"When will you stop doing that, Bianca Telpace?" tila gusto na siya nitong ihagis palabas.

Tumawa siya ng malakas. "Sorry na. Hindi ko na uulitin." natatawa pa rin niyang saad. "Bitawan mo na ako. Baka biglang may pumasok, sabihin inuuna na natin ang honeymoon." halos kasi daganan na siya nito sa couch.

At tila nagdilang anghel siya dahil hindi pa man sila nakakaayos ni Kahel ay muling bumukas ang pintuan at iniluwa niyon sina Eunice, Rin, Reichelle at ang babae ni Kahel na pilit na itinatanggi ng huli. Sa likuran ng tatlo ay sina Dwight, Terence at Jules na noo'y malamig ang tingin sa kaniya.

"Err... Sorry, Ate. Wrong timing." ani Eunice "Pero kasi, malapit na magsimula ang engagement party ninyo ni Kuya Kahel. Everyone's waiting outside."

Mabilis na tumayo si Kahel at inalalayan siyang makatayo rin bago siya nito hinapi sa beywang na nagpataas ng kilay niya.

Ngumiti siya sa mga bagong dating at pinasadahan ng tingin ang bawat isa baho himito ang tingin kay Jules. Kung kanina ay malamig ang tingin nito sa kaniya, ngayon ay wala na siyang mabakas sa anyo nito. But unlike the last time she saw him, Jules looks much better now.

Ang guwapo nitong mukha ay bumalik na ang dating kulay. Ang may pagkakulot at may kahabaang buhok ngayo'y maiksi na at maayos ang pagkakasuklay. He looks... just like when they first met.

"Let's go." aniya kay Kahel. Nauna silang lumabas na dalawa at habang naglalakad patungo kung saan naroon ang mga piling bisita ay ramdam ni Bianca ang tinging ipinupukol sa kaniya ni Jules.

She leaned on Kahel and whispered somethin about the girl he likes. Paano ba naman ay kanina pa siya iniirapan ng babae.

"I wonder who invited her. From the looks of it, wala talaga siyang kakilala rito. You should take her out after our engagement." suhestiyon niya.

"You're crazy, Bianca. Technically, we're already engaged and yet you wanted me with someone else."

Tumawa siya ng mahina. "Alam ko namang nanggigigil ka na rin. Come to think of it, this is the very first time that I saw her wearing a gown. Kung hindi ko lang kayo nakikitang naghahalikan sa ilalim ng posteng walang ilaw, iisipin kong tomboy siya, eh."

"You're nosy."

"Yeah, yeah. Whatever! Just take her out later. Ako kasi, I have this feeling that Jules will take me away from this crowd any moment."

She emptied her glass of champagne before she excuse herself.

"Powder room." bulong lang niya kay Kahel na tanging isang simpleng tango lamang ang isinagot sa kaniya.

Pagdating niya sa loob ng powder room ay nadatnan niya roon ang 'babae' ni Kahel. The woman looked pissed while taking off the stiletto.

Dumiretso siya sa harap ng salamin para magre-touch ng make up habang pasimpleng inaanalisa ang babae sa tabi.

Hinubad nito ang sandals at pinalitan iyon ng high cut na puting converse na may karungisan saka nito itinapon sa basurahan ang suot na sandals. Napataas ang kilay niya roon.

Nang matapos iyon ay tila noon lamang siya nito napansin kaya tinaasan siya ng kilay na sinagot lamang niya ng isang matamis na ngiti.

"Sinasabi ko sa'yo, hindi ka mahal ni Kahel." anitong lalong nagpataas ng kuryosidad niya.

"Paano mo naman nasabi? We've known each other since we were kids, you know? Baka nga hindi ka pa ipinapanganak ay naglalaro na kami ng bahay-bahayan."

Tinignan niya ang babae mula ulo hanggang paa. She must be five feet and three inches tall. Very petite for Kahel who stands six feet tall.

Lumapit ito sa kaniya para bumulong. "Kasi, sabi niya sa akin, sa akin lang daw siya ganon."

Summer Fling (#thewattys2019) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon