Infinity Necklace

1.1K 48 1
                                    



"Mangit yung ngiti mo nakakatakot na, parang pakakasalan mo na yung ulam eh" pang-aasar ko kay Jade, pero ang totoo nakakatakot na yung ngiti niya kase para akong lalong nahuhulog sa kanya, eh hulog na hulog na nga ako remember?

"Selos kana niyan? Favorite ko lang talaga siya, pero ikaw ang pakakasalan ko" biglang banat neto, hindi naman ako nakasagot agad dahil nabigla talaga ako habang si Batchi naman akala mo nagpropose na si Jade kung makareact eh. Kasal agad? Hindi pa nga kami nakakapamanghikan eh and ofcourse I'm not ready yet. I think.

"Wag ka nga magbiro ng ganyan Mangit" tanging nasabi ko nalang dahil hindi ko nadin kinakaya yung mga tinginan niya, nakakatunaw ng pagkatao!

"Sige na maglandian muna kayo jan, ako na mag-iinit neto para pagdating ni Vivien kakain nalang tayo" singit ni Batchi at agad na ngang lumabas ng office ni Jade habang kami naman naiwan sa loob. Ramdam kong nakatingin padin siya sakin pero hindi ko magawang tumingin sa kanya, nalulunod ako sa kilig. Hanggang sa naramdaman ko ang paglapit niya sakin sabay pagsundot sa tagiliran ko kaya napatalon ako.

"Ay kabayo! Mangit ano ba!" saway ko dito sabay hampas ng mahina, sinalo nito ang mga kamay ko pero agad din niyang binitawan at hinapit ako sa bewang kaya napahawak ako sa balikat nito. Juiceko yung puso ko pahabol at mukhang malayo na ang natakbo!

"Mangit not now, wag kang maharot at baka ikaw gawin kong lunch ngayun din" biro ko dito pero sa totoo lang hindi ko mahanap yung biro sa loob-loob ko. I'm feeling the heat!

"HAHAH walang pumipigil sayo" panghahamun nito sakin, juiceko napakaharot naman talaga nitong babaing to! Feeling ko kahit ang lakas ng aircon dito ay pagpapawisan ako.

"Mangit wag dito, nasa office tayo at kitang kita tayo sa labas" pagpapaalala ko dito dahil lalo akong hinapit sa bewang.

"Close your eyes" she whispered na parang hindi ako narinig pero walang pagdadalawang isip ko din namang sinunod, bahala na! Tinanggal niya ang kamay ko sa balikat niya at nilagay sa bewang niya, hinihintay ko ang paglapat ng labi niya sakin hanggang sa naramdaman ko ang isang malamig na manipis na bagay na yumakap sa leeg ko.

"Now open your eyes" bulong niya, I was a bit dissapointed that she didn't kissed me though pero agad akong dumilat para tignan yung bagay sa leeg ko, and when I did I can't help not to give her a very tight embrace. It's a gold infinity necklace.

"Thankyou Mangit"

"I Love You. You like it?"

"I Love You more and I Love it"

"Mabuti naman, look" maingat niyang kinalas ang pagkakayakap namin at may kinapa siya sa may bandang leeg niya.

"I have one too" she said as she pulled her own infinity necklace, it's exactly the same with what she just gave me.

"It has our name on the back, see?" dugtong niya while showing me the 'Jade&Althea' on the back of the infinity pendant which I think would be so much better kung nasa harap yun para makita ng lahat. Hinawakan ko ang pendant para iangat ng konti para tignan ulit eto and it felt familiar on my touch, yung parang ginawa talaga to para sakin. Hindi ko na napigilan ang sarili ko, her face is just inches away from me and I was about to kiss her ng bumokas ang pinto at iniluwa si Batchi kasunod si Vivien.

"Oops! Did we interrupt something?" si Batchi na naka peace sign. Natawa nalang kami ni Jade sa itsura nito.

"Hi Vien" sabay kaming lumapit ni Jade dito para magbeso pero nauna nakong lumapit kay Batchi sa round table at tumabi dito sa pag'upo. Gusto ko sanang katabi si Jade pero syempre mas-gusto kong bigyan sila ng space ni Vivien. Pag-upo ko ay sabay na umupo si Jade at Vivien sa harapan namin. Nasa tapat ko si Jade na masuyong nakangiti sakin and here comes the undying kilig conquering my whole being. With just her smile. Goodness! Feeling ko ang landi ko tuloy. Ginantihan ko siya ng ngiti and I swear she blushed.

When I Look At You (Rastro Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon