"Tss!" ani Chance na hindi ko na pinansin. "Teban tol. Mamaya na yang yosi! Tara na."

Nag taxi nga kami,pagdating sa Megamall ay dumiretso kami sa groundfloor,sa may timezone. Ang daming ka edad namin na nakatayo at naka upo sa hagdanan. Napansin ko pa yung isa na may hawak na papel at ballpen na pinapapirma ata bawat isa.

"Join kayo sa amin?" sabi ng isang babae at lumapit. Mataba ito pero cute.

"Networking?" sabay na sabi ni Chance at Karissa.

"Nope,text clan kami. GEB namin ngayon. BloodLines Resurrection o BLR ang name ng clan namin. 8years na kami." nakangiting sabi nito.

"8 years? Ang tatag." ani Teban. Ang astig naman,uso pa pala ang Clan ngayon?

"Yup. At yung baklang naka yellow na yun na wagas humalakhak,yun ang founder namin. Si Tzekai." sabi pa nung babae,sabay kaming lahat napatingin sa tinuro nya. "Nagreformat kami eh,pero last 2012 umabot kami ng 500 members,ngayon back to zero,nasa 30+ na lang kami."

WOW! As in wow! Nakakapagod mag GM sa ganon karaming members ah?

Pero teka,Tzekai pangalan nung founder? Parang pamilyar? Parang nabasa o nadinig ko na dati? Oh well,madami na siguro gumagamit ng ganong pangalan ngayon.

"Pag isipan ko teh,pero akin na number mo." ani ko at nitype nito ang number nya sa phone ko.

"San kayo after ng meet up?" ang pagsingit ni Khaim. Pag sumali sya,sasali talagag ako.

"Its either Padis Araneta or Padis Boni lang,by the way,Im Gaeblerette."

(AN/ EXISTING CLAN YAN! CLAN KO YAN HAHAHA! SA MGA ALAM NUMBER KO SA GLOBE,PWEDE KAYO MAG JOIN, NAGAMIT KO NA DIN IYAN DATI SA "INLOVE WITH YOU."

Nagpaka busy kami sa Timezone,dahil wala akong pera,libre pa din nila ako,nakakahiya man pero wala akong magagawa.

"Tara na,Padis Araneta na tayo,umalis na sina Gaeblerette." ani Teban ng nagpapahinga na kami.

Alam kong inuman yon,natatakot na ako uminom. Last time na inom ko pinagtripan ako ng mga dati kong tropang beks,sina Filipa,Payatola at Ar-ar nga. Mula nun,sinumpa ko na ang alak.

Sumakay kami ng MRT,rush hour ba naman kaya sobrang siksikan. Nasa likod ko si Khaim at nararamdaman ko ang pagbangga ng anis nya sa pwit ko,infairness hard sya.

Sina Karissa at Aiko pina upo,kase babae daw. Ang unfair lang diba? At sina Teban at Chance,kung magkwentuhan kala mo sila lang ang pasahero ng MRT,juicecolored,paano pa pag nakainom na ang dalawa?

"Okay ka lang ba?" bulong ni Khaim sa tenga ko,naamoy ko tuloy ang mabango nyang hininga,gusto kong tumili sa sobrang kilig.

"Okay lang naman." ang sagot ko na nagpipigil ng kilig.

Ang Bastos sa Kanto! (boyxboy) - COMPLETED!Where stories live. Discover now