"Eclipse! Ang ganda ng name!" puri ko.

"Oo nga! Tignan mo may Korean na member, oh! Ang sabi nagtraining daw ito sa Korea noon tapos di napili don sa nagdebut na girl group kaya umuwi rito," kwento ni Chiara

"Talaga? Ang swerte niya pa rin pala!"

Most of the students in our school instantly became a fan of Eclipse. Dalawang kanta pa lang ang nilalabas nila ay marami na silang naging fans, most are teenagers.

Sa kasagsagan ng kasikatan nila ay isa-isang lumabas ang mga mapanirang usap-usapan. The group's leader was involved in an adultery case with an actor from a neighboring agency. Sumunod doon ang drug use ng isa pang member. They tried to revive the group by terminating the contracts of the two members but the public didn't seem to like it. Eclipse's image was tainted. Nalungkot kami ni Chiara roon dahil gusto talaga namin sila bilang isang grupo.

"Naging mas mahirap ang casting at trainings. They will dig your past kung kinakailangan and I heard you weren't allowed to be active in social media after debuting," sabi ni Teacher Maricel.

"Marami rin pong trainees ang sumuko dahil sa mga striktong rules."

I know how hard it will be kaya hinahanda ko ang sarili ko mentally. Alam kong suportado ako rito ng pamilya ko at malaking tulong iyon.

"Nandito na pala ang mga makakasama mo"

May dalawang babaeng pumasok. Ang isa ay naka-pink na t-shirt at itim na pantalon. Her hair is tied in a ponytail at may suot din siyang salamin. The other looks timid, maikli lang ang ash blonde na buhok. Her chinita eyes is looking at me.

"Welcome!" bati ni Teacher Maricel. "Ziana meet, Eugene Kim and May Chua."

Eugene, the girl in pink, offered me her hand. Inabot ko iyon para makipagkamayan.

"Nice to meet you! I'm Ziana."

Ngumiti siya at bumitaw na. I expect her to say "nice to meet you too" pa naman. But it's okay. Sunod Kong binalingan ang kasama niya.

"Zia!"

"M-May!" agad siyang nakipag-shakehands.

"Eugene is Korean and May is Chinese. Actually, balak din mag-audition nitong si Ziana sa Aspire" sabi ni Teacher Maricel. Nabigla ako roon at napatingin sa dalawa.

"We can debut together!" maligaya kong sinabi. Imagine how cool it will be kung sabay-sabay kaming magdi-debut sa isang grupo!

Eugene frowned, "Hindi naman sigurado yon."

Pansin ko ang masamang tingin niya habang nilalabas ang kanyang mga gamit. Mukha yatang may pinanghuhugutan siya ng sama ng loob. Siya ang unang nagpractice, she sang Never Enough from the movie The Greatest Showman.

"Ang galing niya," bulong namin ni May sa isa't-isa whenever Eugene hits the notes. Pumalakpak kami nang matapos siya.

Mukha siyang hiningal doon. Teacher Maricel started writing notes.

"I think you shouldn't audition with that song."

Nabigla kaming tatlo doon habang nanatiling poker faced ang guro namin. She explained why Eugene shouldn't sing that.

"Familiar naman kayo sa mga Korean groups hindi ba? They sing and dance at the same time. Iilan lang sa kanila ang nananatiling stable ang boses lalo na kapag mahirap ang choreography." she looked at Eugene sternly. "You're good pero halatang pinipilit mo lang ang sarili mo sa kantang yan. Pick another song."

Sumunod naman si May. Bumalik si Eugene sa upuan at nagbrowse ng kanta sa kanyang phone. Nilapitan ko siya ng konti pero di niya ako pinansin. While listening to May, nakita ko ang pamimili ni Eugene.

Pink SkiesWhere stories live. Discover now