Be Happy

61 9 3
                                        

MAYARI'S POV

Napakasaya ng gabing ito.

Nasa harapan ko ang lalaking pinakamamahal ko sa buhay ko, lahat ng mata ay nakatingin sa aming dalawa, hindi mapaglagyan ang tuwa sa puso ko.

Hindi nawala ang ngiti namin sa isa't isa at batid kong gano'n din ang mga taong nanonood sa aming dalawa.

"Are you happy?" nakangiting tanong nya.

"I am super happy!" natutuwa talagang tugon ko at bahagya pa syang natawa.

"I love you, my princess." bulong nya habang nakatingin nang deretso sa mga mata ko.

Nakangiti ko naman syang niyakap, "I love you too."

Nang maghiwalay kami ng yakap ay muli ko syang tiningnan, may namumuong luha sa kanyang mga mata na ikinabahala ko.

"I'm okay.." wala pa man akong sinasabi ay pinangunahan na nya ako.

"You remember her?" mahinang bulong ko, mapait na ngiti ang itinugon nya sa akin kasabay ng pagbagsak ng kaniyang mga balikat.

I'm sorry.

-FLASHBACK

AUSTIN'S POV

Nandito ako ngayon sa rooftop, kasama ang babaeng pinakamamahal ko. Nanginginig ang mga kamay ko nang ialok ko ito sa kanya.

"P-pwede ba kitang isayaw, love?" nanghihina ngunit nakangiti kong tanong.

Matamis ang ngiting inabot nya sa akin ang mga kamay nya, inalalayan ko naman syang tumayo. Hindi ko masyadong naramdaman ang bigat ng timbang nya sa mga kamay kong nakaalalay sa pagtayo nya.

"Anong pakulo ba 'to?" nakangiting tanong nya bago ilibot ang paningin sa paligid, "Nakakahiya, may mga taong nakatingin."

"Gusto ko lang sulitin ang gabing ito, habang bilog ang napakagandang buwan." Sabi ko at sabay naming tiningala 'yon.

"Pwede na ba kitang isayaw?" baling ko sakanya ngunit nanatili siyang nakatingala sa buwan.

"Naalala mo yung pangako mo sa akin?" maya-maya ay tanong nya nang hindi ako nililingon.

Nangunot ang aking noo.

Marami akong pangako sa'yo mahal ko.

Bahagya akong natawa sa naisip ko, "Alin ba doon?" malumanay kong tanong, doon lamang niya ibinaling sa akin ang paningin niya.

"Sabi mo, dadalhin mo 'ko sa buwan." matamis ang ngiting tugon nya. Saglit akong natigilan at inalala yun, at nang maalala ko nga na pinangako ko yun ay napangiti ako nang malaki sa kanya.

"Tutuparin ko yun! Kailan mo ba gusto? Gusto mo bukas agad eh." natatawang biro ko.

Sa halip na tumugon ay humarap sya sa akin, "Nasan ang kanta?" nakangiting tanong nya.

"H-ha?" nalilitong tanong ko pero agad ding nakabawi nang ilagay nya ang mga kamay nya sa magkabilang balikat ko. "Ah oo sandali." sabi ko at nilingon ang kaibigan kong nakatayo sa tabi ng speaker at sinenyasan syang magpatugtog na.

Agad kong inilagay ang mga kamay ko sa bewang nya at nakangiting tumingin sa kanya habang hinihintay ang kanta.

Lift your head,
baby, don't be scared
Of the things that could go wrong along the way
You'll get by with a smile
You can't win at everything but you can try 🎶

Take Her to the Moon For Me (One Shot)Stories to obsess over. Discover now