Nasa kwarto pala kame ng anak ko kasama ko sya nag lalaro habang ako ito tinitignan lang sya..


Habang tinitignan ko sya..
Diko maiwasan hindi maisip ang ama nya..
Paano naman kasi magkamukha talaga sila..


Sabi nila
Diko alam kung totoo..
Na Sa inyong dalawa kung sino mas malaki yung pag mamahal magiging kamukha nya yung anak nyo..


Yun ang naririnig ko..
Sinasabi nila,,
"Mahal na mahal mo siguro yung tatay nya no?? Magkamukha siguro sila dahil walang nakuha sayo.. Siguro bibig at mata sayo pero sa lahat wala eh.." Yan lagi sinasabi nila sakin..
Wala naman masama maniwala diba??


Kaya siguro kamukha sya ng ama nya kasi mahal na mahal ko naman talaga yung ama nya hanggang ngayon mahal na mahal ko sya ..


Bigla itong napatingin sakin at lumapit..


"Mom.. K-kailan po ulit tayo papasyal sa p-park??" Nahihiyang sabi sakin ng anak ko..
Nagulat naman ako kasi pinipilit nya ang kanyang sarili mag salita ng tagalog..


"Wow.. Ang bby ko nagsasalita na ng tagalog.. Hmmm" Sabi ko sa kanya habang kinarga ko sya at pinaupo sa kandungan ko kinalikan ko pa ito sa pisngi nya..


"Tito Jayson told me na g-gusto nya po ako magsalita n-ng t-tagalog kasi andito po ako sa pilipinas and he told me that he agree to be my friend p-pag nag s-salita po ako ng t-tagalog.. mom.." Sabi nito sakin..
Wow..
Napilit sya ni Jayson?? Awww..
Mukhang nagkakalapit sila ng loob ng anak ko ah..


"Mom.. You still not answer my question.. Hmmp" Medyo nagtatampong sabi nya sakin..


"Ohh?? Ano ba yun bby?" Tanong ko ulit sa kanya..
Diko kasi napansin kasi tutok ako sa pagsasalita ng anak ko..


"As I said,,
When we go park to the park?..
I want to play again with tito Jayson.. Mom?? Please??.." Sabi nya naman..


Ngek.. Akala ko ba magtatagalog na sya?? Mukhang di pa sanay anak ko ah..


"Sige pupunta tayong park..
Pero diko alam kung andun sya anak,, Papasyal nalang tayo doon tsaka uwi tayo agad ha?? Kasi baka hanapin tayo ni Lolo mo at Daddy Mike mo.." Paliwanag ko sa kanya..
Tumango naman sya..


"Sige,, go to your yaya and tell her change your clothes kasi papasyal tayo.. Go.." Sabi ko sa kanya..
Agad naman syang lumabas sa kwarto nya..
Oo kwarto nya..
Nasa kwarto nya kame ngayon..


Gusto ko sana ako nalang mag bihis sa kanya kaso magbibihis rin ako..
Kaya lumabas nako ng kwarto nya at pumasok sa kwarto ko..


Nagbihis lang ako ng simpleng jeans at shirts..
At lumabas na rin..


Bumaba nako ng bahay para sa sala ko nalang hintayin yung anak ko..


Ilang sandali
Nakita kong pababa na ang anak ko kaya tumayo nako para salubongin sya..

"Ready?" Tanong ko sa anak ko at hinawakan na yung kamay nya..

"Yes mom.. " Masayang sagot nito sakin..


Hinarap ko yung yaya nya alam na nya siguro na dito lang sya at kame lang aalis kasi tumango lang ito at pinagbuksan kame ng pinto..

Habang nasa byahe kame..
Lagi sinasabi ng anak ko sana andun raw si Tito Jayson nya..

Gusto ko sabihin sa kanya Daddy mo sya anak sya ang totoo mong Ama kaso diko magawa..
Dipa ito ang oras..

Hindi ko rin maiwasan at ipagdasal na sana andun nga si Jayson para kahit papano maging buo kame ulit..

Ilang minuto nakarating kame agad sa park..


Agad agad namang lumabas yung anak ko at patakbong pumunta sa loob..

Napailing nalang ako habang nakangiti..
Gusto nya talaga makita si Jayson..
Siguro napalapit na talaga ito sa kanya..
O dala ba ito ng lukso ng dugo??
Hayyy.. Ewan..


Kaya bumaba narin ako at sinundan yung anak ko..
Nakita ko sya agad..nakaupo sa bench..
Lingon ng lingon na parang may hinahanap??

Hayss..
Di naman kasi yun araw araw nandito..
Wala naman sya pupuntahan dito eh..
Umasa pa naman ang anak ko na makikita sya rito..


Naalala ko Nung tinanong ko sya kung bakit sya andito nun sinabi nyang napadaan lang..
kasi galing sya ng opisina pauwi na rin raw sya naisipan nyang magpahangin lang kaya ayun nagkita kame rito..

Kaya nilapitan ko yung anak ko at tumabi sa kanya..


"Anak hindi mo naman kailangan hintayin si t-tito jayson mo eh.." Sabi ko sa kanya habang hinahaplos yung buhok nya..

Tumingin ako sa paligid Madame ng tao..
Matao na yung park..

"Tignan mo sila oh anak.." Tinuro ko yung mga bata..


"Lumapit ka sa kanila at makipaglaro anak,, hindi naman kasi sa iisang tao lang umiikot yung mundo mo.." Patuloy ko sa sinasabi ko kaya napatingin sakin yun anak ko..

"What are you saying mom?" Nagtatakang tanong nya kaya umiling nalang ako..

"And Tito Jayson said that he'll meet me here.. We'll play again here.." Sabi nito sakin at nag cross arm pa..
Nako mana talaga sya sa ama nya..
Gayang gaya kung pano magtampo eh..

Ilang minuto lang eh nakaramdam ako na tinatawag ako ng kalikasan

"Anak dito ka muna ha?? Wag ka aalis..
Mag CCR lang ako..dyan ka lang.." Sabi ko sa anak ko at dali dali pumunta ng CR..



Nang matapos ako eh binalikan ko agad yung anak ko kaso wala na sya doon sa pinag iwanan ko sa kanya..

Lumingon lingon ako baka nakipaglaro lang sa ibang bata kaso wala talaga akong makitang JM sa paligid..

Medyo natataranta nako..
Naluluha nako..
Hindi ko makita ang anak ko..
Wala talaga sya sa paningin ko kahit anong ikot ko sa buong park..
Wala yung anak ko..
Wala..

Bahala na kung ano maging tingin sakin ng mga tao pero kailangan ko gawin ito..


Huminga ako ng malalim at

"JAYSON MARKKKK!!!! ASAN KA ANAK KO??!! JAYSON MARKKKKK!!!.."

Buong lakas kong sigaw..
Wala akong pake kung pinagtitinginan nako basta mahanap ko ang anak ko..

"JAYSON MARK!!! ANAK!!" Sigaw ko ulit..


"Mom.. You don't have to shout with my whole name Mom.." Sabi nito habang papalapit sakin..


May kasama sya
Or should I say may hinihila sya papunta sa direksyon ko..


Nanlaki ang mata ko    0___0

Sh*t narinig nya ba buong pangalan ng anak ko??


"J-jayson.. " Yun lang yung tanging lumabas sa bibig ko at napaupo ako sa damuhan..

Nanghihina yung mga tuhod ko dahil siguro sa kaba at panay takbo ko kanina..

Hayyysss..
Napabuntong hininga ako ng malalim at napatingin sa kanila ng papalapit sakin..
Seryoso yung mukha ni Jayson..
Kaya napayoko nalang ako..

.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
To be Continue..

(A/N:
Ayan Update ako ulit.. ^___^

Ginagahan kasi ako mag sulat ngayon.. Hay ewan..

thanks pala sa patuloy na nagbabasa nito ha? love lots po!

Please!! Please..  VOTE & COMMENT..

Please Follow me.. Thank You ❤❤

love,  @NoeeLuvEnding )

My Ex. Boyfriend Is My Boss [BOOK TWO UNDER EDITING!!]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon