Christmas pt.4

17.8K 542 17
                                    

An/ pasensya,naging busy lang po. Happy new year and belated merry Christmas,naghihintay po ako sa promise mo hahaha!

Maikli Lang bawat chapter,may is a o dalawang chapter pa at abangan niyo na lamang ang book four after ng book3 nina Air at Koiji.

Maraming salamat po sa inyong lahat!

----

Nang maka uwi na si Jiko ay excited akong naghintay sa labas ng bahay. Ngunit napawi ang aking ngiti ng bumaba na sila sa taxi. Itinulak ni Papa ang wheelchair,ng makalapit sila ay agad nagsalubong ang mga kilay ni Jiko.

"Ma,Pa. Anong ginagawa niya dito?" Agad na tanong nito. Nagkatinginan sina Mama at Papa,gusto ko magsalita pero hindi ko alam ang aking sasabihin.

"Ahm,anak. Kasi ano,magka--"

"Lumayas ako sa amin! Pumasok akong boy niyo dito!" Ang pamumutol ko sa sasabihin ni Mama.

"Bakit niyo tinanggap? Hindi tayo mayaman! Wala tayong papasweldo sa kanya. At saka aalipustahin lang ako niyan!" Galit na sabi ni Jiko,napabuntong hininga ako. Nagsisimula pa lang pero parang ang hirap na,ganito pala talaga siya kagalit sa akin noon.

"Anak,ang away niyo ni Chance dati ay matagal ng tapos,ilang taon na ang nakakalipas." Ang pagsali ni Papa sa usapan.

"Uhm,Ma,Pa. Pabayaan niyo na lang po,babalik din siya sa dati. Magtulungan lang tayo." Nagsalubong ang mga kilay ni Jiko dahil sa narinig sa akin. "Tayo na po sa loob,nakahanda na ang lahat."

Tumalikod na ako at unang pumasok sa loob ng bahay. Kompleto ang tropa,kami ang nagluto para sa welcome party na ito. Tiningnan ko siya,gusto ko siyang pagsilbihan.

"Sino ang dalawang bata na iyon,Pa?" Dinig kong tanong ni Jiko matapos siyang salubungin at yakapin ng tropa.

"Si Chad,anak ni Chance. At si Ioji ang bunso mong kapatid."

Bigla na lamang tumulo ang mga luha niya,parang biglang mag pumiga sa puso ko.

"Nakaka inis,bakit ba kasi ako nagka amnesia. Ang hirap na hindi ko naaalala ang nakalipas na limang taon."

"Uhm,Jiko. Huwag kang mag alala,tutulungan ka namin." Ang hindi ko mapigilang sabi.

"Jiko? Teka! Ano ba talaga ang papel mo dito?"

"Uhm,excuse me! Mas mabuti siguro kung kumain muna tayo bago kayo mag chikahan?" Ang pag singit ni Aiko at sumang ayon sina Mama at Papa.

Nang kumakain na ay sinusubuan ni Mama si Jiko,gusto ko sana ako ang gumawa nun para sa kanya. Masaya silang nagkekwentuhan,nung mga panahon iyon na matindi pa ang alitan namin ni Jiko.

Kinagabihan ay hindi na ako mapakali,dahil sa iisang kwarto lang naman kami natutulog.

"Boy ka dito,pero bakit ka nasa kwarto ko? Dun ka Kay Chad. Baka kung anong kagaguhan ang gawin mo, bastos ka pa naman."

Hayst! Kahit naka wheelchair and maldita pa din ni Jiko.

"Sa lapag naman ako matutulog,para mabantayan ka."

"Alam mo naguguluhan na talaga ako sayong bastos ka! Bakit bigla kang nagka ganyan?" Inis na sabi niya ng ihiga ko siya sa kama. Napangiti ako,atleast para ko na din siyang nayakap,namiss ko ito.

"Hindi ako nagbago,Jiko."

"Isa pa yan! Kiji ang pangalan ko, Hindi Jiko! Bakit mo ako tinatawag na Jiko? Animal ka!" Inis niyang sabi na ikinatawa ko.

Jiko,kung Hindi ka makuha sa paglalambing,dadaanin ulit kita sa dating Chance.

I smiled.

"Bakit Jiko? Its a secret,it's for me to know,it's for you to find out."

Ang Bastos sa Kanto! (boyxboy) - COMPLETED!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon