BSK tri :3

66.4K 1.4K 190
                                    

Nakaka stress talaga! Parang nalupaypay ang ganda ko! Tungunu nun ni Chance! Lakas mang bwisit! Kung may matres lang ako lumuwa na siguro!

Paano ba naman,diba sumama sya sa akin kahapon ng hindi ko alam? Syempre hanggang sa bahay ay dinala ko sya. Akala nina Mama at Papa boyfriend ko ang gago,at kung hindi pa naman sya impakto,sinabi ba namang ako daw ang nanliligaw sa kanya!

Tapos feeling close pa sa akin nung nasa kwarto kami,lahat ata ng gamit ko pinuna nya! Sa inis ko,dinala ko sya sa One Mercedez Plaza. Tuwang tuwa ang timawa mukhang mongoloid lang.

At ang pinaka malupit eh nagpahatid ang gunggong. Okay na sana,kaso nilakad lang namin mula San Miguel hanggang kapasigan! Kung hindi ba naman napudpod ang tsinelas ko!

Kaya ayun,pinagmumura ko ang gago bago ako sumakay ng trycicle sa may kanto para umuwi. Last na nya yon! Hindi na ako magpapa uto sa kanya.

At ito nga,nasa Rizal High na ako at nakapila sa gate,ang arte lang,kailangan talaga icheck bawat pumapasok kung may patches ang polo ng lalaki,kung naka necktie ang babae,kung may kulay ang buhok,kung may hikaw ang lalaki o kung mahaba ang buhok ng lalaki. Kapikon! Hindi naman ganito dati.

Nang makapasok ako ay sa harapan ako ng Main building pumasok,ayaw kong makipag sabayan sa hagdanan sa left wing.

Nang makarating ako sa last floor,lawit na ang dila ko. Magpepitisyon talaga ako na palagyan ng elevator ang Main building! Kawawa ang mga gaya ko eh!

"Meron ka Kiji?" agad na lapit ni Teban,dahil badtrip at absent minded ako,hindi ko nagets.

"Adik ka? Kailan pa niregla ang sirena?" sagot kong ganyan na ikinatawa ng mga classmates namin. Sige,tawa pa more!

"Hindi iyon! Yosi ang ibig kong sabihin! Hindi ako pinagbilhan sa katarungan kanina eh." aniya at sumunod sa akin sa upuan ko.

"Ay! Yun ba? Hindi ako nakabili. May bwesita ako kahapon eh." sabi ko naman at tumingin sa pintuan. Ang tagal ng Chance na iyon ah? Gusto ko na syang ratratin eh! Nang malaman nyang hindi lang si Gloc9 ang parang armalite sa bilis.

"Teka nga,bakit hindi ka na sumasama kina Felipa?" ani Teban,gwapo tong mokong na to,hiphop lang kaya hindi ko type,saka okay lang na friends kami,nilalandi naman nya ako minsan.

"Ayoko ng sumama sa mga baklang yon. Naaadik ako sa kakasama sa kanila kaya ako bumagsak." sagot ko naman.

"Grabe naman kasi mga baklang yon. Hindi mo aakalain na members sila ng frat."

Nagkwentuhan pa kami ni Teban hanggang sa dumating ang first subject teacher namin,pero hindi pa din dumadating si Chance,nag cutting classes siguro ang bastos na yon. Kailangan ko pang makuha sa kanya ang cp nya para mabura ko yung picture namin sa Cr.

Dahil hindi dumating si Chance ay tumabi sa akin si Teban. Pabulong kaming nagkekwentuhan habang nagdidiscuss ang teacher sa harapan.

"Kayong dalawa dyan ! Cristeban at Kiji! Get out of my class! Kakausapin ko kayo mamaya para sa punishment nyo!" sigaw sa amin ng teacher. Wala kaming nagawa ni Teban kundi ang lumabas.

"Dito tayo sa may hagdan." ani Teban,pumunta kami sa may hagdan yung malapit sa rooftop. Naupo kami at nagulat ako na naglabas sya ng Pipa at lighter.

"Hoy gago! Dito talaga? Mangangamoy ka! Pati ako! Dun ka sa rooftop!" nanlalaki ang mga matang sita ko dito.

"Ay! Oo nga pala,hintayin mo ako dyan." aniya at nagtungo sa rooftop. Ako naman ay nag fruit ninja muna sa phone ko. Nang bumalik si Teban ay pangisi ngisi na at mapungay na ang mga mata.

Tumabi sya sa akin,pinabayaan ko lang sya dahil busy ako sa paglalaro.

"Tang ina! Sex trip ako Kiji!" aniya. Nag exit ako sa game at binalik ko sa bulsa ang phone saka ko sya nilingon.

Ang Bastos sa Kanto! (boyxboy) - COMPLETED!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon