BSK twenti seben :3

50.4K 1.2K 137
                                    

Rated SPG

"Oy?! Oy?! San kayo pupunta?!" ang pagharang sa amin ni Karissa. Pagkatapos na last dance at aminan ay agad akong hinila ni Chance paalis sa dancefloor.

"Magse-celebrate ng Valentines?" sagot ni Chance at ngumisi. Ako naman ay parang lutang pa din dahil sa mga nangyari.

"Hayaan mo na,pero bago yun. Mag group selfie muna tayo." sabi naman ni Aiko at nag group selfie nga kami.

Pagkatapos nun ay namalayan ko na lang na nasa trycicle na kami pauwi. Tiningnan ko ang oras at malapit na pala mag alas onse.

"Chance?" pagpukaw ko kay Chance na hawak pa din ang kanang kamay ko. Sobrang sarap lang sa pakiramdam,ang hirap ipaliwanag.

"Bukas na tayo mag usap at magtanungan. Ang importante ay magawa natin ang dapat nating gawin." aniya na seryoso. Parang bigla akong nangatog,sa hangin ba o dahil alam ko ang ibig niyang sabihin at na excite ako?

"Ano bang gagawin natin ha? Ang dami mong alam." sabi kong ganyan. Nilingon niya ako,pati si manong driver ay saglit na napatingin.

"Talaga Kiji? Hindi mo alam? Sige,sasakyan ko kainosentihan mo. Humanda ka." nanliit ang mga mata ni Chance kaya nataranta agad ako.

"Ito naman?! Hindi na mabiro! Ano na? Ready na ako! Simulan na natin. Dito na,now na!" sabi kong ganyan. Nagulat na lang ako ng humagalpak ng tawa si Chance,hinapit ako lalo palapit sa kanya at bumulong.

"Isa siguro yang kabaliwan mo sa rason kung bakit kita minahal. I love you Kiji." sabay halik sa noo ko.

Napangiti ako at hindi ko.na mapigilan ang kilig. Yung puso ko eh wala ng humpay sa pagtambol ng malakas which is sobrang nagugustuhan ko na. Kasi ngayon alam ko na kung bakit ganon chumariwap ang puso ko,dahil kay Chance.

"Hmmnn bolero." pabulong ko ding sabi. "Ano na? Matagal pa ba?"

"Kuya sa tabi lang." biglang pagpara ni Chance. Wow! Nandito na pala kami sa tapat ng Batis hindi ko man lang namalayan.

Pagkatapos makapag bayad ay hinila niya agad ako papunta sa bahay. Nagulat pa ako na may susi siya.

Ano ito? Sinabotahe ako ng mga magulang ko? How dare them! Binenta nila ako.

"May susi ka? Astig ah?" sabi ko. Nilingon ako ni Chance at nginisihan.

"Ganon sila ka boto sa akin,Kiji. Huwag ka ng pumalag at taken ka na. Mag iinarte ka pa eh."

"Ang dami mo agad sinabi? Tara na sa loob!" sabi ko.na lang at nauna na akong pumasok.

"Tulog na sila. Dun na lang tayo sa kwarto." aniya. Tumango na lamang ako at nauna aa kwarto.

"Pikit" aniya ng bubuksan ko na ang ilaw. Tinakpan niya ang mga mata ko ng mga kamay niya. "Hakbang,pag sinabi kong upo,umupo.ka."

"Ano na naman to Chance?" ang kinakabahan kong tanong dahil baka nagtitrip na naman siya.

"Sumunod ka na lang. Hindi ka na pwedeng mag inarte sa akin." aniya habang dahan dahan kaming humahakbang. "Upo."

At umupo nga ako.

"Bibitayin na ba ako?" ang tanong ko na naman.

"Huwag kang didilat. Kukutusan talaga kita." sabi niya kaya nanatili akong nakapikit kahit tinanggal na niya ang mga kamay niya.

Biglang kumulo ang tyan ko at narinig kong humagikgik si Chance.

"Hinahagikhik mo dyan? Konti lang nakain ko kanina sa Prom eh!" ang agad kong depensa kahit wala naman siyang sinasabi.

Ang Bastos sa Kanto! (boyxboy) - COMPLETED!Donde viven las historias. Descúbrelo ahora