“Huwag na, nagbago na ang isip ko” Napalingon ako agad dahil sa sinabi nya at seryoso malapit ko na talaga siyang sakalin.

“Nangaasar ka ba talaga, HA?!”

“Tss.” Napakahabang reply nya na walang kwenta. Wala siyang ibang sinabi, tumahimik lang siya at umupo sa couch niya. Binuksan niya pa ang TV at umarteng hindi ako nakikita at naririnig.

“Kung ayaw mo eh ‘di ‘wag!” Sa sobrang inis ko, kinuha ko ang bag ko, lumakad ako papuntang pinto at saka ko hinatak ang door knob kaso naubos ko na yata ang lahat ng lakas ko pero hindi ko pa din nabubuksan.

“Storm, buksan mo ‘tong pinto!” Sabi ko pero ang walang hiya, hindi ako pinapansin! Basta nanonood lang siya ng movie. Pute ano ba? Mauulit na naman ba ang nakaraan?

“Storm ano ba?! Sinabi ng buksan mo ‘tong pinto eh!” Nagbilang pa ako ng ilang segundo pero hindi nya talaga ako pinapansin.

1… 2… 3…

“Shit! What’s the matter with you?! Hey! Stop it!” Sigaw nya ng sugurin ko siya doon sa couch na inuupuan niya.

“Sinabi ng buksan mo ‘yung pinto eh! Buksan mo na at lalabas na akooo!” Hawak hawak ko siya sa damit habang niyuyugyog, habang siya naman hawak ang pulso ko na akmang pinipigilan ako sa ginagawa ko.

“I said, stop it!” Napahinto ako dahil sa sigaw niya at hindi ako nakapagsalita.

“Why you so stubborn?” Sabi niya habang nakatitig sa mga mata ko. Hindi ako nakasagot, wala akong nasabi dahil naipit ako sa mga titig nya. Yung pakiramdam na nakasandal siya sa sandalan ng couch tapos ako nakadagan sa kanya, ‘yung pakiramdam na hindi ka makahinga dahil sa sobrang lapit nyo na naman sa isa’t isa, yung pakiramdam na tinititigan ka na naman nya. Yung pakiramdam na gano’n, ‘yung pakiramdam na gusto mo sanang pigilan kaso hindi mo kaya.

“There’s a password in any part of my condo” Bumalik lang ako sa wisyo nang narinig ko siyang nagsalita, kaya naman agad akong napabalikwas.

Password? Password na naman? Lang ‘ya! Lahat na lang yata ng pag-aari ng mga Drey may password eh. Sige sila na talaga ang mayaman!

“And what’s the password? Master Storm again?” Taas kilay na tanong ko pero hindi na siya nagabalang sagutin ako, kinuha nya lang ang kamay ko tapos ayun kinaladkad na naman ako papunta sa isang kwarto na parang library dahil sa dami ng libro.

“Sit” Sabi nya sabay turo doon sa malambot na upuuan. Since, mabait naman ako, umupo na din ako. Hindi ko naiwasang ikutin ng tingin ang buong paligid, maganda kasi sa loob at parang ayos na ayos dahil sa sobrang organize ng mga gamit. Office type ang itsura ng kwarto, na parang library na parang study room. No wonder kung bakit super talino ni Storm.

Tahimik lang ako habang pinagmamasdan ko si Storm, lumapit kasi siya sa shelves tapos parang may hinahanap na libro. Ang cute nya lang pagmasdan habang iniisa isa nya ‘yung mga libro nya. Hindi pala cute, kasi ang gwapo.

“What’s the problem?” Para akong naalimpungatan dahil sa tanong nya, kaya naman agad akong nagiwas ng tingin.

“Ha?”

“What’s the problem?”

“Ikaw anong problema mo?”

“Haaay. Saan ba nakalagay ‘yang utak mo ha? Tinatanong kita kung anong problem ang pinapagawa sa ‘yo.” Aba’t yabang nito ah!

Seducing Mr. Pervert 2: Still Into HimWhere stories live. Discover now