang kanina lang ang saya namin naglalaro pa..

Kasalanan ko to..
Kung hindi sana..
Kung hindi ko sya sana binitawan..
Hindi to mangyayari..
Kasalanan ko to..
Ang g*go kong Ama..

Bigla ako napaluhod sa harap nya na umiiyak..
Wala akong pake sa iisipin ng tao..
Hinawakan ko ang kamay nya kaya napadilat pa ito ng kunti..

"D-da-dd-y..." Yun lang ang tangi nyang nasabi at nawalan na ng malay..

Hindi pwede..
Hindi to pwede..

"Baby, gising please..
Maglalaro pa tayo ulit diba?
Mamamasyal pa tayo ulit..
Baby please.. Idilat mo mga mata mo..
Andito na si Daddy..
Please baby.." Umiiyak kong sabi habang hinahaplos yung mukha nya..

"Baby,,
Please stay with us.." Yun lang tangi ko nasabi at umiyak na ng umiyak..
Nadudurog ang puso ko..

Ilang sandali at dumating yung ambulance at kinuha si Jm..
Agad naman akong sumama para makita ang kalagayan nya..

"Promise baby,,
Ibabalik kita sa tunay na mong Daddy.. Basta stay with us ha?? "
Kausap ko sa kanya habang hawak yung mga kamay nya..

.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
To be Continue..

(A/N:
Update ako ulit oh ..
Nakakaiyak..

thanks po sa patuloy na nagbabasa nito ..love lots po!

please..  VOTE & COMMENT..

Please FOLLOW me.. Thank You ❤❤

love,     @NoeeLuvEnding )

My Ex. Boyfriend Is My Boss [BOOK TWO UNDER EDITING!!]Where stories live. Discover now