Chapter 5 - Isabel, Lucas and Miranda

298K 8.4K 1.7K
                                    

A/N

Grumaduate nako!!! *kaway kaway* Asahan ang maayos na updates ko :D pero maikli muna ang update today :)

-Onneechan

____________________________________________________________________

=x=x=x MAXWELL x=x=x=

"Once upon a time. Meron isang babae na sobrang ganda. Lahat nahuhumaling sa kanya. Siya si Isabel. Maraming nangliligaw sa kanya ngunit isang lalaki lang ang mahal niya, si Lucas. Naging magkasintahan sila. Masaya sila hanggang sa dumating si Miranda. Matagal nang may pagtingin si Miranda kay Lucas at matagal naring may inggit na nararamdaman si Miranda kay Isabel. Isang mangkukulam si Miranda at dahil sa sobrang inggit na namuo sa puso niya, ginayuma niya si Lucas. Iniwan ni Lucas si Isabel at nagpakasal kay Miranda. Sa sobrang lungkot na naramdaman ni Isabel ay nagbigti siya sa malaking puno malapit sa malalim na bangin na nakatabi ng bahay nila Miranda at Lucas."

Sinarado na ni Prof yung hawak niyang notebook.

"'Yan ang summary ng play naten. Mahaba pa 'yan. Be ready. 6 months tayong magpapractice."

"Nakakatakot naman po niyan Prof." sabi ng isa kong kaklase na si Chloe.

Ako, tahimik lang. Napaka-impossible ng mga pangyayari. Di kapani-paniwala. Di ako naniniwala sa mga kulam.

"Syempre, it was written by one of your classmates." 

"Sino po Prof.?"

"Well she chose not to tell you guys." kumuha ng chalk si Prof. "Anyways...."

Nagdiscuss ulit siya nang nagdiscuss. Habang ako.. may ibang iniisip.

Yung sinabi sa amin ni Detective Joan kahapon sa Starbecks.

*FLASHBACK*

"Guys, remember nung time na pumunta tayo sa room ni Rhianne?" pagkadating na pagkadating palang ni Detective Joan ay nagsalita na kagad siya. May nilabas siyang coupon sa bag niya. "May nakita akong ganitong ticket sa study table ni Rhianne. Ticket ito sa isang night club."

Napakunot ang noo ko. Bakit magkakaroon ng ticket sa isang night club si Rhianne?

"Paano naman po nagkaroon ng ganyan si Rhianne?" nagtatakang tanong ni Louisse. "Baka.... Jusko.... Baka nagtatrabaho siya doon."

"I doubt it. Pinuntahan ko yung night club na ito. Pinakita ko sa kanila ang picture ni Rhianne at sabi nila, isang beses lang daw nila nakita si Rhianne. Noong una, mag-isa lang daw siya. Tapos may dumating daw na babae at nag-usap daw sila." sabi ni Detective Joan.

"Ano daw itsura ng babae?" tanong ko.

"Hindi na daw nila namukhaan. Nakaharang daw yung buhok sa mukha eh." sabi ni Detective Joan.

"May tinatago kaya saten si Rhianne?"

*END OF FLASHBACK*

Pinipilit kong alalahanin kung may nabanggit ba sa akin si Rhianne noon. Wala siyang sinabi sa akin na napunta pala siya sa mga ganung lugar.

Ano ba ang tinatago mo Rhianne?

_________________________________________________________

Special Section 2 (Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon