"Nasaan si Rhianne?" tanong ko ulit.

"Bago ko sagutin 'yan.. ayaw mo bang malaman ang lahat ng nagawa ko?" tanong niya.

Tinaasan ko lang siya ng kilay. Tinawanan niya ako.

"Nakakatawa kayong panoorin nina Maxwell," sabi niya. "Mukha kayong mga tanga."

"NASAAN SI RHIANNE?" inis kong sigaw.

"Masyadong kang nagmamadali."

Sisigaw nanaman sana ako nang biglang may tumusok sa batok ko. Umikot bigla ang paningin ko. Unti-unting lumalabo ang paligid.

"Bakit mo ba siya tinatawag na 'Rhianne'? Hindi naman Rhianne ang pangalan niya. Pareho naman kaming Shane," rinig kong sabi ni Shane.

Tumingin ako sa likod ko. May lalaki. Hindi ko na makita ang itsura nya dahil biglang nagdilim.

~~~~~~~

"Louisse?"

"Louisse gumising ka!"

"Louisse!"

Pagdilat ko ay nakita ko ang langit. Patay na ba ako?

"Louisse!" Napatingin ako sa gilid ko.

"M-Maxwell," sabi ko. "Ian."

"Kinabahan ako," sabi niya. "Akala ko may nangyari nang masama sayo. Kanina pa kita hinahanap."

"Anong nangyari?" tanong ni Ian. Umupo ako at napahawak sa batok ko. May nakatusok parin. Pagtanggal ko ay isa itong maliit na injection.

"M-May n-nagtusok sa akin nito," mahina kong sabi. "Kausap ko kanina si S-Shane."

"Ha? Anong sabi?" galit na tanong ni Maxwell.

"Tinatanong ko kung nasaan si Rhianne pero hindi niya nasagot kasi may nagtusok nga sa akin nito," sabi ko. Nagkatinginan silang dalawa ni Ian.

"Actually may nakuhang papel si Ian sa bahay nung umuwi siya kanina," sabi ni Maxwell.

"Pinapapunta tayo sa address na 'to," pinakita sa akin ni Ian yung papel. "Nandoon daw ang hinahanap naten."

Tinignan ko yung address. Alam ko kung saan ito.

"Malayo 'to," sabi ko. "I mean, malayo 'to sa city. Liblib na lugar 'to."

"Alam namin," sabi ni Maxwell. "Pero nandoon si Rhianne. Kailangan nating pumunta."

"Paano kung patibong lang pala 'to?" tanong ko. Natahimik siya. Kitang kita sa mga mata niya na gustong gusto niya nang pumunta doon at makita si Rhianne.

Pumikit ako ng madiin bago dumilat.

"Sige, pupunta tayo," sabi ko. Ngumiti si Maxwell bago tumayo.

"Tara na," sabi niya.

"Teka," sabi ni Ian. "Wala man lang tayong dadalhing baril o kutsilyo o kahit ano?"

=x=x=x THIRD PERSON'S POV x=x=x=

"Shane!" hinihingal na sabi ng batang babaeng kulay brown ang buhok. Halos palagi nang magkasama ang dalawang batang ito. Magbestfriend kung magturingan.

"Bakit Rhianne?" matipid na tanong nito habang nakatingin parin sa librong hawak niya. Hanggang ngayon iniisip parin niya kung bakit tinatawag niyang Rhianne ito kahit Shane rin naman ang pangalan niya.

"May aampon sayo!" masayang sabi nito. Nagtaka si Shane.

"Sa akin?" tanong niya. Gulat na gulat siya. Sinong gustong umampon sa tulad niya?

Naalala niya ang kwento tungkol sa mga magulang niya. Namatay daw ang tatay niya sa sunog. Tapos ang nanay niya ay namatay dahil ssa panganganak. Sinong gustong umampon sa boring at malas na tulad niya?

"Aampunin siya?" rinig niyang sabi ng ibang mga bata.

"Akala ko yung isang Shane na yung aampunin. Mas masayahin yung isang Shane. Dapat yung isang Shane nalang ang inampon," rinig naman niyang bulong ng isang katulong sa ampunan. Napatingin siya kay Rhianne na nakangiti. Siya ang isa pang Shane. Siya ang masayahin na Shane. Siya ang paborito ng lahat.

Matagal niya nang kinaiinggitan ang batang ito. Namuo bigla ang galit. Porket ba mas mabait at masayahin siya ay siya lang ang may karapatan na ampunin? Porket ba malungkutin at malas ako ay hindi na ako dapat inaampon?

"Shane?" napatingin siya sa madreng lumapit sa kanya. "May gustong umampon sayo. Gusto ka nilang makausap."

May babae at lalaking mukhang mayaman ang lumapit sa kanya.

"Hello. Ako si Jaspher Cortes. At ito si Tifany Cortes. Ang mga magiging magulang mo," nakangiti nitong sabi.

"Anong gusto mong maging pangalan?" tanong ng babae.

Tumingin ito sa kaibigan niyang si Rhianne. Naalala niya ang sinabi nito sa kanya noon, na Rhianne nalang ang itawag sa kanya dahil parehas sila ng pangalan. Naalala niya na gustong gusto nito ang pangalan na Rhianne.

"Rhianne nalang po ang gawin niyong pangalan ko," sabi nito sa dalawa.

"Okay. Rhianne Mari Isabela Cortes nalang ang pangalan mo!" masayang sabi ng babae.

Tumingin si Shane sa kaibigan niyang si Rhianne. Nakasimangot na ito at mukhang iiyak.

"Ninakaw mo ang pangalan ko Shane," sabi nito.

"Ninakaw? Hindi naman talaga Rhianne ang pangalan mo diba? Shane rin naman pangalan mo diba? Ako ang naunang inampon. Kaya ako ang mauuna sa pangalang Rhianne. Shane nalang ulit pangalan mo ha?"

_____________________________________________________________________________

Magiging malinaw din ang lahat promise XD

Happy ending o sad ending? :3

-Onneechan #Engkantada

Special Section 2 (Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon