Chapter 15: Killer's daughter

1.7K 25 0
                                    

"Ate natatakot po ako..." sabi ni Dondon habang nakayakap sa akin.

"Shh... hindi ka papabayaan ni ate." sabi ko habang humahagulgol.

Nagulat ako nang biglang bumukas ulit ang kuryente.

Tumambad sa amin ang hingal na hingal na si Czeous.

"Czeous!" banggit ko sa pangalan nya. Tumakbo ako papalapit sa kanya at niyakap sya ng mahigpit.

"Nasaktan ka ba? nasaktan ba kayo ni Dondon?" nag aalala nyang tanong.

Umiling ako, "N-nakapatay ako, w-wala akong choice. papatayin nya kami." pagpapaliwanag ko.

"Shh, wala kang kasalanan. I'm so sorry, baby. Pati ikaw nadadamay pa." sambit nya.

Alas singko na ng umaga pero hindi pa rin ako dinadapuan ng antok. Hindi pa rin mawala sa isip ko yung nangyari kanina.

Yung bangkay ng lalaki ay pinakuha ni Czeous sa mga tauhan nya.

"Hindi ka pa rin natutulog?" biglang tanong ni Czeous.

Umiling ako, "Hindi ako makatulog." sagot ko.

"Wag ka nang matakot, may mga bodyguard na sa baba." hinalikan nya ang noo ko.

"Bakit ang daming nagtatangkang pumatay sa akin? may ginawa ka bang masama sa kanila para magalit sila nang ganon ganon na lang? Pangalawang beses nang nangyayari 'to, Czeous. Baka sa susunod patayin na talaga nila ako at baka si Dondon madamay pa." naiiyak kong sambit.

"Poprotektahan ko kayo, kahit buhay ko pa ang kapalit." sabi nya.

"By the way, nagkikita pa ba kayo ng papa mo?" bigla nyang tanong.

Umiling ako, "Sinabi ko naman sayong iniwan nya kami, bata pa lang ako non." sagot ko.

"Kung mabibigyan ka ba ng pagkakataon na makita sya, gugustuhin mo ba?" tanong nya sa akin.

"Hindi. Ayoko na syang makita kahit kailan. Pinagpalit nya kami sa babae nya. Sabagay, wala naman kaming magagawa dahil kabit lang ang mama ko kaya sumama sya sa tunay nyang asawa. Wag na nga nating pag usapan 'yan, nakalimutan ko na nga kung anong itsura nya. 5 years old lang ako non, wala na akong maalala." bumuntong hininga ako. Malaki ang galit ko kay papa dahil sa ginawa nya sa amin.

"Sino ang tatay ni Dondon kung ganon?"

"Hindi ko alam kay mama, nasa probinsya daw yon nakatira. Never ko pa syang nakita." paliwanag ko.

Bumaling ako sa kanya, "Eh ikaw, nasaan ba ang parents mo? never kang nagkwento tungkol sa parents mo. Gusto ko silang ma-meet." sambit ko.

"Hindi ko kilala yung mga tunay kong magulang. Basta ang alam ko lang, pinamigay nila ako sa isang mafia boss." pagkukwento nya.

"Sila yung nagpalaki sa akin at trinato ako ng para bang tunay na anak. Ako lang ang anak nila that's why ako na ang nagpapatakbo ng kompanya nila." pagpapatuloy nya.

"Nasaan sila ngayon? ibang bansa?" I asked.

"Wala na sila." sagot nya. Niyakap ko sya ng mahigpit.

Nalulungkot ako para kay Czeous. Hindi dapat ako mag isip ng masama sa kanya. Kailangan ko syang pagkatiwalaan.

"Gusto kong sumali sa organization nyo." sambit ko.

"Don't you dare, hindi mo alam kung gaano kapanganib doon." suminghal si Czeous.

"Gusto ko ding protektahan ang sarili ko, pati yung kapatid ko. Let me in, Czeous." pagmamakaawa ko sa kanya.

Dinala ako ni Czeous sa hideout nila. Bumulaga sa akin ang mahigit isang daan na kalalakihan at lahat sila ay naka black suit.

Yumuko silang lahat nang tuluyan kaming pumasok sa loob.

"Meet my wife, Ashley." pagpapakilala nya sa akin.

Pumalakpak naman si Tristan, "Wow! Don't tell me—"

"Shut up." wala sa mood na sambit ni Czeous kay Tristan.

"Kailangan nyong protektahan at itrain ang asawa ko. Pero wag nyo syang pahihirapan kung ayaw nyo pang mamatay." seryoso ang kanyang mukha.

"Masusunod po, boss." sambit nila.

Hindi pala madaling matuto kung paano bumaril. Hindi ko alam kung bakit ko 'yon nagawa kagabi, nadala lang siguro ng emosyon.

Sabi ni Czeous kailangan ko daw matutunan kung paano ang tamang paggamit ng baril dahil magagamit ko daw ito sa mga nagtatangkang pumatay sa amin.

Nagdahilan na lang akong may sakit kaya hindi nakapasok sa opisina.

Pumasok si Czeous kaya lumabas muna ang mga alalay nya. Kumuha din sya ng isang baril.

"Kumusta?" tanong nya saka ako hinalikan sa noo.

"Ayos lang, nasasanay na rin sa paggamit ng baril." sagot ko.

"That's good." ginulo nya ang buhok ko.

"Nga pala, bakit ka ba naging mafia boss? para saan?" tanong ko sa kanya.

"Hindi ko naman talagang ginusto na maging mafia boss noong una. I hate it, sa tuwing nakikita ko yung daddy ko na pumapatay ng kung sino sino. Pero nung pinatay silang dalawa ni mommy, narealize kong ako na lang mag isa. That's why kailangan kong kunin yung posisyon ni daddy, para maprotektahan ko yung sarili ko. Para na din mabigyan ko ng hustisya yung pagkamatay nila." emosyonal nyang sagot habang pinaglalaruan ang baril na hawak hawak nya.

May point si Czeous, kung hindi sya mafia boss ngayon baka may nangyari nang masama sa kanya.

"Yung pumatay sa parents mo, nahanap mo na ba sila?" tanong ko.

He nodded. "Matagal ko na syang nahanap actually."

"Really? bakit hindi mo pa rin sya pinapatay hanggang ngayon? diba sabi mo maghihiganti ka sa pagkawala ng parents mo?" sunod sunod kong tanong.

"Paano ko naman magagawang patayin yung pumatay sa magulang ko?" sarcastic nyang tanong.

"Kung sya pala yung tatay ng taong mahal ko." dagdag pa nya.

Nahulog sa paanan ko ang baril na hawak hawak ko.

Hate the sin, Love the sinner. (Sex with the Mafia Boss) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon