Chapter 21

14.4K 423 10
                                    

"Nasaan ang daddy niyo anak?" Tanong niya sa dalawa na tutok na tutok sa TV habang Nanonood ng cartoons.

"Umalis na po Mommy." Sagot ni Arcken

Napakunot noo siya dahil saturday ngayon at alam niyang wala itong pasok sa trabaho at sa halip ay mas gusto nitong manatili sa bahay and spending time with her and their children.

Bigla ay napapa-isip siya kung saan ito maaring pumunta.

"Sinabi niya ba kung saan siya pupunta?" Tanong niya sa mga bata.

Nilingon siya ni cindy habang umiling.

"Hindi po mommy, sabi lang po ni daddy pag magising daw po kayo nasa mesa lang ang food niyo."

Napabuntong hininga siya dahil alas onse na ng tanghali siya nagising.

"Sino ba naman kasi ang hindi tatanghaliin ng gising kung alasais kana ng umaga tantanan? jusko." Saad ng isip niya.

Napakagat labi siya dahil parang ramdam niya parin ang pag ankin sa kanya ni aiken.

"Kumain naba kayo?" Tanong niya sa dalawa dahil baka kung saan pa mapunta ang malikot niyang utak.

"Yes mom!" Sabay na tugon ng dalawa.

"Hindi ba sinabi ng daddy niyo kung anong oras siya uuwi?"

Umiling naman ang dalawa bilang tugon kaya napa buntong hininga na lang siya saka tinungo ang kusina dahil nag rereklamo na ang tiyan niya sa gutom.

Nang matapos na siyang kumain ay sinilip niya ulit ang mga bata saka siya bumalik sa kuwarto upang humiga ulit dahil pakiramdam niya ay subrang nabogbog ang katawan niya sa kapaguran kaya tinatamad siyang gumalaw.

Malalim siyang humugot ng hangin makalipas ang isang oras habang pabaling baling siya sa kama dahil gusto niyang matulog ulit pero madamot sa kanya ang antok kaya inis siyang bumangon at lumabas na lang sa kuwarto dahil baka mas lalo pa siyang mabuwesit.

"Anak gusto niyo ba na mag mall tayo?" Tanong niya sa dalawa na busy parin sa pinapanood nilang doraimon.

Exited naman na tumango ang  dalawa saka tumakbo palapit sa kanya.

"Yes mommy! Mommy gusto ko ng new toys!" sabi ni Arcken.

"Okay tara ligo na muna kayo para fresh." Nakangiting turan niya sa dalawa.

Sinubukan niyang tawagan si aiken pero nag re-ring lang ang cellphone nito at hindi sinasagot kaya nag message na lang siya dito na aalis sila ng mga bata bago sila lumabas ng bahay.

"Wow!" Manghang usal ng dalawa dahil sa nakikita nila sa paligid ng dumating sila sa mall.

"Ang ganda at big din!" Sabi ni cindy

"Let's go." Aya niya sa dalawa bago sila pumasok sa intrada ng MOA.

"Wow bakit ang laki dito Mommy? tapos doon sa atin ang liit lang." Usisa ni Cindy.

"Maliit lang kasi ang lugar natin doon anak, hindi kagaya dito sa Manila." Paliwanag niya.

"Mommy!" Tawag sa kanya ni Arcken. "Si daddy oh!" saka nito tinuro ang nasa ground floor kung saan naka upo si Aiken habang may kausap itong babae.

Kinagat niya ang ibabang labi at sunod sunod na huminga ng malalim dahil sumasakit ang lalamunan niya kasabay ng kirot sa kanyang puso ng makilala kung sino ang kausap ni Aiken.

Mariin niyang kinuyom ang kamay dahil sa nag hahalong nararamdaman sa mga oras na iyon na mahirap ipaliwanag lalo na sa nakikita niyang eksena sa harapan niya at sa batang kandong ni aiken na tila mahigit isang taong gulang na.

His Deceiving Way: Aiken GandyWhere stories live. Discover now