Akala ko tulog na siya, hindi pa pala.

Ito yung sinasabi ni Khariza e, yung pagiging mapaglambing ni boss sa akin. Hindi naman kami talaga sweet, sadyang kumportable lang kami sa isa't-isa lalo na si Yeonjun. Alam ko naman na dapat hindi kami naghahawak kamay ng ganito at hindi siya ganito umakto pagdating sa akin, kaso lang, hindi ko siya matiis e.

Kasi, hindi niya naipapakita yung side niya na ganito sa ibang tao, tanging sa akin lang kaya pinapabayaan ko nalang siya. Ayan tuloy, ang tingin ng iba sa amin ang sweet namin. Jusmiyo, bakit ba ang mamalisyoso't malisyosa ng mga tao ngayon?

Mga mai-issue!

Maya-maya, nakita ko na ang paglalim ng paghinga niya, senyales na nakatulog na nga siya. Unti-unti akong bumitaw sa pagkakahawak niya sa akin saka tumayo, iihi muna ako, naiihi na ako e.

Naglakad ako palabas ng dressing room saka dumiretso sa cr. Pumasok ako sa isang cubicle doon tsaka doon inilabas ang lahat ng sama ng loob, charot. Ihi ko lang yun.

Pagkatapos kong umihi ay lumabas na ako, sumalubong sa akin si Samantha na nakaharap sa salamin. Nang makita niya ako ay agad siyang humarap sa akin habang matalim ang tingin. Binaliwala ko lang yun at lalampasan na sana siya nang magsalita siya.

“You.” Aniya gamit ang madiin na boses.

Lumungon-lingon ako sa paligid para makumpirma na ako nga yun at nang wala akong makita ay humarap ako sa kaniya.

“Yes?” Tanong ko sa kaniya habang nakataas ang isang kilay at sinasalubong ang matalim niyang tingin.

“What's going on between you and Yeonjun?” Tanong niya. Napairap nalang ako sa tining ng boses niya.

“Wala, boss ko siya at personal assistant niya ako slash manager. Ano namang problema mo?”

“Boss at personal assistant huh? Kung boss mo siya at personal assistant ka niya, ilugar mo ang sarili mo.”

“Teka? Anong bang pinupunto mo?”

“My point is, stop flirting him.” Nag-cross arm pa siya sa harap ko

“Ako? Nilalandi siya? Bakit kaya hindi ka magpa-kunsulta sa doktor at ipatingin yang mga mata mo? Baka kasi nakikita mo ang repleksyon mo. FYI, hindi ko siya nilalandi, hindi ako kagaya mo kaya wag mo akong itulad sayo. Boss ko siya at ginagawa ko lang ang trabaho ko bilang personal assistant niya, ano naman ang panlalandi doon? Nakita mo ba kaming naghalikan ha? Huwag mo akong sasabihang nilalandi ko siya, dahil sa ating dalawa, ikaw ang totoong malandi.” Sabi ko sa kaniya habang sinasabayan ang talim ng tingin niya.

Nagngitngit nama ang mga ngipin niya at handa na sana akong sampalin nang pigilan ko siya.

“Pikon ka pala e. Ikaw na nga tong nanguna na insultuhin ako ikaw pa ang may ganang manampal.” Nginisihan ko siya. “Malandi na nga, weak pa.” Padabog kong binitawan ang kamay niya.

“How dare you to say such things like that to me! Remember this! You are just an assistant and I am a superstar, mas mataas ako sayo kaya dapat ginagalang mo ako at hindi mo dapat ako sinasabihan ng ganiyan! Utusan ka lang dito, tagapag-bantay ng alaga mo. Hindi kasama sa pinapasahod sayo ang landiin siya. O baka naman, kaya mo nilalandi si Yeonjun para makakuha ng pera sa kaniya. Gold digger!” Akusa niya sa akin.

“Gold digger?! Ang kapal din ng mukha mo e no? Hoy! Para sabihin ko sayo, kahit maghirap ako at walang makain, hindi ako manlalandi ng ibang tao para makahanap lang ng pera! At isa pa, kayang-kaya ko namang mabuhay nang wala si Yeonjun sa buhay ko no! Panghuli! Wala akong pakialam kung superstar ka at utusan lang ako dito, kayang-kaya kitang iumpog sa pader na yan para malaman mo ang katotohanang hinding-hindi ka magugustuhan ni Yeonjun!” Sigaw ko sa kaniya habang nakaturo sa pader na nasa gilid niya.

“And do you think that Yeonjun will like you?! Look at you,” Tinignan niya pa ako mula ulo hanggang paa naparang nandidiri. “You look like something I drew with my left hand, Yumi. So dream on, wag masiyadong mataas ang pangarap.” Siya naman ngayon ang ngumisi sa akin.

Ako naman ngayon ang tumingin sa kabuuan niya, sexy nga siya, maganda pero ang ugali naman, pambasura! Ang sarap niyang ibalik sa Canada kasama ng mga kapwa niya basura!

“May sinabi ba akong magugustuhan ako ni boss? Conclude ka ng conclude kahit wala naman akong sinabi. Baliw ka ba? Alam mo, Samantha, kung confident ka na mapupunta sayo si Yeonjun, bakit parang natatakot ka sa akin? Threat ba ako para sayo? Ha?” Panghahamon ko sa kaniya.

“O-Of course not!” Depensa niya kaagad.

“Edi wag kang matakot sa akin. Hinding-hindi ko naman lalandiin si Yeonjun, katulad ng ginagawa mo. Wala akong talent sa panlalandi hindi kagaya mo na nang umulan yata ng kalandian sa mundo nandun at nagsi-swimming ka pa sa baha.” Sabi ko saka inilapit ang mukha sa tenga niya. “At Samantha, If I look like something you drew with your left hand, well, mukha ka namang bagay na made in China, may class nga, wala namang quality.” Yun lang ang sinabi ko at nginisihan muna siya bago lumabas ng cr.

Kinuyom ko ang kamao ko saka pumikit, huminga ako ng malalim para pakalmahin ang sarili ko. Buti nakapag-pigil pa ako kanina kung hindi, matagal na akong naiskandalo dahil baka tinupad ko yung sinabi ko na iuntog siya sa pader. Nakakabanas siya, nakakapang-gigil. Ang kapal naman ng mukha niyang sabihan ako ng malandi e, siya nga tong harapan kung lumandi. Bwiset! Argh!

Sinugurado ko munang kalmado na ako bago ako bumalik sa dressing room. Pagbalik ko doon, narinig ko nalang ang pag-sisigaw ni Yeonjun.

“Innah! Innah!” Sigaw niya saka pabaling baling ang ulo at pawis na pawis.

Agad ko siyang nilapitan at ginising pero hindi siya magising. Naiiyak na ako habang nakatingin sa kaniya dahil panay tulo ang luha sa gilid ng mga mata niya habang nakapikit.

Hinawakan ko ang kamay niya saka hinagod-hagod ang buhok niya katulad ng ginawa ko sa kaniya noon. At salamat naman ay kumalma na siya.

“Boss, ano bang nangyayari sayo? Umalis lang ako saglit, nagkaganito ka na.” Bulong ko kasabay ang pagtakas ng luha sa mata ko.

Naaawa ako sa sitwasyon niya. Bakit ba lagi siyang dinadalaw ng mga masasakit na alaala galing sa nakaraan niya? Bakit? Nakikita ko kung paano siya nagiging miserable dahil doon at sa araw-araw ay gusto ko siyang yakapin dahil doon.

Hinigpitan ko ang pagkakahawak ko sa kamay niya saka pinunasan ang luha ko sa pisngi.

Nakita ko siyang dumilat at lalo akong naiyak dahil kasabay ng pagdilat niya ay paghulog ng panibagong luha sa mga mata niya.

“Kaya nga sabi ko wag kang aalis sa tabi ko di ba?” Aniya.

“I'm sorry, boss.” Sabi ko habang pinupunasan ang luha sa mata ko.

Hindi siya nagsalita at nagulat ako nang ngumiti siya sa akin.

“Bakit ka pa ngumingiti diyan?! Umiiyak na nga ako e!” Reklamo ko sa kaniya habang tinitignan siya ng masama.

“Sabi mo huwag kong hahayaan ang sarili ko na hadlangan ng mga problema ko at ngumiti lang.”

“E kasi e! Naalala mo pa yun?” Parang batang sabi ko.

Tumango naman siya.

“And besides, psychology says that, smiling is the best way to face every problem, to crush every fear and to hide tiredness.” Pagkasabi niya non, nawala ang ngiti sa labi niya at nakita ko na naman ang emosyong ayaw kong makita sa mga mata niya.

Lungkot at pagod.

“I'm smiling for you, Yumi, because I don't want you to see me being tired of my life.” Sabi niya, nagtaka ako nung inilapit niya ang daliri niya sa labi ko at ang nakangiwi kong labi ay ginawa niyang ngiti. “And I don't want to fade that smile in your lips because of me. I love your smile, Yumi. You wanna know why?”

“B-Bakit?” Wala sa sariling naitanong ko.

“Because in your smile, I see something more beautiful than the stars.”

Mister Superstar ll Choi Yeonjun ✔️Where stories live. Discover now