Chapter Twenty-Three

Start from the beginning
                                    

“Hindi.” Walang kagatol-gatol kong sagot. Nakita ko naman na gumalaw ang upper lip niya at halatang nagpipigil ng ngiti.

“Why?” he asked. Napabuntong hininga ako. This is Kent. He always like my assurance na siya lang ang mahal ko. Gusto niya laging naririnig na mahal ko siya. Hindi ko akalain na may insecurity din ang katulad niya where in fact ako dapat ang mainsecure dahil madaming babaeng nagkakagusto sakanya.

“Because I love you, Kent. You know that.” He smiled at me. Haay nakong lalaking ‘to, parang batang lalaki.

“I know that. I just wanted to hear it from you before I go to Colorado.” Nagulat ako sa sinabi niya. Napakunot ako.

“Anong gagawin mo sa Colorado? Tsaka bakit hindi ko alam? Secretarya mo ako.”

“I was invited by the family of Cassey Aragon to visit their plantation. She texted me.” kibit niya lang.

“Aragon? Si Ms. Aragon?” Tumango lang siya sa akin. Eh hindi alam ni Kent na ayaw ko sa babaeng ‘yon! Alam kong gusto niya si Kent!

“Yeah. 5 days lang naman ako do’n kasama na ang flight and departure.” Kahit kailan hindi ko pa napakita kay Kent na nagselos ako. Ayaw kong isipin niya na isa akong childish na babae. I am in a relationship with a man not boy so I should act as woman—not girl.

“Mag-iingat ka.” Nasabi ko lang sakanya.

“Bukas pa naman ang alis ko. Pwede pa tayong mag-date.” I saw his wide grin.

“Saan?” tanong ko.

“Sa bahay.” Mas lalo siyang ngumisi sa akin. Shiz! Ayaw ko sa bahay niya kahit gaano pa ‘yon kaganda, natetemp ako eh. Ang hirap kayang pigilan ng temptation! “Let’s just watch movie tapos ihahatid na kita sa inyo. Tapos tutulungan mo din akong mag-empake. Remember?”

“Sige.”

After work, magkasabay kami ni Kent na bumaba sa office. Sanay na sa amin ang mga tao dito kaya wala na akong naririnig na bulungan kapag nakikita nila kami.

“Gusto mo bang bumili ng take out para may makain ka mamaya?” sabi niya habang nagda-drive. Umiling naman ako. Busog pa ako kasi nagmeryenda kami kanina nila Florence at Jean.

“Iuwi mo agad ako ah. Walang kasama ‘yung dalawa kong kapatid.” Pagpapaalala ko sakanya. Minsan kasi ayaw na akong pauwiin nitong lalaking ‘to. Don’t get me wrong people kasi wala pang nangyayari sa amin. Gusto niya lang daw talaga akong nakakasama.

“Sa bahay na lang kasi kayo tumira tutal mag-isa naman ako do’n.” sabi niya.

“Kent, ilang beses ko na bang sinabi sa’yo na hindi pwede. Parang live in na din ‘yon at ayaw ko sa gano’n.” ilang beses na akong sinabihan ni Kent na sa bahay niya tumira kasama si Haril at Mica pero hindi niya ako mapilit. Sa tingin ko kasi hindi ‘yon tama.

Mayaman siya at napakalayo ng agwat ng edad namin kahit hindi halata sakanya. Pero ayaw ko kasing isipin ng iba na kumapit ako sakanya kasi mayaman siya. Mahal ko siya sa kung ano siya at hindi dahil sa kung ano ang mayro’n siya.

Dumating kami sa bahay niya. Tulad ng dati mukha itong malungkot. Inalalayan niya ako hanggang sa makapasok kami sa bahay niya.

“I’ll just change. Help your self ok?” tumango lang ako sakanya saka ko ginala ang paningin ko sa kabuohan ng bahay niya.

Pumunta ako sa CD rack niya para pumili ng movies. May mga bago siyang nabili na foreign movies kaya napangiti ako. Ito na ang lagi naming hobby kaya siguro bumili na siya ng madami.

“May napili ka na?” rinig kong sabi niya sa likod ko. Niyakap niya ako patalikod sa bewang. Ang malaki niyang bisig na nakapulupot sa bewan ko dahilan para manghina ako.

My Knight in Shining Fangs [Fangs Series # 1]Where stories live. Discover now