Incoming

855 45 2
                                    






"Althea sorry pala at hindi kami nakapunta nung birthday ni Miggy ah? Nagkaemergency meeting kase at halos anong oras nadin natapos kaya pagpasensyahan mo na kami ng Daddy Garry mo" hinging tawad ni Mommy Clair kahit hindi naman na kailangan, nasabe nadin sakin to ni Jade at naiintindihan ko naman. Si Ate Pauline naman biglang inatake ng migraine kaya hindi din nakapunta.

"Ayos lang po yun. Thankyou nga po pala sa pinadala niyong regalo para kay Miggy, sobrang nagustohan niya po. Pinapasabe din po ni Mama na dumalaw daw po kayo sa bahay minsan para maipagluto niya po kayo" sagot ko kay Mommy Clair at tumango lang eto bilang sagot habang malambing na nakangiti.

"Jade you said you have something to tell us?" It was Ate Pauline who's grinning from ear to ear, syempre alam narin niya yung napag-usapan namin ni Jade for tonight. Pero mas-excited pa sila ni Batchi kesa samin, akala mo sila yung mag girlfriend tapos yung relasyon nila yung sasabihin namin sa magulang at Lola nila.

Nasa dining na kami at nasa kalagitnaan na ng pagkain at ng masaya pading nag-uusap sina Ama at Daddy Garry, habang kami naman nina Mommy Clair ang nag-uusap usap. Huminto naman agad kami sa pag-uusap at sabay-sabay na napatingin kay Jade. Kinakabahan. Ako.

Wala manlang warning Ate Pauline? Bakit kailangan mangbigla? Nagmamadali? May lakad? May lakad? May date? May jowa? Ay sorry. Hahaha

Eto namang hangin mukhang missing in action nanaman, palagi nalang! Lapot na lapot nako dito dahil parang wala ng parte ng katawan ko ang hindi pinagpapawisan. Yung kaba ko grabe! Lalo na ng tumayo na si Jade.

Nak nang tinapa na kumikindat! Ang sakit! Sinipa ako bigla ni Batchi! Ang lakas! Napangiwi ako sa sakit, pagkatapos ng tinignan ko siya pinandilatan ako ng mata sabay ngumuso sa hawak kong pitsel na iaabot ko sana sa kanya pero dahil nabigla ako sa sinabe ni Ate Pauline at sa agad na pagtayo ni Jade, napahawak ako ng mahigpit sa pitsel at hindi niya sakin makuha. Binitawan ko agad sabay sabing sorry pagkatapos tumingin nako kay Jade na ang sama pa ng tingin kay Batchi, siguro alam niyang sinipa ako. Nako lagut ka mamaya Batch. Hahaha!

"Yeah. May sasabihin po sana kami ni Althea. Daddy, Mommy..Ama" isa-isa silang tinignan ni Jade pagkatapos ay pinatayo niya ko sabay hawak sa kamay ko. Ghaad! Nakatingin ako sa tatlong nakatatanda samin na mga naghihintay sa susunod na sasabihin ni Jade, parang si Ama lang yung napatingin sa kamay namin habang sina Daddy Garry at Mommy Clair mga nakangiti lang.

"Althea and I..kami na po" diretsang sabi ni Jade sabay lingon sakin at saka ngumiti kaya napangiti nadin ako. Napahinga ako ng malalim, nanghina bigla yung tuhod ko sa ngiti niya. Yung parang kapag hindi nila kami tinanggap, yayayain ko nalang si Jade na magtanan nalang kami. Pero wag naman sana umabot dun.

"Magandang balita yan! Akala ko matatagalan pa eh" basag ni Daddy Garry sa titigan at ngitian namin ni Jade. Agad naman tumayo si Mommy Clair at sabay kaming niyakap ni Jade.

"Natutuwa ako para sa inyong dalawa" sabi niya samin at niyakap ulit kami. Pagkatapos ay bumalik ulit siya sa upoan niya. Sabay kami ni Jade na tumingin kay Ama na ang lapad din ng pagkakangiti at mahinang pumapalakpak. Ang cute niya lang grabe! Hahah

"Masaya din ako para sa inyo. Hali ka nga dito Althea at payakap din ako" sabi ni Ama at agad naman akong lumapit sa kanya kahit nanginginig pa ang tuhod ko at mahigpit niya akong niyakap pagkatapos ay pinisil ulit yung pisnge ko, ngumiti nalang ako at pinisil niya pa ulit yung pisnge ko. Ay iba, nakailan na tong si Ama sa pisnge ko ah.

"Ama ako ba hindi mo yayakapin? Ako kaya yung apo mo" kunwaring reklamo ni Jade, natawa naman ang lahat lalo na si Daddy Garry na may pailing-iling pa.

When I Look At You (Rastro Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon