Chapter 9

26 2 0
                                    

Violet's POV



Nang magising ako nanatili akong nakapikit at napangiti!



Dahan-dahan pa kong uminat habang humihikab.



Pero agad din akong napabalikwas at napadilat ng maalala kong wala kami sa bahay at nasa biyahe kami nung matulog ako.



Shet!



Tinanggal ko ang earphones ko at napakurap ng maraming beses nang makitang nakapalibot siilang lahat sakin na akala mo nahimatay ako.



"Mygosh! Mabuti naman at naisipan mong gumising?"-nakapameywang na tanong pa ni Anna.



"Ano bang klaseng tanong yan? Parang sinabi mo na rin na mamatay nalang ako?"-inis na tanong ko rin. 



Tss, yung magigising ka tapos ganung tanong ang bubungad sayo -,-



"Hindi naman sa ganun! Huy sorry na, baka ma mis-interpret mo ko e."



"Tss, goodmorning ah. Gandang bungad."-sarkastikong sagot ko at ngumiti ng pilit.



"Oo nga, wag ka nang magalit Violet. 100% sure ako, na pagbaba mo dito sa Van, mawawala yang inis mo."-Gab na umakbay pa sakin.



"Pagpasensiyahan nyo na ang sisteret ko. Puyat kasi yan at baka gutom na kaya ganyan."-natatawang asar pa ni Phanie kaya agad ko rin siyang sinamaan ng tingin.



"Masyado ka atang pinuyat ni Paul kagabi?"



"Wala pa naman si Paul ngayon para busugin ka."



"Dibale nandyan naman si Ace."



Hindi ko na inisa-isa pang pakinggan yung mga side comment nila, dahil baka lalo lang madagdagan ang inis ko.



Hindi maganda ang gising ko at mukhang tama nga si Phanie.



Kailangan ko ng pagkain.



Tinignan ko si Ace at tinaasan ng kilay.


Broken Without You.Where stories live. Discover now